CHAPTER 39: The letter

9.7K 286 0
                                    

XANDRA'S POV

Nandito ako ngayon sa hallway papunta sa locker ko para kunin ang mga damit ko. Naglaro kasi kami ng volleyball kanina kaya medyo pinagpapawisan ako. Hindi ko kasama si rhea ngayon dahil nag aaral siya ngayon dahil bukas na ang final exam nila 

Binuksan ko ang locker ko at nainis na naman ako ng may nalaglag na papel galing sa locker ko 

"Na naman?" naiinis na tanong ko at pinulot ang papel 

Mahigit isang buwan narin akong nakakatanggap ng sulat at hindi ko man lang alam kung sino ang nag iiwan ng sulat sa locker ko. Sa totoo lang maraming nagbibigay ng sulat saakin pero binibigay nila ito ng personal saakin 

"Hi xandra" naka ngiting bati sa akin ng isang lalaki, sa porma palang nito ay mukhang gagawa na ng masama

"Hello"

"Pwede bang sabay tayong mag lunch? Libre ko"

Napataas ang isang kilay ko "Mukha ba akong naghihirap?"

"Aba! Ikaw na nga tong ililibre, ikaw pa ang galit. Marami akong pera at nagiging mabait lang ako sayo"

Sarkastikong ngumiti ako sa kanya "Kung marami kang pera edi kainan mo para maubos, hindi yung nang-aabala ka"

Yun lang ang huling sinabi ko at nagmamadaling umalis at pumunta sa roof top para basahin ang natanggap kong sulat 

Maraming nanliligaw sa akin pero sinusungitan ko lang sila. Hindi ko alam kung bakit wala pa akong sinasagot sa isa sa kanila pero may hinahanap kasi akong tao na parehong pareho ni ash 

Aaminin kung umaasa parin akong darating ang panahon na babalik si ash saakin.  Alam ko namang imposibleng mangyari yun pero hindi ko paring maiwasan ang sarili ko na umasa. Umaasa akong babalik siya at babalik sa dati ang lahat 

Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang lahat ng iniisip ko. Ayaw ko munang umiyak ngayon. Kinuha ko ang sulat at binasa ito

'I miss you, angel' yun ang nakalagay sa sulat

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ko ito. Si ash lang ang tumatawag sa akin ng 'angel'. Imposible namang si ash ang sumulat nito dahil patay na siya

Tumingin ako sa paligid nang  maramdaman kong may nakamasid sa akin pero wala akong makitang tao. Mahigit isaang buwan narin simula nang maramdaman kong may palaging nakatitig sa akin pero imbes na matakot ay kabaliktaran ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay  ligtas ako sa tuwing may nararamdaman akong nakatitig sa akin dahil pakiramdam ko may palaging nagbabantay sa akin at handa akong iligtas, katulad ni ash na palagi akong nililigtas

"Imahinasyon mo lang yun, xandra. Paranoid ka lang"

Umuwi na ako at dumiretso sa kusina para kumain. Ayaw ko na kasing pumasok kasi naalala ko na naman si ash. Tuwing naalala ko kasi siya hindi ko napipigilan ang sarili ko na umiyak hanggang sa makatulog na ako 

Kinuha ko ang ice cream na nasa refrigerator at kinain ito at hindi ko namalayan na biglang tumulo ang luha ko

"Ash nasaan ka na ba? Nababaliw na ako kasi naniniwala akong buhay ka"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at umiyak na naman. Naniniwala parin akong buhay siya pero alam kong imposible. Baka imahinasyon ko lang ito kasi hindi matanggap ng utak ko na patay na siya

Pumunta na ako sa kwarto at humiga sa kama habang patuloy paring umiiyak "Miss na kita" umiiyak na sabi ko 

"I hate you ash , bakit mo ba ako iniwan?" tanong ko at ibinaon ang mukha ko sa unan

Nagpapasalamat ako dahil sa pag-iyak ko ay madali akong nakakatulog. At pansamantala, nakakalimutan ko ang lahat





——

Bigla akong nagising ng may naramdaman akong humahalik sa leeg ko. Agad akong naalarma. May lalaking nakadagan sa akin

Sisigaw na sana ako ng bigla niyang tinakpan ang bibig ko "Hmppp! "

Kinuha niya ang dalawang kamay ko at inilagay ito sa itaas ng ulo ko. Nagpupumiglas ako pero mas malakas siya sa akin

Hindi ko makita ang mukha niya dahil ang dilim ng paligid at nagsimula na akong matakot dahil baka may gawin siyang masama sa akin

"Please, don't rape me. Ibibigay ko ang lahat sayo basta wag mo lang akong saktan"

"Sorry" bulong ng lalaki at lumayo sa akin 

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses ng lalaki. Hindi ko namalayan na nag-uunahan na namang tumulo ang mga luha ko

"Ash" sabi ko

Alam kong si ash ito dahil pamilyar ang amoy niya at pareho din sila ng boses ni ash. Imbes na sumagot sa akin ay nagmamadali itong lumabas ng hindi man lang ako nililingon at iniwan akong nakatulala

Si ash yun diba? O baka naman gawa gawa lang ng utak ko

That sexy nerd - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon