Bridget's Point of View
Maingat akong itinakas ni Ate Lisa. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang buhay siya. Natutuwa ako dahil ligtas ang magulang namin.
Pinigilan ko si Ate sa pagtakas. "May isasama ako sa pagtakas. Sandali lang." Malakas niyang hinatak ang aking kamay at tiningnan ako ng masama.
"Mapapahamak ka. Sumunod ka na lang sa akin." Mabilis kong inalis ang pagkakahawak sa akin ni Ate Lisa.
"Babalik ako, mabilis lang ako." Huminga siya at pumayag din sa aking gusto. Kailangan kong maitakas ang ina ni Felix. Hindi dapat siya maiwan sa seldang iyon.
Tumakbo ako nang mabilis para mabilis akong makapunta roon. Agad akong nagtago nang makita ko ang dalawang Dark Sorcerers na kagagaling lang sa selda ng ina ni Felix. Sana naman wala silang ginawang masama sa kaniya.
Maingat akong nagtungo sa selda ng ina ni Felix nang makita kong wala ng tao. Agad ko siyang hinanap at parang gumuho ang mundo ko nang makita ko ang kalagayan niya. Nakahandusay at nalulunod sa kaniyang sariling dugo. Naiyukom ko ang aking kamao. Hindi na talaga nila ginalang ang pamilya ni Felix. Hindi ko sila mapapatawad.
"Ipaghihiganti ko po kayo. Pangako," mahinang sambit ko.
Naramdaman ko namang may paparating kaya agad akong lumabas ng selda. Nagulat ako nang may tumakip sa aking bibig. Lalaban pa sana ako pero agad niya naman akong binitawan. Nakahinga ako nang makitang si Ate ito.
"Kailangan na nating umalis dito," sambit niya at kaagad akong hinatak papalabas ng Dark University.
Dinala ako ni Ate Lisa sa isang tagong lugar. Pamula kanina, hindi ko pa rin sila nakakausap nang maayos at nayayakap. Nang makarating kami sa lugar na pinagtataguan nina Ate, agad kong sinalubong at niyakap ang mga magulang ko. Niyakap naman nila ako nang napakahigpit.
"I missed you, anak," sambit ng aking ama.
"Sabik na sabik na kaming makita ka. Nagulat na lang ako nang malaman ko sa Ate mo na nasa Mystical Academy ka." Napakalakas ako sa kanila nang sabihin iyon ng aking ina.
Hindi alam ni Mama na pumasok ako sa Mystical Academy?
"Ano pong sinabi niyo? Alam niyo pong pumasok ako sa Mystical Academy. Pumayag pa nga po kayo," naguguluhang sambit ko sa kaniya.
"Hindi ako iyon, anak." Naguluhan ako sa kaniyang sinabi. Papaanong hindi siya ang kausap ko nang araw na iyon?
"Hindi si mama ang nakausap mo noon, Bridget." Napalingon ako sa sinabi ni Ate Lisa. Tumabi siya sa akin at ikinuwento ang lahat.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Ate Lisa. All this time, I am living with a monster. Hindi ko totoong ina ang kasama ko noon sa bahay. Kinuha niya ang katauhan ni Mama at nagpanggap na ina ko.
I will never forgive you, Mrs. Moralez.
Akala ko isa lang siyang matapang na guro pero nagkamali ako. Isa siyang traydor. She is the co-leader of Dark University. Siya rin ang naglagay ng mahika sa aking tablet noon. Ito ang ginagawa niya sa lahat ng naging estudyante ng Mystical Academy dahil hindi nila mahanap ang nagmamay-ari ng kwintas.
"Ate, bakit ka nagsinungaling sa akin? Bakit hindi mo sinabing buhay ka pa?" tanong ko sa kaniya at hinawakan niya naman ang dalawa kong balikat.
"Para sa kapakanan mo ang ginawa ko." Niyakap niya ako nang mahigpit. Kahit papaano hindi ko magawang magalit sa kapatid ko. Inaalala niya pa rin ang kapakanan ko. "Mabuti na lang at hindi ka sinaktan ni Valentina."
Napakalas ako sa kaniyang yakap nang sabihin niya ang pangalang iyon. "Valentina?"
"Ang presidente at ang namumuno sa Dark University. Ang babaeng nasa panaginip mo." Napahawak ako sa aking bibig. Siya ang babaeng gusto akong patayin.
BINABASA MO ANG
Mystical Academy: School of Magical Science (Completed)
FantasyAfter discovering that she has an elemental power, Bridget must find a way to fight against those hunting her which is the Dark University. She must uncover the answer in solving the quest in the hidden truth of the magical academy in order to save...