Chapter 16

384 7 3
                                    

RATED SPG!

CLARA

"Sakay." Utos niya.

Agad naman akong sumakay sa kotse niya dahil yun ang utos niya.

Akala ko pa naman kapayapaan ang dala ng liwanag ng araw. Si Simon lang pala. Nakakainis!

"Saan ka pupunta?" Tanong niya pagkaupo ko sa tabi niya.

"Magsisimba sana." Nakairap na sagot ko pero sa ibang side nakatingin.

Ayaw kong tingnan siya dahil naiinis pa rin ako sa ginawa niya kahapon. Hindi niya inisip kung ano ang mararamdaman ko kapag nakapanood ako ng mga ganun. Babae ako kaya normal na sakin na maging ganun ang reaction. Wala sa ugali namin ang manood ng mga ganung video.

"Magsisimba?" Nagulat ko ata siya sa sinabi ko.

"Oo." Sagot ko. Biglang may pumasok sa isip ko.

Paano kung isama ko na lang siya sa simbahan baka sakaling matauhan at hindi niya na ituloy ang nais na gawin sakin at maputol ang kasamaan niya.

Tama!

"Samahan mo ako!" Sabi ko.

Nagitla siya at nag-alangan na tumingin sakin.

"Samahan kita?" Panigurado niya.

Napangiti ako sa reaksyon niya. Parang di siya makapaniwala. Siguro hindi talaga siya nagsisimba at natatakot na pumasok ng simbahan dahil sa mga kasamaang ginawa niya.

Grabe ang lalaking ito. Mala-anghel nga ang mukha pero di naman nagsisimba.

"Dito na." Sabi ko at tumigil kami sa harap mismo ng simbahan.

Nagdalawang-isip pa siya kung lalabas ba. Nauna na akong bumaba ng kotse at hinintay siya saglit sa harap nito pero di pa rin lumalabas.

Mukhang ayaw niya talaga. Kung ayaw niya naman, okay lang sakin para maging tahimik ang araw ko ngayon.

Lalakad na sana ako nang biglang bumukas ang kotse at bumaba na nga si Simon na nangangatog sa kaba.

"Sasama ako." Sabi niya pagkalapit sa akin.

"Mabuti naman." Pagngiti ko. "Tara na." Nagsimula na kaming maglakad papasok ng simbahan. Marami ng nasa loob pero di pa naman nagsisimula ang mesa kaya sakto lang ang dating namin.

"Teka." Sabi niya.

Sa nakikita ko ngayon sa itsura ni Simon pagkapasok ng simbahan parang hindi siya yung Simon na ginantihan ko. Ewan ko! Kinakabahan siya samantalang Simbahan naman ito.

"Huwag kang gagawa ng kasamaan dito ah." Parinig ko sa kanya ng mahina.

"Anong akala mo sakin!" Nagpipigil siya ng inis kaya muntik na akong matawa kaso pinigilan ko.

Pinagtitinginan si Simon habang naglalakad. Di naman kasi mapagkakailang ang gwapo niya kaya ayan imbes na sa harap tumingin ang mga babae, panay ang tingin nito sa likod kung saan kami nakaupo.

Nang-aagaw ng atensyon ang kasama ko. Nailang tuloy ako dahil nasama ako sa mga pinagtitinginan nila.

Nang magsimula na ang mesa ay tahimik lang si Simon at nakafocus lang sa Father ang tingin niya. Hindi siya mapakali. Parang gusto niyang lumabas na pero pinipigilan niya.

"Easy ka nga lang diyan." Payo ko sa kanya.

Sinamaan lang ako ng tingin. Nakuu ka talaga Simon.

"Easy naman ako ah." Pagkukunwari niya.

Maya-maya pa ay tumayo ang lahat at naghawak kamay para sa isang awit. Tinignan ko si Simon at wala akong choice kundi hawakan ang kamay niya. Humawak rin ako sa katabi ko, kaso hindi niya iyon ginawa sa katabi niya.

Addicted: The Prank to Don Juan (Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon