XANDRA'S POVBiglang bumukas ang pintuan at nakita ko si ash na pinapaligiran ng mga tauhan ni ethan
"Ang aga mo yatang dumating" sabi ni ethan at tumayo
"Pakawalan mo ang girlfriend ko" galit na sabi ash
"Sa isang kondisyon"
"Ano yun?" tanong ni ash
"Kailangan mong labanan ang lahat ng tauhan ko"
"Lumabas ka na ash" sigaw ko
Tumingin ito sa akin at bakas ang awa sa mukha nito "Ililigtas kita, xandra"
"Ano pang ginagawa nyo? Bugbugin nyo na siya" sigaw ni ethan sa mga tauhan niya
Napapikit ako nang nagsimula nang makipag laban si ash sa mga tauhan ni ethan. Natatakot ako para kay ash. Alam kong hindi kakayanin ni ash na makipag laban sa mga tauhan ni ethan dahil ang rami ng mga tauhan ni ethan at mag isa lang siya
Nagulat ako nang bigla may humawak ng mahigpit sa braso ko dahilan para mapadilat ako
"Tignan mo kung paano bugbugin ng mga tauhan ko ang boyfriend mo" si ethan yun
Halos gusto kong kumawala sa pagkakatali sa akin nang makita si ash na natumba dahil sa pagkaka suntok ng isa sa mga tauhan ni ethan
"Please pakawalan mo na kami" umiiyak na sabi ko
"Ayaw ko nga, nasimulan ko na at ako rin ang tatapos"
"Ash umalis ka na wag mo na akong iligtas" sigaw ko habang patuloy na umiiyak
Puno na ng pasa ang mukha nito at may dugo narin sa bibig niya
"No angel , ililigtas kita kahit anong mangyari" naghihinang sabi niya at pinilit na tumayo
"Kailangan nyo na siyang tapusin" sigaw ni ethan
"Please wag nyo siyang saktan" nanghihina ako
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang natumba na lahat ng kalaban at si ash nalang ang natira
"Hindi pwede to" sabi ni ethan
Lumapit si ash sa kanya at sinuntok ito sa mukha kaya tumumba si ethan sa sahig
"Ayos ka lang ba, angel?" tanong niya sa akin at agad na tinanggal ang tali sa kamay at paa ko
Napayakap ako sa kanya "Sorry dahil nasaktan ka dahil saakin" umiiyak na sabi ko at humarap sa kanya
Hinimas ko ang mga sugat niya sa mukha "Sorry" sabi ko ulit at napayuko
Alam kong masakit ang mga sugat niya dahil namamaga na ito at dahil sa akin bakit siya nasaktan
"Ayos lang naman ako. See? Hindi naman ako namatay. Parang exercise ko narin yun" alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko
"Wag ka nang umiyak angel" naka ngiting sabi niya at pinahid ang luha ko "Mabuti nalang at walang masamang nangyari sayo"
"Salamat at iniligtas mo ako" sagot ko at ngumiti
Hinimas niya ang pisngi ko "Mahal kita kaya ililigtas kita at ayaw kong may mangyaring masama sayo. Magbabayad ang mga yan, mabubulok sila sa kulungan"
"Hali ka na nga baka magising sila" sabi ko at hinila siya
Nagulat ako nang may nagsalita sa likod namin "Akala nyo siguro ganon lang kadali yun" galit na sabi ni ethan
Humarap kami kay ethan at bigla akong natakot nang makita ko siya na may hawak na baril
"Mauna ka na" mahinang sabi ni ash at itinago ako sa likuran niya
"Walang tatakas sa inyo" naka ngising sabi niya at ipinutok sa itaas ang baril
Halos manghina ang tuhod ko nang marinug ang putok ng baril at mas lalong napakapit kay ash na nasa harapan ko ngayon
"Inagaw mo ang girlfriend ko ashton kaya pinangako kung maghihiganti ako" naka ngising sabi ni ethan at tinutok ang baril kay ash
"Kung hindi ako sasaya , sisiguraduhin kong hindi ka rin sasaya ashton" sabi niya at tumawa
Humarap sa akin si ash at ngumiti sa akin "I love you, angel. Wag ka nang matakot, nandito lang ako" bulong ni ash
*Bang
Napaiyak ako nang may narinig akong putok ng baril "Ash" bulong ko nang makita kong dumudugo ang dibdib niya
Tumulo na naman ang luha ko nang bigla siyang tumumba sa sahig "Ash gumising ka" sabi ko at hinawakan ang pisngi niya
"Ash, wag mo akong iwan"
"Hindi kita iiwan" naghihinang sabi niya at pinilit na ngumiti
"Ash gumising ka, sabi mo hindi mo ako iiwan. Sabi mo mahal mo ako" kinakabahang sabi ko nang makita kong unti unting pumipikit ang mata niya
Ang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ako makapaniwala na nangyayari ang bagay na 'to ngayon
"Ash gumising ka" umiiyak na sabi ko
Nagulat ako nang biglang may humampas sa ulo ko dahilan para mapahiga ako sa sahig. Kinapa ko ang ulo ko at bigla akong nahilo nang makita kong may dugo ang kamay ko
"Ash gumising ka" bulong ko bago ako nawalan ng malay
_______________
So ayun, may hugot pala si kuyang kidnapper. Sana nagustuhan niyo ang pagbaril ko kay ash😂
BINABASA MO ANG
That sexy nerd - Completed
RomanceHer pov Nandito ako ngayon sa comfort room at nagbibihis dahil binuhusan ako ni amara ng tubig haisst bat kaya ang init ng dugo niya sa akin *Boogsh Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ashton thanks god tapos na akong mag bih...