CHAPTER 41: Rosses

9.7K 290 0
                                    


XANDRA'S POV

Bigla akong nagising dahil sa tunog ng cellphone ko, si rhea pala tumatawag "Ano bang problema mo bes?"

"Kailangan mo nang pumunta dito sa campus" tili niya 

Ano kayang problema ng babaeng ito? Mas malala pa siya sa alarm clock ko dahil ang ingay niya, mukhang nag-almusal yata ng megaphone at microphone si rhea

"Alam mo bang kung anong oras pa ngayon bes?" Alas singko pa kasi ng umaga. Mukhang wala pa ngang teaches sa campus

"Kailangan mo nang talagang pumunta dito sa campus bes, dalian mo na" sabi niya 

"Ano? Kailan ka pa natutong pumasok ng maaga bes?" tanong ko at tumawa 

"Ngayon lang, pero kailangan mo na talagang pumunta dito bes" sagot niya 

"Bakit ba kasi? Inaantok pa ako" minsan talaga ang gulo ng utak ng bestfriend ko

"Ma-may project tayo bes. Tama. May project tayo" nauutal na sagot niya 

"Sige na nga, pupunta na ako" sabi ko at pinatay na ang tawag 

Pumasok na ako sa sa banyo at nagmadaling maligo. Wala pang 30 minutes ay natapos na ako sa paliligo kaya agad akong nagbihis at pagkatapos ay pumunta na sa parking lot at sumakay na nang kotse ko 

Kinuha ko ang cellphone ko nang bigla itong tumunog. Nag text pala si rhea saakin at sinasabing pakibilisan ko daw ang kilos ko dahil baka mahuli na naman ako sa klase 

Naiiling ako na tumawa. Adik ba siya? Paano ako mahuhuli sa klase eh 5:10 palang naman. Para talaga siyang ewan

Pinaandra ko na ang kotse at mabilis itong pinatakbo. Inaantok parin ako dahil madaling araw na naman akong natulog kaya gusto ko sanang umabsent pero dahil kay rhea nagising ako ng maaga at napilit niya talaga akong pumasok ng maaga dahil sa kakulitan niya. Ang totoo palagi na akong nahuhuli sa klase kaya ang detention room na ang ikatlong tahanan ko 

Bigla na namang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at nakita kong nag text na naman si rhea 

'Ang tagal mo naman bes, pwede bang dalian mo naman' text ni rhea 

'Nasa parking lot na ako' reply ko sa kanya 

Inihinto ko na ang sasakyan at lumabas na. Biglang tumayo ang balahibo ko nang makita kong wala man lang akong nakitang tao sa paligid. Binilisan ko ang paglalakad at nakahinga ako nang maluwag nang makarating ako sa hallway papunta sa classroom namin 

Nakita ko si amber at martin na isa sa mga classmate ko na patakbong lumapit saakin at ibinigay saakin ang dalawang rose 

"Para saan to?" naguguluhang tanong ko 

Pero ngumiti lang sila saakin at umalis na. Ano kayang ginagawa nila sa campus ng ganito kaaga? At bakit naman nila ako bibigyan ng bulaklak? 

Nagulat ako nang sinalubong ako ni anne at nginitian ako "nakaka inggit ka girl" tili ni anne at pabiro akong hinampas 

Si anne ang madalas naming kasama sa mga group study namin at classmate ko rin siya since elementary kaya siya ang isa sa mga kaibigan ko dito sa campus 

"Bakit naman?" tanong ko 

Nginitian lang niya ako at ibinigay sa akin ang tatlong rosas at umalis na din agad 

Ano kayang nangyayari sa mga classmate ko? End of the world na ba kaya binigyan nila ako ng bulaklak? Hindi ko naman kasi birthday pero bakit binibigyan nila ako rose? 

Napangiti ako nang makita ko si mico  na papalapit saakin, katulad ng dati ang gwapo parin niya

"Hi" naka ngiting sabi ko sa kanya 

"Ang ganda mo ngayon"  

"Cute ka parin" sabi ko at pinsil ang pisngi niya

Ngumuti ito "May nagpapabigay" sabi niya at ibinigay saakin ang isang bouquet ng rose 

"Sino naman? May nagbigay din sa akin ng rose kanina. Alam mo ba kung sinong nagpapabigay? "

Imbes na sumagot ay ngumiti lang ito at umalis na

"Saan kaya galing ang mga rosas na ito?" tanong ko 

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti nang maamoy ang mga rosas "Ano bang nangyayari sayo xandra? Wag ka ngang ngumiti, hindi mo naman alam kung sino ang may pakana nang lahat ng ito" sabi ko sa sarili ko

Ewan ko pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang papalapit na ako sa classroom. Kinuha ko ang card na nasa rose at binasa ito

'Hey, sorry angel'

Tumingin tingin ako sa paligid pero wala ng tao. Sigurado akong hindi ko na imahinasyon ito. Sigurado akong totoo ito. Pero sino naman ang tatawag sa kanya ng 'angel' maliban kay ash

That sexy nerd - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon