T.
Monday 9:03AM.
• grupo ng mga asuh •Justin Bibo: Hay nako si Areane di na naman pumasok.
✔️ seen by Ellen, Arssel Natalo, and Laging Late
Ellen: Broken raw kasi. Papasok na yan sa tuesday, strong yan eh. Diba?! @Laging Late
✔️ seen by Justin Bibo, Arssel Natalo, and Laging Late
Arssel Natalo: Hindi sagot ang pag absent sa sakit Areane. Tsk, puntahan ka namin dyan? G?
✔️ seen by Everyone
Mark papakmilo boi: Oy sama na ako, syempre bespar ko yang si Areane! G ako basta libre nyo ko pagkain 💪🏻
✔️ seen by Everyone
Justin Bibo: Puro ka pagkain kaloka ka!
Ellen: Basta @Laging Late punta kami diyan, dalhan ka namin nung pagkain, yieh!
Arssel Natalo: Sige na guys, brb! May teacher na kami, babush!
✔️ seen by Everyone
Justin Bibo: Bye! See u later @Laging Late
✔️ seen by Laging Late
Hanggang ngayon ay di pa din ako bumabangon sa higaan ko. Plano ko naman talagang pumasok kaso tinamad na ako.
Nabawasan nang kahit na papaanong sakit yung nararamdaman ko dahil sa mga kaibigan ko. Sobrang swerte ko sakanila.
Sobra.
——
Lumipas ang mga oras, eto pa din ako. Malalim pa din ang iniisip.
Pumunta din kanina dito sila Ellen kaso wala pang isang oras umalis agad. Sabi ko kasi papahinga muna ako. Pero dinalhan pa nila ako ng dunkin donut, pampawala raw ng stress.
Kaso wala namang nagbago.
Sinubukan ko palang kausapin si Ellen about sakanila ni Kurt, pero ang sabi niya, wala naman na daw siyang choice. Sobrang sakit na raw kasi.
Pero mahal pa din daw niya, ayaw niya lang balikan kasi ayaw na niyang masaktan.
Ang hirap no? Mahal mo, pero nga kasi pagod ka nang masaktan.
10:26PM.
Crojan Monteverde: Kamusta ka?✔️ seen by Areane
Areane Kang: Okay lang.
✔️ seen by Crojan
Hindi ako okay.
Crojan Monteverde: Di ka raw pumasok sabi sakin ni Kurt. Hmm, okay ka lang ba talaga?
✔️ seen by Areane
Wala namang masama kung sabihin ko yung totoo.
Areane Kang: Hindi ako okay. Nasasaktan ako, nagiguilty ako, lahat lahat na! Hindi ako okay.
✔️ seen by Crojan
Crojan Monteverde: Sabihin mo lang lahat ng gusto mong sabihin. Makikinig ako.
✔️ seen by Areane
Areane Kang: Bakit hindi ko manlang nalaman na minsan na rin akong nagustuhan ni Allen?! Bakit kung kelan huli na?! Bakit nasasaktan na naman ako Crojan?! Deserve ko bang masaktan nang paulit ulit?!
✔️ seen by Crojan
Crojan Monteverde: Alam kong masakit, Areane. Pero wala naman na tayong magagawa dun. Kundi kalimutan nalang kasi tapos na. Ako, ilang beses na akong nasaktan. Pero ako? Andito ako lagi para sayo. Hindi kita susukuan.
Crojan Monteverde: Pag nalulungkot ka isipin mo lang na nandito ako ha?
✔️ seen by Areane
Ito na naman ako.
Bakit kasi di nalang ikaw Crojan?!
Crojan Monteverde: Matulog ka na, pagod ka lang. I love you. Mag iingat ka palagi. Mawawala rin yang nagdudulot ng lungkot mo, yung punot dulo ng lahat. Lahat naman ng bagay temporary.
Crojan Monteverde: Yang nararamdaman mong sakit? Saglit lang yan. Mawawala. Sige na ha? Tulog kana. Sana maging okay ka.
✔️ seen by Areane
Areane Kang: Salamat Crojan.
Bakit ba di nalang ikaw?!
end