Chapter 4: Newbie

6.4K 247 53
                                    

Bridget's Point of View

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ng babaeng humarang sa amin kanina.

"Welcome to Hell."

Paanong ang maganda at malamahikang eskwelahan ay magiging isang impyerno? The people here are somehow weird. 

Nakahiga lang kami ni Patricia sa kama. Nagpapahinga na rin kami dahil bukas na ang simula ng aming klase. Kahit dito sa aming kwarto ay sobrang ganda rin. The room has beauteous structures. Ilang metro lang din ang layo nito sa academy.

Nilingon ko si Pat. Kasalukuyan siyang nakatingin sa kisame. Mukhang malalim ang kaniyang iniisip. Muli kong binalik ang tingin ko sa kisame ng aming room.

"Sino kayang magiging kaibigan natin dito?" Napalingon ako sa tanong ni Pat. Honestly, I don't think that we can find a true friend here in academy. Doon pa lang kasi sa dalawang babae na nasa harapan namin kanina ay parang masama na ang ugali at hindi kami gustong maging kaibigan.

"Hindi ko rin alam, Pat. Nga pala, Patricia na ulit ang itatawag ko sa iyo. Baka mapagkamalan ka nilang tomboy dahil tinatawag kitang Pat." Hinampas naman ako ni Patricia ng unan. Dahil sa gulat ay hinampas ko na rin siya ng unan. Totoo naman kasi na mas bagay ang Patricia sa kaniya. Mas babae ang dating kaysa sa pangalang 'Pat'.

"Baliw ka talaga, Bridget. Pero ayos na rin siguro na tawagin mo ako sa totoo kong pangalan." She suggested. Nang maramdaman na naming ang pagod ay tumigil na kaming dalawa sa paghahampasan ng unan. "Bridget, ang laki ng kwarto natin. Talagang hindi pangkaraniwan ang paaralang ito. Inaalagaan talaga nila ang mga estudyante rito." I agree with her.

"The only thing that I hate in this school is their secrets. Nagugulahan na ako kanina pa. Katulad sa—" Naputol ang sinasabi ko kay Patricia nang may kumatok sa pinto. Sinenyasahan ako ni Patricia na siya na raw ang magbubukas ng pinto.

"Pwede ba namin kayong maka-usap?" Napabalikwas naman ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang tanong na iyon. Inaninag ko kung sinong pinapasok ni Patricia.

Guess who's here? Ang dalawang babae na maganda ang pagsalubong sa amin kanina. Hindi ako natuwa sa kanilang pag pasok. Inayos ko ang aking sarili at umayos agad ako ng tayo.

"Pasensya na kanina sa inasal ni Trixie. Ganyan lang talaga siya sa mga baguhan dito. Don't mind her. Mabait naman siya, medyo mailap nga lang siya sa tao." Tumingin naman ako kay Trixie.

"Sorry." She gave me a weak but sincere smile. Mailap nga sa tao itong si Trixie.

"O-Okay lang iyon. Medyo kinabahan lang ako ng kaunti sa sinabi mo kanina." I know that she is a good person and I hope my instinct is right.

"Pasensya ka na talaga. By the way, what's your name?" Trixie asked. She has the nerdy type because she wears eyeglasses and has braided hair.

"I'm Bridget. Ang kasama ko naman ay si Patricia." Inilahad ko sa kaniya ang kanang kamay ko. Hindi niya iyon tinaggap at sa halip ang tumanggap nito ay ang babaeng kasama niya.

"Iginagagalak kong makilala kayo. Ako naman si Trisha. You can call me Trish." I greeted her with a smile. "Pwede bang tumuloy muna kami sa kwarto niyo? Para naman makabawi kami sa inyo. Saka para makilala na rin namin kayo." 

It looks a great idea. Para naman papaano ay may kakilala na kami sa paaralan na ito. Pumayag naman kami ni Patricia. Agad namang umupo sina Trish sa tapat namin.

"Bakit nga ba ito ang pinili nyong eskwelahan? Alam niyo bang kayong dalawa lang ang bagong estudyante ngayong taon. Halos lahat kasi ng narito ay dati ng esudyante." 

Mystical Academy: School of Magical Science (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon