Bridget's Point of View
Naiwan akong nakatulala sa hallway. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Napahawak na lang ako sa aking pisngi. Binati ako ni Felix sa aking pagkapanalo at hinawakan niya pa ang aking pisngi kanina.
Naalala ko tuloy ang ginawa niyang pag ngiti sa akin kanina noong lumabas ako sa examination room. Alam kong siya ang nakita ko. Ayaw niya lang talagang ipaalam sa akin. Dahil alam niyang matutuwa na naman ako. Hindi ko alam, basta natutuwa ako dahil magkaibigan na rin kaming dalawa.
He did not said earlier that we are friends already. He just congratulates me and that's it. No confirmation at all.
"Bridget." I was startled. Kinabahan ako sa pagsulpot ni Patricia. "Oh, para kang nakakita ng multo," reklamo niya at ginulo ang aking buhok.
"Ikaw kasi nakakagulat ka." I pouted.
"Hindi ko intensyong gulatin ka. Tinawag lang kita, okay? Saka sino kaya itong bigla na lang nang-iiwan?" pagrereklamo niya. Huminga ako ng malalim at piniling tumahimik na lang at baka kung saan pa mapunta ang usapan naming dalawa.
Biglang sumagi sa isipan ko na hindi ko alam ang naging resulta ng pagsusulit niya. Agad kasi akong umalis nang makita ko si Felix sa labas ng examination room kanina. Hindi ko tuloy nagawang hintayin si Patricia.
Agad kong hinampas ang noo ko. Parang lumabas na mas mahalaga pa si Felix kaysa kay Patricia. Wrong move, Bridget!
"Sorry, bes. It's just... never mind. By the way, what about your ranking? Hindi ko na tatanungin kung pumasa ka kasi may tiwala naman akong pumasa ka sa pagsusulit," sambit ko. Nginitian ko siya at ginawa ko ang finger heart. Napailing naman si Patricia sa akin.
"Rank 13, bes." Bigla na lang siyang umirit ng malakas. Napatalon kaming dalawa at niyakap ko siya kaagad. Sinabayan ko na rin ang ginawa niyang pag-irit. Magkasunod pa kami ng rank ni Patricia.
Nalampasan na rin namin ang unang hakbang dito sa Mystical Academy. We all know in ourselves that our abilities are suited in this Academy. Naputol ang paghiyaw ko nang biglang kumalas sa pagkakayakap si Patricia. Nakapamewang ito sa akin. Her eyebrows frowned.
"Akala mo ata ay malilimutan ko ang pag-iwan mo sa akin." Napasimangot siya. Hindi talaga ako makakatakas kay Patricia.
"Hindi ko naman talaga ginustong iwanan ka. Sinundan ko lang si Felix. Huwag ka ng magtampo," paliwanag ko at agad akong nag-peace sign sa kaniya. Napa-iling na lang siya sa akin at mahina akong hinampas.
"Oo na. Pero bakit mo nga sinundan si Felix? You are in a rush," pang-iintriga niya at tumingin pa siya sa akin nang nakakaloko. What is she trying to say?
"I caught Felix smiled at me!" sigaw ko. Nanlaki naman ang mata ni Patricia sa sinabi ko.
"Oh my goodness! Si Felix ngumingiti? That's new!" Hindi makapaniwalang sambit ni Patricia. Yeah, that's new base on his rude personality. "Kaya ka pala dali-daling tumakbo kanina para habulin siya. Ikaw ha, may lihim na pagtingin ka na ata kay Felix."
"Stop it, Patricia. That time, I saw Felix smiled at me but Dominique suddenly blocked my way. All of a sudden, Felix disappeared. Kaya dali-dali ko siyang hinanap. Gusto ko rin siyang kausapin tungkol sa aming pustahan," pangaral ko kay Patricia. Pinanliitan niya naman ako ng tingin.
"Kaya pala ang lapad-lapad ng ngiti mo dahil ikaw ang nanalo sa inyong pustahan." Nasabi ko na rin kay Patricia noong isang araw ang pustahan namin ni Felix.
"Yes, I'm in the rank 12 and I won the deal. But it doesn't mean that we're friends already," malungkot na banggit ko kay Patricia.
"What? Paanong hindi kayo magkaibigan?" naguguluhang tanong ni Patricia.
BINABASA MO ANG
Mystical Academy: School of Magical Science (Completed)
FantasyAfter discovering that she has an elemental power, Bridget must find a way to fight against those hunting her which is the Dark University. She must uncover the answer in solving the quest in the hidden truth of the magical academy in order to save...