CHAPTER 22: New love teams

11.2K 329 11
                                    

XANDRA'S POV

Nandito ako ngayon sa classroom namin at nagbabasa lang nang libro habang ang mga classmate ko naman ay nag aabang sa pagdating ni ash at ni nicole 

"Parating na sila" sigaw ng isa kong kaklase 

Nagsigawan naman ang mga kaklase ko at agad na nagkumpulan. Seconds later, pumasok na si ash at nicole na magkahawak ang kamay

"Bagay talaga kayo" sigaw ng kaklase ko 

"Thank you" sabi ni nicole

Parang may tumusok sa puso ko nang makita na parang wala lang kay ash ang nangyayari at para bang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko

"Bakit mo ba to ginagawa sa akin ash" tanong ko sa sarili ko

"Umupo na tayo babe" narinig kong sabi ni nicole at hinila si ash papunta sa isang upuan 

Nakita kong tumingin si ash sa akin at hindi ko namalayan na biglang tumulo ang luha ko. Agad ko namang  pinahid ang luha ko at umiwas nang tingin. Hindi niya dapat makita na umiiyak ako 

Biglang tumahimik ang mga kaklase ko nang dumating na ang prof namin at nagsimula nang mag discuss 

——

"That's all for today, dismiss" sabi ng professor namin at umalis na 

Umalis na ang mga kaklase ko pero nanatili ako sa classroom kasi hindi ko kayang makita si ash 

"Narinig kong may gusto ka daw kay ash?" nagulat ako nang marinig ang boses ni nicole 

Nakayuko lang ako "Hindi yun totoo"

Hinawakan niya ang buhok ko at hinila ito "Wag kang magkakamaling agawin sa akin si ash kundi malalagot ka talaga sa akin" galit na sabi niya 

Biglang tumulo ang luha ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko 

"Please bitawan mo na ako nicole"naiiyak na sabi ko 

"Layuan mo si ash"

Binitiwan niya ang buhok ko at umalis na. Napahawak ako sa buhok ko habang patuloy parin na umiiyak. Nagpa salamat ako na umalis na ito kasi baka ano lang mangyari sa akin

"Bes anong nangyari sayo?" tanong ni rhea sa akin 

Pilitaking ngumiti "Wala bes, nadapa lang ako kaya ako umiyak"

Ayaw kong malaman ni rhea ang nangyari kanina kasi baka magalit siya at awayin si nicole. Ayaw ko kasi ng gulo 

"Ang mabuti pa bes ay pumunta nalang tayo ng cafeteria, nagugutom kasi ako eh" nakasimangot na sabi ni rhea at hinila ako papunta sa cafeteria

Nang makarating kami sa cafeteria ay agad kong nakita si ash na nakatitig saakin. Magkasama sila ni nicole at naka upo sila sa pinaka dulong upuan. Agad akong umiwas nang tingin at yumuko para hindi ko sila makita

"Bes anong order mo?" tanong ni rhea 

"Ikaw na ang bahala bes"

"Okay bes" naka ngiting sabi ni rhea at umalis na. Agad naman akong umupo sa isang bakanting upuan

"Nerd, sagutan mo nga tong assignment ko" nagulat ako nang biglang itinapon ni roxan ang notebook niya sa mukha ko 

"Mas-masakit ang ulo ko roxan hindi ko magagawa ang assignment mo" nauutal na sabi ko

"Aba! Sumasagot ka na saakin ngayon" galit na sabi ni roxan at sinampal ako 

Bigla akong napaiyak dahil sa sakit ng pagkakasampal sa akin ni roxan sa pisngi ko

"Roxan lumayo ka nga kay xandra" sigaw ni rhea at lumapit saamin 

"Girls hawakan nyo nga siya"sabi ni roxan at tinuro si rhea 

Hinawakan naman ng mga alipores ni roxan si rhea at inilabas sa cafeteria 

Tinignan ko ang mga taong nasa cafeteria pero parang wala silang pakialam sa nangyayari. Wala silang pakialam sa akin. Nagulat ako nang buhusan ako ni roxan nang isang basong tubig kaya nabasa ang uniform ko

"Gawin mo na ang assignment ko"sabi niya 

Napa igik ako nang hilahin ni roxan ang buhok ko at pinatingin ako sa kanya "Wag kang magkakamaling suwayin ako"

Nakita kong tumayo na si ash at nicole pero naunang umalis si nicole at nanatiling nakatingin lang sa akin 

"Tulungan mo ako" bulong ko habang nakatingin sa mga mata niya

"Ash hali ka na"narinig kong sigaw ni nicole

Tumulo ang luha ko nang nakita kong umalis si ash at parang hindi man kang nakaramdam ng awa. Nanlumo ako ng makita kong hinawakan ni ash ang kamay ni nicole at umalis na 

"Kawawa ka naman, akala mo siguro tutulungan ka ni ash assuming ka talaga. Mas mabuting gawin mo na ang assignment ko"

Pagkatapos umalis ni roxan ay umalis na rin ako nang cafeteria at pumunta sa comfort room para magbihis habang patuloy parin sa pag iyak 

"Paano mo to nagawa sa akin ash?" tanong ko sa sarili ko

Siguro nga ay kailangan ko na siyang layuan para hindi na magalit sa akin si nicole. Lalabas na sana ako ng cr pero nagulat ako nang may humila sa akin at pinasok ako sa isa sa mga cubicle doon at isinandal sa pinto 

"Ash" bulong ko 

Tumulo ang luha ko nang makita ko si ash "Sorry" bulong niya at niyakap ako

"Walang hiya ka" umiiyak na sabi ko at pinaulanan ng suntok ang dibdib niya "Bakit mo ba ako ginaganito ash?" 

Hinwakan niya ang kamay ko at ikinulong ako sa dalawang braso niya "Sorry" sabi niya at hinalikan ang leeg ko

Damn! I miss him 

"Gagawa ako nang paraan para ayusin ang problema na to. Sana mapatawad mo ako. Wag ka nang umiyak. Kailangan kong gawin to para sa kabutihan nating dalawa sana maintindihan mo ako" sabi nito at tumigin sa akin

Bigla akong nagulahan sa sinabi niya. Ano bang dapat niyang gawin? Ano bang kailangan kong intindihin? 

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya

"Kailangan kong lumayo sayo" nakayukong sabi niya

"Bakit ?" tanong ko habang hindi parin tumitigil parin sa pag-iyak

Biglang tumunog ang cellphone niya at agad niya itong sinagot "Okay" sabi niya habang hindi parin tumitingin sa akin 

"I need to go"malungkot na sabi niya 

Hinalikan niya ang noo ko "I love you, my angel"

Tumulo na naman ang luha ko "I love you too"

Alam kong dapat na akong lumayo sa kanya pero trinatraydor ako nang katawan ko

Hinawakan niya ang bewang ko at inilapit ako sa kanya "I'm sorry kailangan ko nang puntahan si nicole" sabi niya 

Parang may kumurot na naman sa puso nang marinig ang sinabi ni ash. Bakit kailangan niya akong saktan ng pauli-ulit. At bakit kailangan ko ulit umasa sa kanya

"Sorry" sabi niya at hinalikan ang noo ko 

Umalis na siya at naiwan akong umiiyak. Sana maging ayos din ang lahat. Manhid na nga yata ako kasi kahit nasasaktan na ako ay mas pinipili ko parin na hintayin si ash kayaa saumayo dito






________________

Isang mahabang chapter for everyone. Thank you for reading ❤️ Mukhang ginagawa ko yatang masokesta si xandra

That sexy nerd - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon