Chapter 27: True Identity

2.1K 95 75
                                    

Bridget's Point of View

Nanginginig pa rin ang buo kong katawan nang makita si Hannah kanina. Nakatutok ang kaniyang kutsilyo kay Kiel. She wants to kill Kiel and I don't know what is her intention.

"Tutulog muna ulit ako, bubby. Nakakapagod ang training tapos ginambala mo pa ako kanina sa library," reklamo ni Kiel sa akin.

Muli siyang tumulog at mukhang inaantok pa. Kung alam niya lang ang nangyari kanina.

Minabuti kong dalhin sa training room si Kiel para mabantayan ko siya. Ayokong mapahamak siya. Muntikan na siyang mapatay kanina ni Hannah.

Biglang sumagi sa isipan ko si Felix. Nasapo ko bigla ang aking noo. Dapat magkikita kami kanina ni Felix sa library. Kaso nangyari nga iyong kay Hannah. I sighed. Ilang linggo na kaming hindi nagkakausap.

Gusto ko sanang pumunta sa library kaso maiiwan dito si Kiel. Walang magbabantay sa kaniya. Baka balikan siya ni Hannah.

Speaking of Hannah, I must have a plan to investigate her. Hindi ko pa siya lubos kilala. Kung masama ang intensyon niya, pasensyahan na lang kahit siya pa ang Heart keeper. Kailangan nilang malaman kung anong plano ni Hannah.

"Bridget, tara na muling magsanay."

Nagulat ako nang makita si Trish. Halos lumuwa ang puso ko dahil sa biglaang pagsulpot niya sa training room.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Trish is the right person to tell those things about Hannah. Should I tell her the truth?

"Handa naman akong makinig kung may gusto kang sabihin sa akin." Dahil siya ang pangulo ng academy, alam kong matutulungan niya ako sa bagay na ito.

Hinila ko siya papalayo kay Kiel. "Halika rito," bulong ko sa kaniya. Halatang naguluhan siya sa kinilos ko.

"Ano bang gusto mong sabihin?" tanong niya sa akin kaya agad ko siyang binitawan.

"May nalaman akong dapat mong malaman." Nagtaka naman siya sa sinabi ko. "I saw Hannah."

"What about her?" Nakakunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Nakita ko siyang may hawak ng kutsilyo at gusto niyang patayin si Kiel. Natigilan lang siya nang marinig ang boses ko." Lalong kumunot ang noo ni Trish sa sinabi ko.

"Bridget, are you kidding? Bakit naman iyon gagawin ni Hannah?" natatawang sambit ni Trish sa akin.

"Hindi ko rin alam. Kaya kailangan natin iyong alamin." Umiling si Trish sa sinabi ko. Mukhang hindi siya pumapayag sa sinabi ko.

"We will just waste our time on that non-sense thing. Baka naman nagkakamali ka lang sa nakita mo." Nagulo ko bahagya ang buhok ko dahil hindi naniniwala si Trish sa sinasabi ko.

"Nakita ko talaga! Gusto talagang patayin ni Hannah si Kiel!" I blurted out.

Hinawakan naman ni Trish ang dalawa kong balikat para kumalma. "Wait. Saan ka galing bago mo nakita si Hannah?"

Agad akong nag-isip kung saan nga ba ako nagpunta bago tumungo ng library. Galing ako sa pagsasanay.

"In the field. Kakatapos lang ng pagsasanay ko." Tinanggal niya naman ang kaniyang dalawang kamay sa aking balikat pagkatapos niyang mapagtanto ang sinabi ko.

"Epekto lang siguro iyan ng pagod kaya ka nakakita ng ganiyang pangyayari." Bigla akong nadismaya sa sinabi niya.

"Maniwala ka sa akin Trish. Nakita ko tala—"

"Enough, Bridget!" Natigilan ako nang biglang tumaas ang boses ni Trish.

I was stunned, don't know what to say.

Mystical Academy: School of Magical Science (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon