CHAPTER 37: Favor

9.8K 291 2
                                    


TYRO'S POV

"Kailangan kong iligtas si xandra" galit na sabi ni ashton 

"Sasama ako"

Nandito kami ngayon sa tapat ng abandonadong building dahil dito dinala ni ethan si xandra. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha ni ashton

"Wag na baka mapahamak ka lang may inabot siya sa akin "Ibigay mo nalang ito kay xandra kung sakaling may mangyari saakin" sabi ni ash at inabot sa akin ang puting sobre 

"Kung hindi man ako makalabas ng buhay , alagaan mo si xandra para saakin" sabi ni ash at pilit na ngumiti 

"Wag kang magbiro"

"Tumawag ka nalang ng police kapag hindi kami nakalabas pagkalipas ng kalahating oras" sabi ni ash at lumabas na ng sasakyan 

Nagsimula na akong kabahan ng pumasok na siya sa abandonadong building. Alam kong pahihirapanan siya ni etan at alam ko ring hindi magigung madali ang lahat

Ayaw niya akong papasukin sa loob dahil alam kong nag iingat siya para hindi lang masaktan si xandra. Ang sabi kasi ni ethan ay wag siyang magdadala ng ibang tao kung hindi ay babarilin niya si xandra. Alam kong mahirap ang sitwasyon na ito para kay ash dahil kailangan niyang isugal ang sariling buhay niya para lang sa taong mahal niya 

*Bang

Bigla akong naalarma nang may marinig akong putok ng baril galing sa loob ng abandonadong building. Agad akong tumawag sa mga police. Shi! Nanginginig ang kamay ko at pinagpapawisan ako ng walang dahilan 

"Pumunta kayo sa abandonadong buliding" sabi ko at ibinigay ang eksaktong address

"Dalian niyo" sigaw ko at ibinato ang cellphone ko 

Bumaba ako ng kotse at unti unting pumasok sa abandonadong building. Kailangan kong iligtas si ash at si xandra. Nakita kong maraming nakahandusay na mga tauhan ni mondragon at alam kong si ash lang ang may kayang patumbahin ang mga ito 

Nagulat ako nang makitang nakahiga si aston at xandra sa sahig na parehong duguan. Nakita kong naka upo si ethan sa sahig habang nakatitig kay xandra at ash 

"Anong ginawa mo sa kanila?" sigaw ko at sinuntok si ethan sa mukha 

"Wala akong ginawang masama"

"Papatayin kitang hayop ka" sigaw ko at sinuntok siya ulit

Kulang ang patayin siya ang dapat sa  kanya ay mabulok sa impyerno "fuck you moron" sigaw ko 

"Tama na yan" sabi ng isa sa mga pulis at inilayo ako kay ethan 

"Mabuti naman at dumating na kayo , hulihin niyo yan at siguraduhin niyong mabulok yan sa kulungan"

Nakita kong kinuha na ng mga pulis ang mga tauhan ni ethan na natutulog parin hanggang ngayon 

Dumating na din ang ambulansya at kinuha si ashton at xandra at isinakay sa ambulansya

"Iligtas niyo sila please" sabi ko sa personal doctor ni ashton at sumakay na ng ambulansya 

"Gagawin ko lahat ang makakaya ko" sabi niya 

Malaki ang ambulansya at kasyang kasya ang sampung tao dito at may mga gamit din itong pang opera at mga gamot kaya pwedeng mag opera ng tao dito sa loob mismo ng ambulansya. Pagmamay ari ng pamilya ni ashton ang ambulansya na ito kaya sila ang pwedeng makagamit nito

Inumpisahan na ng doctor na tanggalin ang bala ng baril sa parte ng dibdib ni ash habang si xandra naman ay nililinisan ng isa pang doctor ang sugat niya 

"Buti nalang at hindi malalim ang pagkakabaon ng bala sa parte ng dibdib niya" sabi ng doctor habang nililinisan ang sugat ni ash 

Nakahinga ako ng maluwag ng nakuha na ng doctor ang bala sa dibdib ni ashton 

"Pinakaba mo ako 'don. Akala ko mamamatay ka na" bulong ko

1 week later—

Nandito ako ngayon sa hospital at binabantayan si ash. Mahigit isang linggo na rin simula ang nangyari. Wala paring malay ang dalawa. Mabilis ang paggaling ni ash at stable na siya ngayon. Tsk. Alam ko namang hindi siya mamamatay kasi madamang damo si ash 

"Gumising ka na tol. Bubugbugin pa natin si ethan" sabi ko habang kumakain ng apple 

Nag aalala parin ako kay ashton dahil hanggang ngayon namamaga parin ang mga sugat niya sa mukha niya. Si ethan mondragon naman ay nakulong na at sinigurado ko talagang hindi na siya makakalabas ng kulungan 

Nabitawan ko ang apple na kinakain ko nang biglang gumalaw ang daliri ni ashton 

"Ashton gising ka na" gulat na sabi ko nang makita kong dumilat ang mata niya 

"Tatawagin ko lang ang doctor" sabi ko 

Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko at pinigilan ako sa pagtayo "Di-dito ka lang" naghihinang sabi niya 

"Pwede namang humingi ng favor tol?" tanong niya 

Nagsalubong ang dalawa kong kilay "Oo naman , ano ba yun?"





XANDRA'S POV

Nagising ako nang biglang may narinig akong nagsalita . Si tyro pala ang kaibigan ni ash 

Napahawak ako sa ulo ko "Ang sakit ng ulo ko"

"Buti naman gumising ka na" sabi ni tyro

Napansin kong mapupula ang mata niya mata niya at mukhang kakatapos lang niyang umiyak 

"Ano bang nangyari sayo?" tanong ko sa kanya "Nasaan si ash?"

Nag aalala ako sa kanya dahil naalala kong binaral siya ni ethan sa dibdib at nakita kong maraming dugo ang nawala sa kanya 

"May sasabihin sana ako sayo" nahihimigan ko ang lukot sa boses nito

"Anong sasabihin mo?" ngumiti ako  "Dalian mo para mapuntahan ko na si ash. Nasaan nga ba siya? Magaling na ba siya?"

"Patay na si ash" sabi niya 

Bigla akong nanlamig sa sinabi niya  "Wag ka ngang magbiro, tyro"

Hinawakan niya ang kamay ko "Hindi ako nagbibiro, Patay na si ash"

Nag-umpisa nang tumulo ang luha ko  "Hindi pwede ito , hindi totoo yan, hindi ako naniniwala sayo"

Hindi ito pwedeng mangyari!

That sexy nerd - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon