R.

172 5 0
                                    

R.

Kurt Suarez: Tapos nag drama kaya siya sakin nun, kaya nga tawa ako ng tawa kasi para syang bakla HAHAHAHAHAHA!

Kurt Suarez: Sabi niya, kelan daw ba sila titira ng permanente dito para naman daw araw araw ka nyang makita.

Kurt Suarez: Diba? Ang bading! Hahahahaha! Ganun ka niya kamahal.

✔️ seen by Areane

Para ngang pinira-piraso ang puso ko sa mga sinabi ni Kurt.

Walang ibang mga pumapasok sa isip ko kundi, "Bakit nga ba kasi ngayon ko lang nalaman?"

"Bakit ngayon ko lang siya nakilala?"

"Bakit hindi nalang siya?"

Siguro nga tama si Allia. Pati mag pinsan tinalo ko. Pero 'di eh, hindi hindi. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon.

Kurt Suarez: Swerte mo kay Crojan.

✔️ seen by Areane

Areane: Haha

Sobra.

✔️ seen by Kurt

Kurt Suarez: Kaya sana pag naging okay ka, marealize mo.

Kurt Suarez: Oy pero kaibigan ko sila pareho. Hahahaha mas boto lang talaga ako kay kumareng Crojan. Tyaga kasi.

✔️ seen by Areane

Areane Kang: Hahaha oo na Kurt, salamat ulit.

✔️ seen by Kurt

Kurt Suarez: Wala yun. Ano na balita kay Ellen?

✔️ seen by Areane

Areane Kang: Ewan ko ba, tuwing ikaw tinotopic ko, nag iisip siya nang panibagong topic.

✔️ seen by Kurt

Totoo. Tuwing sasabihin kong may nanliligaw sakaniya't si Kurt 'yun, halatang umiiwas siya sa usapan. Bakit kaya? Siguro dahil di lang siya sanay na may nanliligaw sakaniya? O iba pang dahilan?

Kurt Suarez: Okay lang. Naiintindihan ko naman kung bakit ganun, kaya nga aantayin ko nalang.

✔️ seen by Areane

Areane Kang: Magkakilala na ba kayo dati pa o ngayon mo lang siya nakilala?

✔️ seen by Kurt

Kurt Suarez: Ganito kasi yun.

Kurt Suarez: Girlfriend ko siya dati. Pero sabi ko wag niya ipaalam sainyo or sa kahit na sinong kaibigan namin na kami na. Tanga ko nga banda dun.

Kurt Suarez: Kaya nga diba, tuwing uwian, hindi siya minsan sumasabay sainyo nung 3rd year tayo. Kasi yun nalang yung time na magkasama kami. Di mo ba napansin yun?

Kurt Suarez: Kaso napagod siya sa ganung sitwasyon. Nahirapan siya. Kesyo siya nalang daw lagi nag aadjust. Ang dami ko rin kasing naimpluwensya sakaniya.

Kurt Suarez: Noong kami pa, hindi siya halos gumagawa ng assignment. Di na rin siya nakakapag aral ng maayos. Dahil sakin.

Kurt Suarez: Mahal ko siya. Sobra. Pero ayoko kasing makarating sa mga magulang ko na may girlfriend ako ulit. Kasi ilang beses ko na silang sinuway tungkol dun.

Kurt Suarez: Nakilala ko si Ellen, ang bait, maganda, tapos may pagka matalino. Sino ba namang hindi maiinlove dun? Sinabi ko sa sarili ko na liligawan ko siya.

Kurt Suarez: Kaso yung relasyon namin kami lang nakakaalam. Dahil sa baka malaman ng magulang ko. Sabi niya, bakit hindi ko raw siyang kaya ipagmalaki. Tinanong pa niya kung mahal ko daw ba siya talaga.

Kurt Suarez: Napagod siya Areane. Napagod sa sitwasyon. Kaya siya sumuko. Ngayon, nakikita ko, nag aaral na ulit siyang mabuti. Saya niya nga eh. Kaso parang natakot nang mainlove. Dahil sakin. Kaya ngayon, binabalikan ko siya. Sinabi ko ngayon na ipaglalaban ko siya. Ipagmamalaki ko. Mamahalin ko nang todo. Titiisin ko lahat sagutin niya lang ako ulit.

Kurt Suarez: Buti nga nakilala kita kasi ikaw yung pinaka close ni Ellen, saka mukhang makakausap kita about sakaniya.

Kurt Suarez: Alam kong para akong hindi totoong lalaki sa ginawa ko pero itatama ko yun ngayon. Mahal na mahal ko si Ellen.

✔️ seen by Areane

Parang gusto kong magalit ngayon kay Kurt pero di ko magawa. Kasi nga may dahilan siya.

Kaya pala sa tuwing uwian, pag kasama ko sila Justin, laging lumiliban sa'min si Ellen. Dahilan niya lagi, marami siyang gagawin sa bahay. Kung hindi naman sa bahay, may pupuntahan daw sila ng ate niya.

Kaya din pala bumaba grades niya noon.

Hindi ko alam yun, ang daya nila. Sana manlang sinabi sa'kin ni Ellen. Pero wala akong magagawa, di ko rin sila masisisi.

Hanga ako kay Kurt. Handa siyang itama yung mali niya. Mahal talaga niya si Ellen.

Si Ellen, siguro naman may feelings pa siya dito kay Kurt. Kasi kung wala na, okay lang sakaniya na pagusapan namin si Kurt.

Sana sila nalang hanggang dulo.

Areane Kang: Medyo nainis ako sayo ha. Pero sige, tutulungan pa din kita.

✔️ seen by Kurt

Kurt Suarez: Salamat. Kagaya nga nang sabi ni Crojan, handa rin akong mahalin ng todo si Ellen kahit masakit. Ganun dapat.

Tama naman.

end

Author's Note: Focus muna kay Ellen saka kay Kurt 'tong chapter na 'to. Hehehe.

Hi Crush Where stories live. Discover now