Chapter 3

52.8K 1.8K 142
                                    

#WretchedChoicesWP

Chapter 3
Report

I slowly opened the door and saw my mom taking a nap on the couch while my grandmother was sleeping on the hospital bed. Without making any noise as much as possible, I walked closer to my grandmother and sat on the chair beside the bed.

Nang tumila ang ulan kanina ay agad akong umuwi para maligo ulit at magpalit ng damit. Napagdesisyunan ko ring pumunta na ngayon sa ospital dahil ito naman talaga ang dapat kong gagawin ngayon.

I reached out for my grandmother's hand and gently caressed it. Napatitig na lamang ako sa aming magkahawak na kamay at tila wala na akong maramdaman pang iba kundi ang medyo mainit na kamay ng aking lola.

I feel so empty. It seems like my body ran out of feelings and emotions to show after I cried everything out in the park. Siguro ay nagkasundo na rin sa wakas ang isipan at puso kong maging manhid na lang para hindi na makaramdam ng kahit anong damdamin. I guess they're both tired arguing with each other. Sumuko na lang silang dalawa at hindi na ako pinahirapan pang mamili kung ano ang dapat kong sundin.

Naramdaman ko naman ang munting paggalaw ng daliri ni lola kaya agad akong napaangat ng tingin sa kanya. Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata at kahit nahihirapan ay ngumiti siya sa akin.

I smiled back at my lovely grandmother before I moved closer to have a conversation with her. Nahihirapan siyang magsalita nang malakas kaya kapag kinakausap namin siya ni mommy ay lumalapit kami.

"Kumusta na po kayo, lola?" marahan kong pagtanong sa kanya.

Muli siyang ngumiti bilang sagot sa akin. Bumitaw siya sa aking pagkakahawak sa kanyang kamay para abutin ang aking pisngi. Ang haplos niya sa aking pisngi ay tila parang umaabot sa aking puso.

"Ma-Mahal kong apo," sabi ni lola. "Bakit... Bakit malungkot ka?"

I smiled widely and shook my head to deny.

"Masaya po ako, lola!" masigla kong sabi. "Ga-Graduate na po ako. Magpagaling po kayo para makadalo kayo ng graduation ko. Uuwi rin daw po no'n si daddy."

Tumango-tango naman siya sa akin at ibinaba na ang kamay para hawakan ang akin. I pursed my lips before kissing the back of her hand.

My grandmother has leukemia. Stage 3 na ito at sabi ng mga doctor ay medyo mahihirapan na silang magamot ito dahil hindi agad naagapan, but still, they promised to do their best to prolong her life and save her.

"Keia..."

Nilingon ko si mommy na mukhang nagising na dahil sa aming pag-uusap ni lola.

"I thought you won't come today. Akala ko'y makikipagkita ka sa kaibigan mo," sabi sa akin ni mommy at muli ko na namang naalala ang nangyari kanina.

Pinigilan ko ang pagbusangot ng aking mukha dahil nasa harapan ako ni lola. Kahit labag sa aking loob ay ngumiti ako kay mommy saka umiling.

"I realized that I want to visit lola today..." sabi ko na lang.

Tinanggap naman ni mommy ang aking sinabi at saka nagpaalam na bibili muna ng aming pagkain ngayong araw habang nagbabantay sa ospital. Maaga nga lang din ako umuwi kinagabihan dahil mayroon pa akong pasok kinabukasan.

I left my phone at home when I decided to visit the hospital because I wouldn't need it anyway. I was bombarded with Sharry's messages and missed calls. I read her messages that I immediately regretted.

From: Sharry
How's your date going? Nagkita na ba kayo ni Archer? Update me please!

-

Wretched ChoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon