Special Chapter.

229 7 1
                                    

Special Chapter.
• chapter theme song: You Are The Reason by Callum Scott •

(5 months later..)

Areane

"Hoy, ano tara na? Bilisan mo, tayo nalang inaantay nila Justin!"

Binilisan ko ang paglalagay ng liptint sa aking labi at pisngi. Nang makuntento ako sa itsura at suot ko agad na kaming bumaba ni Ellen.

"Alis na po kami," Paalam ko kay mommy at hinalika n siya sa pisngi.

"Hmm wait, ano oras uuwi?" Paninigurado niyang tanong habang nagluluto, "9:30PM po." Nakangiti kong sagot. Tumango naman siya, it means pumayag siya.

"Bye tita!" Pagpapaalam ni Ellen.

Agad kaming sumakay sa kotse ni Mark, sinundo kami ng hayop. Haha, first time yun!

"Sigurado kayong nandoon na sila ha," tanong ni Mark. "Oo nga, kulit nito. Bilisan mo nalang!" Sagot sakaniya ni Ellen.

Sumandal ako sa salamin ng sasakyan, tinignan ko ang paligid. Tirik na tirik ang araw at ang daming masasayang tao sa labas, so nostalgic.

It's been 5 months. And yes, naka move on na ako! Bonggang bonggang move on na! Hehe! Pero eto, wala pa ring lovelife. Pero okay lang, ano ngayon? Atleast masaya ako.

Hindi na nagparamdam si Crojan after nung kinausap ko siya. Si Allen naman, nakipag kita ako sakaniya last month lang. Nalungkot siya oo, nalungkot din ako. Pero naintindihan naman niya ako. Hahaha, hindi na siya nagpapakita sa'kin. Siguro lumipat na talaga. Si Crojan naman, nagkikita kami sa school pero hindi niya ako pinapansin. Parang hangin lang. Wala na ring paramdam sa social media, well mag eexpect pa ba ako? Hahaha.

Wala pang isang oras ay nakarating na kami sa napag usapan naming park na magkakaibigan. Bonding lang. Birthday kasi ni Justin, kaya ayun nag handa. Nag celebrate.

"Hoy! Omg, namiss kita agaaad!" Napangiti ako nang makita kong sinugod agad ni Ellen ng yakap si Kurt. Si Kurt naman, tuwang tuwa. Kahit kakakita lang nila kahapon, ganun nila kamahal isa't isa.

Masaya ako para sakanilang pareho. Hindi na sila katulad noon, kagaya ng kwento ni Kurt saakin dati. Sobrang ayos na nila, oo may sinasabi yung ibang tao sakanila pero ang tatag nila, sobra. Nakikita ko naman na sobrang saya din ni Ellen, kaya ang saya ko na rin.

Napapangiti ako sa mga nakikita ko. Si Justin na masaya kay Jayvee, si Mark na kahit walang jowa nakukuha pa ring maging masaya, wala eh. Chickboy ang gago. Si Arssel na masaya sa mga idol niya sa kpop, kuntento na siya dun eh. At si Ellen na sobrang saya kasama si Kurt. Sobrang saya ko para sakanila.

At ako? Eto, masaya. Kuntento. Hindi na ako naiinip antayin si the one, kung dadating, dadating yun. Not now, but soon! Mahahanap ko din ang sarili kong Jughead Jones.

"Guys! Selfie naman d'yan!" Sambit ni Justin kaya't lahat umayos ng itsura.

"Wacky wacky!" Sigaw ni kurt, kaya ayon lahat nagpapangit ng mukha. Lol, kahit nakangiti lang si Justin, wacky na. Effortless! Chos.

Matapos mag selfie, magtawanan, mag kwentuhan. Kumain kami, pero hindi mawala yung aasarin nila ako dahil sa wala akong jowa. Grr!! Kakainis.

"Areane, pinapabigay pala 'to sayo ni Crojan." Bigla akong kinalabit ni Kurt at ibinigay sa'kin ang sulat. Napangiti na lamang ako ng peke at tinanggap ang sulat, bakit may pag sulat?

"Binigay niya 'yan last week pa, kaso ngayon lang ako nagkaroon ng tyempo ibigay sa'yo. Hehe, peace!" Aniya kaya't binatukan ko siya.

"Guys, wait lang ha!" Pagpapaalam ko sakanila at lumayo muna, umupo ako sa malayo at saka binasa ang sulat.

Hi Crush Where stories live. Discover now