CHAPTER 11: His birthday

15K 445 1
                                    


XANDRA'S POV

Napa buntong hininga ako ng makita ang invitation card na binigay ni ash sakin ka hapon. Ngayong araw na ang birthday ni ash at hindi ako mapakali. Sigurado akong maraming mayayaman at kilalang tao ang dadalo duon 

Nagulat ako nang mag vibrate ang cellphone ko. Si ash pala tumatawag 

"Hi babe" masayang sabi ni ash sa kabilang linya 

"Hello"

"May pinadala akong damit diyan babe. I know, bagay yun sayo"

"Ash, pwede bang hindi nalang ako pumunta?" kinakabahan parin kasi ako

Bigla namang natahimik ang kabilang linya 

"It's up to you babe. Hindi kita pipilitin kasi alam kong nahihiya ka pa" sabi nito at pinatay na ang tawag

Mukhang nag tampo yata saakin yun 

*Ding dong

Binukasan ko ang pinto at nakita ko ang isang lalaking naka black lahat at may dalang malaking kahon 

"Ipinabibigay ni Mr. Stanford" sabi niya at ibinigay saakin ang malaking box

"Thank you" sabi ko at pumasok na sa condo

Binuksan ko ang box at nagulat ako sa nakita ko . Nakita ko ang isang damit at alam ko kung sino ang gumawa nito, dinesenyo Ito ng isa sa  pinakasikat na fashion designer sa new york at hindi basta basta presyo nito 

Pupunta ba ako o hindi? Gusto kong pumunta pero baka mapahiya lang ako duon. Tatawagan ko nalang si rhea baka kasi alam niya ang gagawin at tsaka na miss ko na din yung bruhang yun 

"Hi bes" masiglang sabi niya

"Pupunta ka ba sa birthday ni ashton bes?"

"Hindi ako pupunta bes eh may date kami ni ivan pero my parents also got invited kaya yung parents ko lang pupunta"

"Bes, inimbitahan kasi ako ni ash na pumunta sa birthday niya. Dapat ba akong pumunta?" tanong ko 

"Kaloka ka bes Ikaw ang girlfriend niya so dapat pumunta ka"  

"Pero hindi pa ako ready,  bes. Wala pa nga akong make up at baka mapahiya lang ako don" malungkot na sabi ko

"Ano ka ba bes. Akong bahala sayo, hintayin mo ako diyan" sabi ni rhea at ibinaba na ang telepono 

After 20 minutes ay dumating na si rhea sa condo at may dalang make up kit 

"Magsimula na tayo bes" masayang sabi niya. Mahilig mag make up si rhea at expert din siya pagdating sa make up 

Pina upo niya ako sa upuan na may salamin sa harap 

"Mas lalo ka talagang gaganda pagkatapos nito bes" masayang sabi niya at sinimulan nang lagyan nang foundation ang mukha ko




*************after 30 minutes 

"Kyaaaaa bes ang ganda mo" tili ni rhea at niyakap ako 

Tumingin naman ako sa salamin. Light color ang inilagay niya na make up dahil mas bagay daw saakin at mukhang bumagay nga saakin habang ang buhok ko naman ay naka pony tail lang 

Isinuot ko narin ang ibinigay ni ash saakin na damit, kulay itim ito at litaw na litaw ang cleavage ko. Above the knee lang ito at kitang kita din ang hugis ng katawan ko at may slit ito sa gilid ng hita ko

"Bes parang hindi naman bagay saakin ang damit nato eh" sabi ko kay rhea 

"Are you kidding? Ang ganda mo kaya bes" sabi ni rhea at kumindat saakin 

"We need to go bes kailangan makita ka ni ashton asap. Kyaaaaa ang ganda mo kaya bes " sabi ni rhea at hinatak na ako palabas ng condo 

Bumaba na kami ng building at sumakay na kami sa kotse ni rhea "Mag lalaway talaga ang ashton nayon sayo bes " natatawang sabi ni rhea at pinaandar na ang sasakyan 

"Nahihiya talaga ako bes eh" sabi ko 

"Wag ka ngang mahiya bes ang ganda mo kaya , dapat sila ngang mahiya sayo eh" naka ngiting sabi ni rhea 

Alam ko namang pinapagaan lang ni rhea ang loob ko para hindi ako mahiya. Minsan talaga ay napapaisip ako na isang fairy God mother si rhea

"We're here" sabi ni rhea 

"Thank you bes, ingat" sabi ko at umalis na nang sasakyan 

Pagpasok ko sa bahay ni ash ay bumungad sa akin ang napakaraming tao na hindi basta basta. Halata kasing mayayaman ang mga ito

"Hi miss" nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko 

"Ikaw yung girlfriend ni ash diba?" naka ngiting tanong niya . Siya pala yung babaeng pinag selosan ko na kapatid pala ni ash 

"Uhmm opo" nahihiyang sagot ko 

"Nasa kwarto siya naghihintay sayo. Wag mong sasabihin na ako ang nag sabi okay? " sabi niya at tumawa . Ang ganda talaga niya

"Yes po" sabi ko 

"Wag ka nang mag po, magmumukha lang akong matanda niyan by the way you can call me ate" naka ngiting sabi niya at umalis

Pumunta na ako sa kwarto ni ash at agad ko naman siyang nakita na naka upo sa kama 

"Ash" tawag ko sa kanya 

Lumapit siya saakin at niyakap ako "Akala ko hindi ka pupunta" bulong niya

That sexy nerd - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon