N.
Allia: Hi Areane, pwede magtanong?
✔️ seen by Areane.
Nagtatanong ka na nga eh, problema ng isang 'to bakit bigla biglang nagchachat?
Areane Kang: suree, tungkol saan? 😊
✔️ seen by Allia.
Allia: Crush mo ba si Allen?
✔️ seen by Areane.
Oo crush ko, anong pakeelam mo? Jelly ka? Ulul, break na kayo.
Areane Kang: bakit mo biglang natanong?
✔️ seen by Allia.
Allia: Wala naman, baka isipin mo kasi nagseselos ako, tinatanong ko lang naman. Hehe
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: oo, crush ko siya bakit?
✔️ seen by Allia.
Allia: Balitaan mo ako pag kayo na ha? Goodluck, sana maging kayo hahahahaha!
✔️ seen by Areane.
Ha? Nang iinis ata 'to eh, di ko alam kung simpleng tanong lang ba eh. Binggo sa'kin 'to pag nakita ko sa school.
Areane Kang: ah k
✔️ seen by Allia.
Allia: How 'bout Crojan? Type mo rin??
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: Hindi.
✔️ seen by Allia.
Allia: Ow, I see. Kala ko pati si Crojan gusto mo rin hahahaha!
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: Loyal ako sa isa eh, sorry. Di kasi ako tulad mo, aw :<
✔️ seen by Allia.
Boom!
Allia: Ah so anong point mo? Na two timer ako? Lol.
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: Omg? Galing na mismo sayo yan, hehehe!
✔️ seen by Allia.
Allia: Di ka magugustuhan ni Allen, ang bitchy ng ugali mo. Bye.
✔️ seen by Areane.
Areane Kang:
✔️ seen by Allia.
Areane Kang: Sorry not sorry! Opx.
✔️ seen by Allia.
Allia: Goodluck kangkong.
✔️ seen by Areane.
Areane Kang: Okidoks!
✔️ seen by Allia.
Kakainis 'tong babae na 'to, kaya siguro sila nag break ni Allen dahil sa ugali nito. Grr! Kala naman niya ganda niya, mukha namang hito.
• grupo ng mga asuh •
11:06PM.
Laging Late: AAAAAHHH KAKAINIS TALAGA YANG ALLIA NA YANLaging Late: KAPAL NG MUKHANG IMESSAGE AKO DI NAMAN KAMI CLOSE GRRRR
Laging Late: KALA MO NAMAN ANG GANDA! EH ANG LAPAD LAPAD NAMAN NG NOO MAS MAGANDA PA KO BLE
Laging Late: HOY ANO NANDYAN BA KAYO?!
✔️ seen by Ellen, Justin Bibo
Ellen: Andito pa ako cyst! BAKIT KABA HUMAHANGOS?! ANO NA NAMAN NANGYARI SAYO
✔️ seen by Justin Bibo, Laging Late
Justin Bibo: LETCHE NAMAN TONG SI AREANA GRANDE NANONOOD AKO NG A LOVE SO BEAUTIFUL EH!
✔️ seen by Ellen, Laging Late
Laging Late: BUTI ANDYAN PA KAYO AAAAA!! KASI CHINAT AKO NUNG ALLIA NA EX NG BEBE ALLEN KO
Laging Late: TAPOS PARANG INIINIS AKO AYAN ININIS KO DIN
Laging Late: KAKAINIS PARANG PINAPALABAS NA ANG LANDI KO. PARANG SYA HINDI.
✔️ seen by Ellen
Ellen: ABA'Y! BUTI DI KA NAGPATALO! NANGGIGIL DIN AKO DYAN PATI SA BESPREN NYANG MUKHANG LANGGAM.
✔️ seen by Justin Bibo, Laging Late
Justin Bibo: WALA AKONG MAITUTULONG SA NGAYON PERO SINISUGURO KONG SAMPAL AABUTIN SAKIN NYANG ALLIA NA YAN, WAG NIYO NA MUNA AKO ISTORBOHIN.
Justin Bibo: Bye bitches
✔️ seen by Ellen, Laging Late
Laging Late: maaasahan ka talagang henaupak ka! BYE BIJJ.
✔️ seen by Ellen.
Ellen: OH ANO NA
✔️ seen by Laging Late
Laging Late: AYUN NA NGA. NAIINIS TALAGA AKO, EWAN KO SA BABAENG YAN BAKIT BIGLA BIGLANG NAGCHACHAT. SELOS SIGURO.
✔️ seen by Ellen
Ellen: OW, AKALA KO BA NAKIKIPAG LIGAWAN SIYA DUN SA KAKLASE NYA?
Ellen: TSK, YAAN MO SYA NO. WALA NA SILA NI ALLEN, KAYA GO! LABAN LANG.
✔️ seen by Laging Late
Laging Late: ABA OO NAMAN DI AKO PAPAYAG NA MAAGAW SAKIN BEBE KO ALLEN.
✔️ seen by Ellen
Ellen: PERO DAI PANO SI CROJAN?
✔️ seen by Laging Late
Umeksena na naman sa usapan si Crojan. Ano ba 'yan.
Laging Late: HAY ANO BA! DI KO NGA KASI SYA GUSTO, GUSTO MO IKAW NALANG DUNN. YIE BAGAY SILA YIE.
✔️ seen by Ellen
Ellen: WALA AKONG TIME SA LOVE NA YAN. HAHAHAHA.
✔️ seen by Laging Late
Laging Late: Weh?
Kung alam lang niya na may nag aantay sakaniya. Kung alam lang niya na inaantay siya ni Kurt na mukhang seryoso sakaniya, haaay. Bakit kaya di nakikita ni Ellen yun? Siguro kasi di rin gumagawa ng paraan si Kurt.
Pero nakikita ko naman na sinusubukan niya pero wala eh.
Bakit nga ganun 'no? Yung gusto natin din tayo gusto.
Tuwing magkakagusto tayo sa isang tao lagi tayong dumadating sa point na umaasa tayo ng todo. Bakit kasi di tayo gusto ng taong gusto natin?
Bakit kasi hindi nila napapansin na andito lang tayo?
Siguro kasi ganun din tayo. Di natin nakikita na meron pa palang andiyan para sa'tin kasi masiyado tayong nagpapakatanga sa isang tao na di naman nakikita effort natin.
Haaay buhay nga naman parang life.
end