CLARA"BATANGAS, HERE WE GOOOO!!" Sigaw namin ng sabay-sabay nang umandar na ang bus na sasakyan namin papuntang batangas.
"Keep quiet. Hindi na kayo mga bata. Kaya nga kayo kinuha para magguide sa mga bata. Hindi yung kayo yung mga umaastang bata!" Inis na turan ni Maam Avaceña.
Natahimik ang lahat.
"Sungit talaga nitong si Maam hehe." Ani Kisses na nasa tabi. Magkatabi kami at ako ang nasa bintana.
"Hayaan mo na." Sabi ko na lang.
Maya-maya pa ay naging tahimik na ang bus. Siguro natutulog na ang lahat. Gaya nitong katabi ko na natutulog na pala. Mabuti na lang at pinayagan siya ng daddy niya.
Bigla kong naalala ang nangyari kagabi.
Himala kasi at walang ginawa sa akin si Simon nang dumating siya sa dorm ko. Akala ko kasi may gagawin na naman siyang masama. Nagulat na lamang ako nang may binigay siya sa akin.
Yun pala ang sim ko na hinahanap ko dahil hindi ko memorize ang number nina mama kaya hindi ako makatawag sa kanila. Hindi nga ako lubos makapaniwala kung sim ko ba talaga iyon. Mabuti na lang talaga dahil natawagan ko na sina mama at papa. Mabuti naman at ayos sila.
Nagawa ko pa rin naman magpasalamat.
Higit pa dun ay wala na siyang ibang ginawa. Malaki ngang himala.
At ngayon, nagtext pa siya na mag-ingat daw ako. Ano ba itong nangyayari kay Simon? Anong sumanib sa kanya at nagiging mabait siya sa akin?
Baka kung anong hangin lang. Kakalimutan ko muna siya. At ito ang tamang chance na iyon. Matutulog na muna ako. Mahaba pa naman ang biyahe.
--
"Sige na. Magtungo na muna kayo sa room niyo para magpahinga. After 2 hours, bumalik kayo para makapaglunch. And then, we'll be ready for the event later." Announce ng isang professor sa amin pagkatapos kaming bigyan ng mga susi sa room namin. Bale apat kami sa isang room. Kasama ko si Kisses at ang dalawa na hindi ko pa nakikilala. Baka sa ibang block sila.
"Nga pala, ako si Alessandra at siya si Mia. Galing kami sa Psych 1C." Approach nung isa sa roommate namin ni Kisses. Hindi ko lang maintindihan yung way ng pag-approach niya. Hindi ko alam kung sino ba yung kinakausap niya dahil hindi naman siya nakatingin sa amin.
"Ahh. Kisses and..." Di niya pinatapos si Kisses sa pagsasalita.
"Asan yung susi? Mauuna na kami sa room namin." Masungit naman na hinila ng Mia ang susi na hawak ni Kisses.
Hindi na nila kami pinagsalita at nagsialisan na.
Anong nangyayari sa kanila? Ayaw ba nila kaming maging karoommate? Or ako lang yung ayaw nila. Halata naman na ayaw nila sa akin. Well, actually madami pa rin naman silang ayaw sa akin. Hindi ko rin maintindihan dahil wala naman akong ginagawang masama sa kanila.
Andito nga pala kami sa isang Resort sa Batangas. Sobrang ganda nga dito. Talagang pang-sosyal na resort. Dito gaganapin yung acquaintance party ng mga high school student. Ang sosyal talaga! Di tulad sa amin nuon na sa isang City Gym lang.
"Arat na Clara!" Natigil ako sa pagmumuni-muni nang tawagin ako ni Kisses.
"Sige. Mauna ka na lang." Aniko at tumango lang siya bilang tugon.
Hindi pa naman ako pagod dahil ang sarap ng tulog ko sa bus. Sanay rin naman akong bumiyahe sa bus kaya kunting pagod lang yung nararamdaman ko ngayon.
Nakakawala rin ng pagod ang ganda ng tanawin at ang sariwang hangin. Namiss ko tuloy ang probinsya dahil dito.
Ang laki pa ng swimming pool. May beach din di kalayuan mula sa kinatatayuan ko. Nakakamiss talaga mamuhay sa probinsya.
BINABASA MO ANG
Addicted: The Prank to Don Juan (Series#1)
RomanceGalit ang dahilan kung bakit napasubo si Clara na i-prank call ang pinakabadboy at pinakababaerong lalaki sa Helix University na si Simon at ayain ito na makipagsex sa kanya. Dahil sa nangyari ay magkakaroon ng pagbabago ang tahimik niyang mundo.