Bridget's Point of View
Nagising ako at masama ang aking pakiramdam. Hinipo ko ang aking noo at leeg. Mukhang may lagnat ako. Lumingon ako sa paligid at nasa tent ako ni Felix.
I check myself. Suot ko pa rin ang t-shirt ni Felix. Dito niya ako dinala pagkatapos niya akong iligtas. Nagulat ako nang biglang nagbukas ang zipper ng tent. Bumungad sa akin ang mukha ni Felix.
"Kumain ka muna para lumakas ka. Isang araw ka na ring tulog." What? Nakatulog ako ng ganoong katagal?
Pumasok si Felix sa loob ng tent. Nakasuot na siya ng t-shirt at may dalang isang mangkok at kutsara. Agad niyang sinara ang zipper ng tent.
"Hindi ba aalis na dapat tayo rito?" Napatingin naman siya sa aking itinanong.
"Ilang araw raw muna tayong mananatili rito. They are still checking if it's safe to go to that place," paliwanag niya. Bigla akong nakaramdam ng gutom nang makita ang dalang pagkain ni Felix.
"Alam ba nila ang nangyari sa akin?" Tumango naman si Felix sa aking itinanong.
"Huwag kang mag-alala. Binantayan ka nina Patricia kahapon noong nagtingin kami ng daan papuntang baryo. Saka huwag kang mag-alala, hindi naman sila galit sa iyo." Lumuwag ang pakiramdam ko sa sinabi ni Felix.
Bigla akong napahawak sa aking tiyan nang magsimula na itong gumawa ng ingay. Nakita ko naman ang pag ngiti ni Felix. Inaasar niya na naman ako.
"Kumain ka na muna. This is a special soup that can heal your wounds and make you feel better." Mukhang masarap nga ang dala niyang pagkain.
"I am the one who prepared this." Umiwas siya ng tingin sa akin. Hindi ko alam na nagluluto pala siya.
"Here..." Nataranta ako nang inilapit niya na sa akin ang kutsara kaya agad kong hinigop ang soup na naroon. Napasigaw ako dahil sa init.
"This is too hot to eat! You must check the temperature." Nagulat naman si Felix dahil sa pagtaas ng boses ko.
"S-Sorry..." mahinang sambit niya. "I will be careful." Napatingin ako sa ginawa niya. Kumuha siya ng isang kutsara nito at hinipan. Isinubo niya ito sa kaniyang bibig. Ang kapal ng mukha niyang kainin iyon.
But, I was wrong.
Pagkatapos niyang ilagay ang soup sa kaniyang bigbig ay lumapit siya sa akin. Hinila niya ako papalapit sa kaniya at hinalikan niya ako.
Agad namang napabuka ang aking bibig at naramdaman ko ang pagdaloy ng sabaw sa aking bibig. Nang dahil sa gulat ay hinampas ko siya at tinulak palayo pero lalo niya akong hinapit papalapit sa kaniya. He continue to kiss me until I eat fully the soup. Nang kapusin na ako ng hininga ay agad naman akong lumayo sa kaniya.
"Y-You steal my kiss." Tumawa lang si Felix sa akin.
"I guess, maayos na ang pakiramdam mo ngayon." Siniringan ko lang siya at umiwas ng tingin. Pero tama naman ang sinabi niya. Bumuti na nga ang aking pakiramdam.
"I'm sorry. Hindi ko na gagawin iyon, ubusin mo na ang soup na ito bago lumamig." Naramdaman ko namang hinawakan niya ang aking kamay dahilan para mapalingon ako sa kaniya. Bumitaw din siya at akma ng lalabas nang pigilan ko siya.
"That's okay, thank you for preparing this food." Agad akong lumapit sa kaniya. I give him a peck kiss.
Nakita ko naman ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Maya maya pa ay nakita kong ngumiti siya ng bahagya. Ginulo niya ng bahagya ang aking buhok bago tuluyang lumabas ng tent. Napangiti na lamang ako habang inuubos ang soup na inihanda ni Felix.
Ilang minuto rin ang nakalipas bago ko ito naubos. Totoo nga na nakakapagpagaling ang soup na ito. Nawala na ang aking lagnat. I decided to go to Patricia's tent. Abalang-abala ang ilan sa kanilang ginagawa. Nakita ko naman si Patricia at niyaya niya ako sa loob ng tent. Pinagbihis niya muna ako ng damit bago kami mag-usap.
BINABASA MO ANG
Mystical Academy: School of Magical Science (Completed)
FantasyAfter discovering that she has an elemental power, Bridget must find a way to fight against those hunting her which is the Dark University. She must uncover the answer in solving the quest in the hidden truth of the magical academy in order to save...