Uno

2.6K 71 3
                                    

"Hi Gel... Pasok ka na?" Bati kay Angel ni Kurt, ang kanyang friendly neighbor slash kababata slash tropa.

"Oo." Sagot nya pagkatapos ay tinarangka na nya ang kanilang lumang gate na halos 4 feet lamang ang taas.

"Ingat ka. Jammin' tayo next time." Sabi ni Kurt sa kanya.

Nitong mga huling araw kase ay hindi na sila masyadong napagkikitang magkaibigan.

Hindi na rin sila nakakasama sa iba pa nilang mga kaibigan na gumimik kada weekend or tumambay man lang kung saan, na madalas nilang nakagawiang gawin.

Pare-pareho na kasi silang mga busy sa kani-kanilang trabaho kaya naman nawalan na sila ng time na gumala at magbabad ng oras sa labasan.

"Sige ba." Tanging sagot nya.

Pagkatapos non ay nilagpasan na nya ito.

Medyo malayu-layo rin ang kantong lalakarin nya.

Ganun ang routine nya sa tuwing sya ay papasok sa trabaho.

Bihira kasing may magawing tricycle sa lugar nila.

Baku-bako naman kasi ang kalsada kaya siguro ayaw ng mga driver na maghatid-sundo doon ng mga pasahero.

Pero para sa kanya, ayos lang naman ang maglakad. Exercise na din nya kasi iyon.

Kahit papano, tanggal-taba na rin iyon para sa kanya.

..........

Sya pala si Angel.

Nurse sa nag-iisang ospital sa kanilang bayan.

Panganay sya sa tatlong magkakapatid na pulos mga babae.

Nanay na lang ang meron sila.

Namaalam na kasi ang kanilng ama ilang taon na ang nakakaraan.

..........

Minutes later...

Pagdating nya sa may kanto ay agad syang tumawid sa kabilang kalsada.

Sa lumang waiting shed, doon sya mag-aabang ng jeep pa-bayan.

Madalang ang mga sasakyan sa lugar na iyon.

Ang mga bumibiyaheng jeep ay bibilang lamang.

Kaya naman kumukonsumo talaga sya ng thirty to forty-five minutes bago sya makasakay.

Gaya ng nakagawian nya tuwing umaga, uupo muna sya at magmumuni-muni habang naghihintay ng masasakyan.

Paminsan pinapalipas nya ang oras nya sa paglalaro ng games sa kanyang cellphone.

Matulin pang lumipas ang oras...

Trenta y singko minutos na sya don na naghihintay.

Ngawit na ngawit na yung pwet nya sa kakaupo kaya naman naisipan nyang tumayo na muna.

Nag-unat unat sya pagkatapos ay naglakad-lakad sa paligid.

Hanggang sa mapagawi sya sa may gilid ng waiting shed, sa bandang likuran.

Marami doong puno na syang nagpapadilim sa lugar. Nagmukha tuloy iyong creepy sa paningin nya.

"Weird..." Sambit tuloy nya.

Hindi nya maiwasang makaramdam ng kilabot. Lalo na nung titigan nya ang mga puno.

Pakiramdam nya ay may buhay ang mga iyon na nakikipagtitigan din sa kanya.

Sinipat nya ang oras sa kanyang cp.

Maya-maya lang ay nagpasya na rin syang bumalik sa waiting shed.

ANG LIHIM NA LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon