J.
Wednesday, 8:29AM.
Crojan Monteverde: Hello, good morning. Sorry na ulit dun sa nasabi ko, pikon mo pala. Kain ka na agad ha? Wag ka pagutom, see you mamaya sa school. Pupunta ako dun.
✔️ seen by Areane.
Wow, bungad. Infairness, may concern siya. Eh ang tanong totoo ba?
Areane Kang: okay lang.
Hindi okay 'yun. Gago.
Areane Kang: good morning rin, oo kumain na ako. see you rin.
✔️ seen by Crojan.
Kung hindi lang dahil kay Allen eh.
Crojan Monteverde: Galit kapa? Hay naman, ano bang kailangan kong gawin para di ka na magalit? Libre kita milktea, gusto mo ba?
✔️ seen by Areane.
Bigay mo sa'kin si Allen.
Areane Kang: okay lang, wag na. hehe.
✔️ seen by Crojan.
Crojan Monteverde: Aish, pabebe pa eh. Basta see you nalang.
Crojan Monteverde: Bye Areane! 😉
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: bye.
Naging maayos ang buong araw ko. Nalusutan ko naman yung adviser ko dahil sa pag absent ko kahapon. Badtrip lang, nakita ko kanina yung Crojan. Aba ang letse, ngiti ng ngiti. Kasama niya si Allen kanina.
Saya ko, kasi nakita ko siya.
Kaso di ako pinapansin eh.
Masiyado na akong nasanay sa pasilay silay nalang. Tsk!
9:27PM.
Kurt Suarez: hi po ate
✔️ seen by Areane.
Sino na naman 'tong isang 'to?
Agad kong tinignan ang profile picture niya. Nakilala ko siya dahil isa siya sa nagcomment sa dp ni Allen pati ata ni Crojan.
Infairness, ang cute niya.
——
Kurt Suarez: AREaaNeeeeeeEEEE
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: ano ba yon??
✔️ seen by Kurt.
Kurt Suarez: crush mo po ba si crojan? YIIEEEEeeeEH
✔️ seen by Areane.
Aba! Lakas din tama ng isang 'to ha. Siguro sinabi nung Crojan na 'yun dito sa Kurt na 'to na crush ko siya! Grr, napaka assuming! Si Allen kaya crush ko!
Areane Kang: hindi.
✔️ seen by Kurt.
Kurt Suarez: Weh? Masama magsinungaaalinggg hoy!!
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: hoy tumigil ka nga, di ko nga sabi ceush yon saka teka close ba tayo?!!!
✔️ seen by Kurt.
Kurt Suarez: ceush# 😍😍😍😍
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: crush*
Areane Kang: nuba kailangan muh?!
✔️ seen by Kurt.
Kurt Suarez: Wow buti pa si typo love ka, eh yung crush mo? wow saaaad
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: kingina ha.
Areane Kang: balakajan! basta di ko crush yang crojan na yan che
✔️ seen by Kurt.
Kurt Suarez: Yung pinsan nga pala niya crush mo. Si allen, yieeeee!
Kurt Suarez: Kilig yung panga.
✔️ seen by Areane.
Napahawak ako sa panga ko nang mabasa ko 'yun! Seriously? Hindi naman malaki ang panga ko bakit 'yun ang lagi nilang sinasabi? Kakainis!
Areane Kang: close ba tayo ha?!
✔️ seen by Kurt.
Kurt Suarez: Hindi pero magiging palang. 😉
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: Asa ka.
✔️ seen by Kurt.
Kurt Suarez: Tao ako di ako asa, tsk. Sige na, rereto naman kita kay Allen. Ayaw mo kasi kay Crojan eh ewan ko ba sayo.
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: Edi wow, di mo hawak feelings ko ha?? eh si allen gusto ko e
Nangengeelam. Pero sabi niya rereto niya ako. Omg, go ako!
Areane Kang: Rereto mo ba talaga ko?
✔️ seen by Kurt.
Kurt Suarez: 👍
Kurt Suarez: Ay napindot, sorry!
Kurt Suarez: oo rereto kita basta ganito
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: sabi na eh, ano yun??
✔️ seen by Kurt.
Kurt Suarez: Reto mo ako kay Ellen. Please.
end