CHAPTER 23: Weak

11.1K 317 2
                                    

XANDRA'S POV

Nandito ako sa classroom at naglilinis sabi kasi ni roxan na linisin ko daw tong buong classroom namin. Parati na akong binu bully ng mga classmate ko at palagi kong nakikita si ash at nicole na mag kasama. Inaamin kong nahihirapan na ako sa sitwasyon namin ni ash ngayon pero umaasa parin akong babalik din kami sa dati 

"Sa wakas natapos din"sabi ko at lumabas na nang classroom 

Nagulat ako nang makita ko si mico na nasa labas ng classroom namin "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya 

"Ihahatid na kita" naka ngiting sabi ni mico 

"Wag na baka madisturbo pa kita" sagot ko 

"Gusto lang naman kitang ihatid"

"Ang cute talaga ng baby bro ko"sabi ko at kinurot ko ang pisngi niya 

"Sige na nga ihatid mo na ako"

"Wag mo nga akong tawaging baby eh" naka ngusong sabi nito

Natawa lang ako sa reaksyon nito "Halika na nga "sabi ko at hinila siya papunta sa parking lot

Pumasok na ako sa kotse niya at pumasok na rin si mico sa kotse at pinaandar na ito 

"Ayos ka lang ba?" tanong ni mico

"Oo naman"sagot ko at pinilit na ngumiti 

"Sabihin mo yung totoo xandra"

"Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin kasi palagi nalang akong pinag iinitan ni nicole" malungkot na sabi ko

"Bakit hindi ka lumaban"

"Kasi ayaw ko nang gulo at natatakot ako sa kanya" naka yukong sabi ko 

Ang totoo hindi ko siya kayang labanan kasi wala akong lakas ng loob para gawin yun. Gusto kong bawiin si ash mula sa kanya pero anong magagawa ko, hindi ako kasing ganda niya at isa akong malaking duwag. Hindi ko kayang ipaglaban si ash

"Gusto kong ipaglaban si ash pero hindi ko alam kong paano"

"Ipaglaban mo siya sa paraan na alam mo" sagot ni mico 

Tama siya kailangan ko siyang ipaglaban sa paraan na alam ko . Hindi ako susuko kahit na mahirap kakayin ko dahil mahal ko siya 

"Nandito na tayo" sabi ni mico at inihinto na ang sasakyan 

"Salamat baby bro" pagpapasalamat ko sa kanya

"I'm not a baby" naka ngusong sabi niya

Kinurot ko ang pisngi niya at lumabas ng sasakyan "Para sa akin baby ka parin"

Pumunta na ako sa condo at binuksan na ang pinto . Nagulat ako nang makita ko si ash na naka upo sa sofa 

Agad niya akong nilapitan at niyakap ako "I miss you, my angel "bulong niya at hinalikan ang leeg ko 

"I miss you too" sabi ko at pilit na ngumiti

"Sorry, alam kong nahihirapan ka na. Gusto kitang iligtas pero baka pag initan ka lang lalo ni nicole" naka yukong sabi niya

Pinilit kong pinasaya ang sarili ko "Ano ba talaga ang problema ash?"

Hinawakan niya ang bewang ko at mas inilapit pa ako sa kanya "Wag na, ayaw kong dumagdag sa problema ko"

Tumango lang ako at pilit na iniintindi ang mga nangyayari. Alam Kong mas nahihirapan siya kaysa sa akin

May kinuha siya sa bulsa nito ay ipanakita sa akin ang isang kwentas. Moon ang pendant nito na may maliliit na dyamante. Ikinabit niya ito sa leeg ko at nginitian ako

"This is the sign of my love. Just remove this kung susuko ka na"

Nginitian ko siya at hinalikan ang pisngi niya "I will never remove this"

"Magiging ayos lang ang lahat, wag kang magsasawa sa akin ha?"

Niyakap niya ako at ipinalibot ang kamay niya sa bewang ko. Napalunok ako ng maamoy ko ang pabango ni ash. Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang mga kahalang iniisip ko. Damn! Parang nagiging bastos siya nang dahil kay ash

"You smell's great, babe"  bulong nito at inamoy ang leeg ko

Bigla akong na conscious "Wag mo akong amoyin, pinagpawisan ako kanina"

"Hindi kaya, nakaka addict ang amoy mo" sabi nito at hinalikan ang leeg ko

Magkayakap lang kami pero kuntento na ako. Dapat makuntento lang ako kasi hindi ko pa naiintindihan ang nangyayari

Napalayo sa akin si ash nang biglang tumunog ang cellphone niya at agad niya itong kinuha "Wait for me" sabi niya sa kabilang linya at ibinaba ang telepono 

"Sorry angel, i need to go" seryosong sabi niya at hinalikan ang noo ko

"Ingat ka" sabi ko at pinilit na ngumiti 

Umalis na siya at naiwan na naman ako. Ganito nalang ba kami lagi? Alam kong si nicole ang tumawag at wala akong magawa para pigilan si ash

That sexy nerd - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon