M.
8:36AM.
Justin Mallari: Dai, saan ka na?
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: byahe na ako papuntang school, bakit?
✔️ seen by Justin.
Justin Mallari: Bilisan mo gaga ka.
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: ko malapit na nu ba meron?
✔️ seen by Justin.
Kakainis naman 'to, mag chachat tapos isiseen ako. Grr!
6:45PM.
Kurt Suarez: Oy, ayos ba?
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: gago ka, kanino galing yung mga potchi saka reese's na yon?!
✔️ seen by Kurt.
Kurt Suarez: Sikretong malupeeeet! Hahahaha!
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: letse, di naman nakikipag biruan eh!!
✔️ seen by Kurt.
Kurt Suarez: Inubos mo ba? Sarap no?
✔️ seen by Areane.
Grr! Eh sila Justin, Arssel at Mark nga lang kumain ng mga 'yun! Ang nakain ko lang isang piraso!
Areane Kang: kanino nga kase galing?!
✔️ seen by Kurt.
Kurt Suarez: Sabihin ko na nga, paiyak ka na eh!
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: 👍
✔️ seen by Kurt.
Kurt Suarez: Kay Crojan, ayie!
✔️ seen by Areane.
Nadismaya ako. Akala ko pa naman. Nevermind, hahaha!
Areane Kang: ah ganon hahaha thank u kamo.
✔️ seen by Kurt.
Kurt Suarez: May chance na ba sya sayo?
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: Wala.
Kay Allen lang ako, duh!
Kurt Suarez: Tsk, si Allen pa rin pala gusto mo.
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: yes naman
Hindi naman magbabago 'yon.
Kurt Suarez: Kinain rin ba ni Ellen yung chocolate? May ginastos din ako dun no!
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: hindi, di naman mahilig na si ellen sa chocolate, ewan ko ba.
✔️ seen by Kurt.
Kurt Suarez: Ouch, hahaha.
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: bakit di mo kasi ligawan ng harapan?? duwag ka rin eh.
✔️ seen by Kurt.
Kurt Suarez: Tyaka na, bye na muna.
✔️ seen by Areane.
——
10:36PM.
Crojan Monteverde: Hi babe✔️ seen by Areane.
Babe?! Kapal ng mukha, kala ba niya madadaan niya ako sa pa chocolate niya?!
Areane Kang: babe ka jan!
✔️ seen by Crojan.
Crojan Monteverde: Sungit mo naman, masarap ba yung chocolate na bigay ko sayo? Nahirapan pa ko pumili ng chocolate na bibigay ko, di ko kasi alam paborito mong chocolate eh, hehe! 😅
✔️ seen by Areane.
Wow, so pinaghandaan niya.
Crojan Monteverde: Wala manlang bang thank you dyan? Tsk.
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: di ko naman hiningi yun sayo, lol. pero salamat na rin.
✔️ seen by Crojan.
Crojan Monteverde: Syempre. Basta para sayo.
✔️ seen by Areane.
Gara, bakit ang sweet niya sa'kin? Ganito ba ang way ng pakikipag kaibigan niya o may gusto sa'kin 'to?
Areane Kang: bakit mo ba to ginagawa?
✔️ seen by Crojan.
Crojan Monteverde: Di pa ba obvious? Gusto kita.
✔️ seen by Areane.
Ang awkward bigla. Mag pinsan sila ni Allen. Tapos si Allen yung gusto ko. Bakit ganun?
Crojan Monteverde: Kaso alam mo yung masakit? Ako yung nandito para sayo pero pinsan ko yung hinahanap mo.
✔️ seen by Areane.
Boom, ako'y naguilty.
Crojan Monteverde: Kaso bakit kasi ngayon lang ako dumating sa buhay mo? Bakit ngayon lang kita kinausap? Naunahan na naman ako.
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: sorry
✔️ seen by Crojan.
Wala akong ibang masabi, ang awkward. Wala naman akong magagawa kung hindi ko siya gusto.
Crojan Monteverde: Hays, okay lang. Di ako susuko, papanindigan ko to, Areane.
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: mapapagod kalang.
✔️ seen by Crojan.
Crojan Monteverde: Ano ngayon? Pagod lang yun. Di ako susuko sayo, kahit iba gusto mo.
✔️ seen by Areane.
Ang hirap naman ng ganito.
Areane Kang: sorry ah. matutulog na ako, goodnight. salamat ulit!
✔️ seen by Crojan.
Crojan Monteverde: Okay. Goodnight Areane, mahal na mahal kita dati pa. Lahat gagawin ko para sayo. Kahit masakit na. Sige na, matulog ka na.
✔️ seen by Areane.
end