Felix's Point of View
Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang pagiging determinado ni Bridget noong isang araw. Nakita kong dumaan noon si Trish sa training room. Siguro magsasanay siya. Naging mahirap sa kaniya ang pagiging pangulo ng klase. Maraming tinapos na papeles kaya hindi na niya magawang magsanay pa.
Nagulat ako nang makitang dala-dala niya si Bridget. Kahit nahihirapan ay pinilit niyang alalayan si Bridget. Laking tuwa ni Trish nang makita si Nurse Laura sa labas ng training room. Sumigaw siya at narinig naman ito ni Nurse Laura.
Kaagad na tinulungan ni Nurse Laura si Trish sa pag-alalay kay Bridget. "She's fine. Nakatulog lang siya. Bantayan mo muna siya habang nagsasanay. Tawagin mo lang ako kapag napuruhan siya," sambit ni Nurse Laura.
Pumasok na ako sa training room dahilan para magulat si Trish. "Sabihin mo sa kaniya na kung gusto niyang paikutin ang tubig at makontrol ng ayos ang water blades, dapat pokus lang siya sa dapat na direksyon nito. Dapat pareho ang pressure at bilis sa paglabas para hindi ito magwala at para hindi na rin siya mataaman nito."
Naalerto ako nang makita ko si Bridget na unti-unting nagkakamalay. Lumabas ako at pumunta sa isang sulok.
Habang naaalala ko ang pangyayaring iyon, hindi ko maiwasang matuwa. She's really a determined girl.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita si Dominique na lumabas ng pool. Nakita ko siyang nakangiti. Naiinis ako dahil nakita ko sila sa ganoong posisyon.
Palihim ko siyang sinundan. Nakasalubong ni Dominique si Kiel na nilalaro ang tubig sa kaniyang kamay. Isa rin siya sa mga water users katulad ni Bridget.
"Dominique." Bati ni Kiel kay Dominique. Sinagot naman ito ng isang ngiti ni Dominique. "Mabuti ka pa marunong bumati hindi katulad ni Felix," inis na wika ni Kiel.
Hinding-hindi ako ngingiti sa lalaking iyon. I don't have any reason to smile at that guy.
"Hindi ka na nasanay kay Felix. Hindi talaga siya palabati," sagot ni Dominique.
"Hindi na nga bumati, tinulak niya pa ako." Kiel hissed. "Sinabi ko lang na nilaro ko ang tubig sa pool. Kampante naman ako dahil wala namang tao roon kaya walang masasaktan. Tapos tinulak na niya ako."
Nanlaki ang mata ko nang maalala si Bridget. Shit! Hindi ko na narinig ang usapan nila dahil dali-dali na akong tumakbo pabalik sa pool.
"Shit!" bulalas ko nang makita si Bridget. Napamura ako habang inaangat si Bridget sa pool.
I smirked when I saw in my peripheral view that Dominique is looking at us. Ramdam kong umalis siya at hindi na tumuloy sa pagpasok dito sa pool.
I devilish smile rose in my lips. Nahuli siya ng dating.
***
Bridget's Point of View
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. My eyes widened when I realized something soft against my lips. I realized that Felix's mouth was touching mine. Napagtanto kong nakahiga ako sa kaniyang hita.
Mariing hinalikan ako ni Felix. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Napaubo ako sa gulat at tinulak si Felix palayo.
"Anong ginagawa mo?" iritadong tanong ko kay Felix. Nagulat naman si Felix sa inasal ko.
"Niligtas lang kita. Nalunod ka, 'di ba?" inis na wika niya.
Napayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig na nararamdaman. Tiningnan ko ang aking sarili. Basang-basa ang katawan ko. Nakikita na ang hubog ng katawan ko. Uminit ang pisngi ko nang mapagtantong nakikita na ang suot kong bra. Dahil sa hiya, tinakpan ko agad ito ng dalawa kong kamay.
BINABASA MO ANG
Mystical Academy: School of Magical Science (Completed)
FantasyAfter discovering that she has an elemental power, Bridget must find a way to fight against those hunting her which is the Dark University. She must uncover the answer in solving the quest in the hidden truth of the magical academy in order to save...