chapter 14

413 20 2
                                    

Cathy's POV

Matapos ang gabing iyon ay tinotoo nga ni Marcus ang mga sinabi niya. Sa tuwing papasok ako sa opisina ay may nakaabang nang bulaklak at minsan ay may kape pa. Ang kaibigan ko naman si France ayun kilig na kilig. Siya na nga rin itong nagpupumilit na bigyan ko daw ng chance.

Ayos naman sakin si Marcus. Mabait at maalaga siya. Idagdag mo na rin na tanggap niya ang mga anak ko. Bihira na lamang ang mga lalaking ganito. Pero hindi maalis sa puso ko ang pangamba. Paano kung hindi naman talaga siyang nagugustuhan ng binata?

Isa pa sa mga bumabagabag sa kanya ay ang mga panaginip niya. Hindi niya alam kung mga dati niya itong alaala o ano pero halos hindi na siya patulugin ng mga ito.

Kaya sa araw na ito ay napagdesisyunan niyang wag na munang pumasok sa opisina upang pumunta sa psychiatrist niya at para na din ipasyal ang mga bata. Naglakad siya papunta sa kwarto ng kambal para silipin kung nakabihis na ba sila.

Nadatnan niya si Dennise na itinatali ang sintas ng sapatos ng kapatid niya. Napangiti na lang siya sa tanawing ito.

Parehong naka pink na collared shirt ang magkapatid. tinernuhan din nila ito ng maong na pants at puting sapatos.

Malamang ay si Dennice ang namili ng isusuot nila. Hindi maarte sa damit si Dennise kaya alam kong hindi tatanggi ito ano mang kulay ang ipasuot sa kanya.

"Mommy don't I look pretty?" nagpapa-cute na tanong ng anak ko. Nginitian ko lang siya at ttumango.

"Mommy wear something pink too" suggest ni dennise kaya naman isang dress na pink ang sinuot ko. Matapos kong maayos ang mga bag nila ay nagtungo na kami sa pinto.

Saktong nasa tapat na kami nang pinto ng may magdoor bell kaya pinagbuksan ko ito agad.

Bumungad sakin ang isang Marcus Cortez na naka casual look. Laking gulat ko ng nakapink din siya.

Napakagwapo niya sa suot niyang polong pink at shorts. Nakadagdag pa dito ang nakasabit na shades sa bulas ng polo niya.

Narinig ko ang hagikgik ni Dennice kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Marcus? Anong sadya mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Mommy sasama siya satin" ngiting sagot ni Dennise. Saka siya humawak sa kamay ni Marcus at hinila si Marcus at si Dennise palabas ng bahay.

"Tara na" yaya naman sakin ni Marcus. May dala siyang kotse kaya dun na lng kami sumakay. "San ba tayo pupunta?" tanong niya sakin ng magsimula na siyang magmaneho.

"Daan muna tayo sa doctor ko tsaka ko ipapasyal ang mga bata" ibinalik niya ang tingin sa daan. Ipinaalam ko na din sa kanya kung saang ang eksaktong address ng doctor ko.


"Miss Villanueva, good morning" nakangiting bati sakin ni Doc Nathan. Inilahad niya ako sa isang mga upuan. Umupo naman sa binti ko si Dennise habang si Dennice naman ay kay Marcus.

"Bat ka nga pala naparito? Ayos ka lang ba?"

"Actually Nathan, itong mga nakaraang gabi kasi palagi akong nananaginip. Hindi ko alam kung mga alaala ko ba to o kung ano. Ano sa tingin mo?" tanong ko sa kanya. Tahimik lang naman ang tatlo.

"Malaki ang posibilidad na alaala mo ang mga yon. Pwedeng bumabalik na sila. Magandang pangyayari yan" tatango tangong sagot ng doctor. Mula magka-amnesia ako ay si Nathan na ang doctor ko.

"Kung talagang nahihirapan ka nang makakuha ng sapat na tulog ay may ibibigay a lang ako sayong gamot para doon"

Matapos ng konsultasyon ko ay agad din kaming umalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CC: The Mafia Boss' Long Lost WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon