Doce

395 22 3
                                    

"Angeeeeel... Angeeeeeel... Muling pagtawag nya sa kaibigan.

Nilakasan pa nyang lalo ang boses nya nang sa ganon ay marinig na sya nito.

Samantala...

"Huh?! Parang boses ni Jhoy yun ah." Kunot-noong bulong ni Angel nung makarinig sya ng mahinang pagtawag sa pangalan nya.

"Angeeeeeel... Angeeeeeel..." Muling sigaw na narinig nya.

Huh?! Si Jhoy nga...

Sambit nya sa isipan nya.

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi nya nung makumpirmang kay Jhoy nga galing ang boses na nauulinigan nya.

"Jhoooooy... Jhoy nandito kameee..." Ganting-sigaw din nya.

"Sinu yon?! Sinong Jhoy?!" Tanong naman ni Rona.

"Kaibigan ko 'te?" Sagot nya.

"Bakit sya nandito? Hindi ba nya alam kung gaano kadelikado ang lugar na ito?" Muling tanong nito.

"Hindi ko alam ate. Siguro--- (Pause) Siguro sinadya nyang hanapin ako. Siguro nagtataka na sya kung bakit ilang araw na akong di nakakapasok sa ospital." Panghuhula nya.

"Paano naman nya nalaman na nandito ka?" Tanong naman ni Shannen.

"Hindi ko rin alam. Pero nabanggit ko na sa kanya non yung tungkol sa mga panaginip kom siguro iyon yung ginawa nyang hint para matunton ako. At saka--- May kakaibang ability yumg kaibigan kong iyon. Ah basta. Mamaya ipapakilala ko kayo sa kanya." Sabi nya.

Pagkatapos non ay muli syang sumigaw...

Mulo nyang tinawag ang kanyang best friend.

"Jhooooy... Jhoy asan kaaaa? Andito kameeee..." Sigaw nya.

At nakigaya na rin yung dalawa.

Sumigaw na rin ang mga ito para magkita-kita na sila.

Samantala...

"Angel?! Si Angel nga ba yung sumagot?" Tanong naman ni Jhoy sa sarili nya nung sa wakas ay may tumugon na rin sa pagtawag nya.

"Jhoooooy... Andito kameee... Asan ka baaaa? Jhoy sumagot kaaaa... Jhoooooy... Jhooooooy..."

Mga sigaw na galing sa iba-ibang tao ang malinaw na nyang naririnig ngayon.

Ibig sabihin nasa malapit na ang kanyang kaibigan at may mga kasama ito.

Biglang nadagdagan ang lakas nya.

Yung enerhiya nyang malapit ng ma-drain kanina ay biglang napuno nung malamang ligtas at buhay ang matalik na kaibigan.

Agad syang napatakbo ng mabilis.

At dahil sa sobrang saya nya, hindi nya namalayang napigtas ang suot nyang sling bag.

Sumabit iyon sa naka-usling semento at nalaglag iyon sa lapag.

..........

Samantala...

Nagpapambuno na ngayon sa ere ang dalawang manananggal.

Babae sa babae...

Pangil sa pangil...

Kuko sa kuko...

Pakpak sa pakpak...

Parehong malakas...

Parehong magaling...

Ngunit isa lang sa kanila ang magtatagumpay...

Iisa lang ang maiiwan sa itaas dahil ang isa ay babagsak sa ibaba...

ANG LIHIM NA LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon