Chapter 14

315 2 1
                                    

RATED SPG!

CLARA

Lumipas na ang araw at hindi pa rin ako makapagdesisyon kung ano ang gagawin. Kung papayag ba ako na maging sex slave ni Simon o uuwi ako ng probinsiya na walang dala kundi problema.

Parang gusto kong umiyak. Bakit ba ako nalalagay sa ganitong sitwasyon? Kung bakit kasi nakilala ko pa si Simon.

"Ang lalim ng iniisip mo Clara. Mag problema ka ba?" Tanong sakin ni Kisses nang mapansin niyang hindi ko ginagalaw ang pagkain.

Andito kami sa cafeteria. Simula ng nag-iba ang itsura ko ay nag-iba na rin ang trato ng mga estudyante sakin. Pinapansin na ako ng classmate ko ngayon.

Sinasabihan pa nga nila akong maganda. Hindi ko alam kung may katotohanan ba ang pinagsasabi nila dahil parang dati lang halos pandirian nila ako.

Kaso may mga tao pa rin talagang ang liit pa rin ng tingin sakin. Kahit anong iwas ko, hindi nila ako tinitigilan. Wala naman akong ginagawa sa kanila. Pinapabayaan ko na lang.

Isa pa sa iniisip ko ang nakita ko kahapon.

Tama pala ang hinala ko. Si Agatha ang nagsabi kay Simon na ako ang nagprank call sa kanya. Siya ang kumuha ng cellphone ko.

Alam kong gusto niyang maging girlfriend ni Simon kaya niya ako isinumbong. Ang kinasasama ko ng loob ay alam niyang nagtiwala ako sa kanya na walang makakaalam sa gagawin namin pero tinakwil niya ako. Magkasabwat kami sa prank na yun at siya ang nakaisip ng idea na yun pero bakit ako lang itong nalalagay sa alanganing sitwasyon.

Hindi ko matanggap na gagawin ito ni Agatha. Kahit pa anong gawin kong pag-intindi ko sa kanya, di pa rin mawala ang galit ko.

Dahil sa kanya kung bakit sunod-sunod ang problemang dumadating.

Hindi ko na rin alam kung paano makokontak ang pamilya ko sa probinsiya gayung wala na akong cellphone. Baka nag-aalala na sila mama.

Mahihirapan akong makabili ng cellphone kaya hindi ko alam ang gagawin.

"Hoy, naging maganda ka lang Clara, hindi ka na kumikibo." Bumalik ako sa ulirat nang yugyugin ako ni Kisses.

"Sorry. May iniisip lang ako." Ngitian ko siya. Nakakahiya naman sa kanya. Kanina pa pala siya nagsasalita.

"Share mo kasi para mapag-usapan natin." Aniya.

Kahapon pa niya ako kinukulit na sabihin ang problema ko pero nagdadalawang-isip ako kung dapat ko bang sabihin.

"Next time na lang Kisses. Mabuti pa balik na tayo ng room." Aniko at tumayo na.

"Sige na nga."

Pagkatapos ng klase ay nagpaalam na ako kay Kisses. Naglakad ako papunta sa isang room kung saan huli kaming nag-usap ni Simon.

Bukas ito nang makarating ako pero hindi ko nakita si Simon kaya umalis na lang ako.

Hindi ko naman alam kung saan ko siya hahanapin kaya naglakad na ako pauwi sa Dorm Building.

Napabuntong hininga ako bago umakyat. Pang-limang araw ko pa lang sa Helix pero parang ang dami ng nangyari sa buhay ko.

Ganun pa man, kailangan kong lakasan ang loob ko. Pinalaki akong matapang ng mga magulang ko kaya hindi ako basta-basta susuko.

Bubuksan ko sana ang pinto pero nagulat ako nang makitang bukas na ito. Nakaramdam ako bigla ng takot. Wala na akong karoommate kaya imposibleng may bumukas ito.

Posible kayang may bago na akong roommate?

Agad kong binuksan ang pinto para makita ang bago kong kasama pero nabigla ako sa nakita ko.

Addicted: The Prank to Don Juan (Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon