XANDRA'S POV
"Sorry" sabi ko at hinalikan siya sa labi
"Bakit ka humingi ng tawad?" seryosong tanong ni ash
"Sorry kasi naging masama ako sayo at hindi kita pinatawad agad. I know kulang yung sorry ko" napayuko ako
Hinimas niya ang pisngi ko at pinaharap sa kanya "Hindi ko magawang magalit sayo, mahal kita"
Hindi ko mapigilan na mapangiti sa sinabi niya. Maswerte ako kasi may isang Ashton montefalco na nagmamahal sa akin
Hinawakan ko ang noo niya at sekretong pinagalitan ang sarili ko. Kasalanan mo to, xandra. Hinawakan ko ang kamay niya at pinahiga siya sa kama. Kailangan mong bumawi kay ash. Akmang aalis na sana ako para kumuha ng maligamgam na tubig nang pigilan ako ni ash
Nakita ko ang takot sa mga mata nito "saan ka pupunta?"
Ngumiti lang ako at hinalikan ang labi niya. What's wrong with me? Bakit ba palagi ko nalang hinahalikan si ash. Maybe because I miss him so bad
"Kukuha lang ako at tubig at bimpo. Pupunasan kita"
Tumango tango lang ito at umiwas ng tingin na para bang nahihiya "Okay, dalian mo ha?"
"Sige"
Agad akong lumabas ng kwarto niya at inihanda lahat ng kailangan ko. Pagkatapos kong maghanda ay pumasok na ako sa kwarto niya ulit. Tahimik lang ito habang nagsimula na akong punasan siya
"I miss you" sabi nito at seryosong tumingin sa akin "Pwede na kitang halikan kapag gumaling na ako, diba?"
Tumango ako. Ibig bang sabihin ay kanina pa niya nagpipigil na halikan ako "Pwede mo akong halikan kahit kailan. I'm all yours"
Ngumiti ito "Wag mo na ulit akong iiwan ha?"
"Hindi na" sabi ko at hinalikan ang labi niya. Mukhang naadik na yata ako sa labi ni ash
Tinapos niya na ang pagpupunas kay ash. Sabay silang kumain ng dinner at nagpahinga. Hindi niya iiwan si ash, kasi malaki ang kasalanan niya sa binata
"Alam mo ba si thomas? Kinukulit ako habang nandon ako kay lola. Sabi niya na kapag hindi ko siya sinagot, makikipag-date siya sa iba" kwento ko sa kanya habang si ash naman ay titig sa akin
"Magsalita ka kaya, kanina ka pa tahimik" puna ko dito
Ngumiti kang ito at niyakap ako ng mahigpit "I can't believe na nandito ka na sa tabi ko. Na miss kita. Natatakot ako. Natatakot na ako na mawala ka"
"Thank you kasi hindi ka sumuko sa akin. Promise, I would never leave your side again"
Hinalikan niya ang leeg ko "Goodnight, baby"
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko. Damn! Na miss ko talaga siya ng sobra
——
Nagising ako dahil may naramdaman akong humahalik sa leeg ko "hmmm" ungol ko
Nakita ko si ash na nakadagan sa akin at hinahalikan ang leeg ko habang nakatingin sa akin
"Ash, ang aga pa" bulong ko at pumikit ulit
"Wake up angel mali-late na tayo" sabi niya at kinagat ng mahina ang leeg ko
Ibinuka ko ang mga mata ko at hinimas ang noo niya "Nawala na ba ang lagnat mo?"
Kaya siguro inaataki na naman ito ng kamanyakan dahil hindi na ito masyadong mainit
"Oo naman. Nandito ka kasi kaya malapit nang mawala ang lagnat ko" parang batang sabi niya
"Ang cute talaga ng babe ko" naka ngising sabi ko at kinurot ang pisngi niya
Umiwas lang ito ng tingin na ipinagtaka ko "I like it when your calling me babe"
"I love you, babe " sabi ko at hinalikan ang labi niya
Nakakaadik talaga ang labi niya
Ngumiti ito "I love you too"
"Pwede bang matulog pa tayo ulit?" tanong ko at pumikit
Inaantok parin ako ngayon dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang halikan ako kagabi kaya hindi ako nakatulog ng maayos
"Mali- late na tayo" bulong niya sa tenga ko "Bumangon ka na angel"
Napakagat ako ng labi ko ng may maramdamn akong kuryente na dumaloy sa katawan ko. Damn! Bakit ang init dito?
"Sige na, babangon na ako. Ako na ang mauunang maligo" sabi ko at padabog na pumasok sa cr
Nagkunwari akong galit para makalayo sa kanya. Umiinit ang katawan ko kapag malapit ako sa kanya. Gusto ko siyang hawakan. Halikan. Pero hindi maganda yun
Hinubad ko na lahat ang damit ko at humarap sa shower. Kailangan kong mag madali para hindi kami ma late. Nasa gitna ako ng pagsasabon ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si ash. Shit! hindi ko pala na lock ang pinto
"Ash" bulong ko nang bigla siyang lumapit saakin
___________
So ayon nga, sa cr madalas mangyari ang mga kaaya-ayang bagay. Kaya kung ako sa inyo, sa cr na kayo tukira. Hahaha, joke po yun😂
BINABASA MO ANG
That sexy nerd - Completed
RomansaHer pov Nandito ako ngayon sa comfort room at nagbibihis dahil binuhusan ako ni amara ng tubig haisst bat kaya ang init ng dugo niya sa akin *Boogsh Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ashton thanks god tapos na akong mag bih...