Nueve

661 38 2
                                    

Sa teritoryo ng mga aswang...

Labis ang kabang nararamdaman ngayon ni Beblita para sa tatlong dalagang kinupkop nya.

Matapos malaman ng pinakapinuno nila ang masamang balita ay tinapos agad nito ang pagpupulong na iyon.

Pinahayo nya ang mga alagad upang hulihin ang mga dayo.

At ang mahigpit na bilin nito---

Dalhin sa harapan nya ang tatlong babae ng buhay.

Ayun, sumalisi sya ng takas.

Nung makahanap ng tamang tiyempo ay umiba na sya ng daan.

Tinahak nya ang direksyon pauwi sa kanyang tahanan.

At nung makarating sya sa kanyang bahay ay agad nyang pinagana ang kanyang telekinetic power.

Todo-todong konsentrasyon ang ginawa nya upang magkaron ng komunikasyon sa mga dalaga.

..........

Sa tunnel...

"Sandale!" Awat ni Rona sa dalawa nyang kasama.

"Ano na naman yan 'te?" Tanong ni Shannen.

"May kakaiba akong nararamdaman eh." Sagot nya.

"Huh? Anu yon?" Kunot-noong tanong ni Angel.

"Sssshhh..." Sawata nya sa mga ito.

Pagkatapos non ay pumikit na sya at nakiramdam.

Maya-maya...

Rona...

Rona makinig kang mabuti...

Alam na nila ang pagtakas nyo...

Nanganganib na ngayon ang buhay nyo...

Ang mga salitang naulinigan nya.

Hindi sya nakakibo kaagad.

Bigla kasing tumambol yung dibdib nya sa kaba.

Bilisan nyo na...

Papunta na sila ngayon dyan...

Dadakpin nila kayo...

Tumakas na kayo...

Biliiiiiis...

Ang sumunod nyang narinig.

Pagkatapos non ay wala na syang naulinigan pang iba kaya nagmulat na rin sya ng mga mata.

"Ate anong problema?" Nag-aalalang tanong naman ni Angel nung makita nya ang kakaibang takot na nakarehistro ngayon sa mukha ni Rona.

"Alam na nila ang ginawa nating pagtakas. Papunta na sila rito ngayon upang tayo'y hulihin." Kinakabahang sagot nito.

"Huh?! Pa'no mo nalaman?" Tanong nya.

"Kay mamang." Sagot nito.

Hindi na sya nagtaka pa.

Maging si Shannen ay ganun din.

Para sa kanila, may kakaibang abilidad ang kanilang mamang.

Kung nakakabasa ito ng isipan ng iba, magagawa rin nitong makipag-communicate gamit lang din ang isip nito.

"Oh my God!" Sambit ni Angel.

Biglang nanlamig ang mga kamay nya sa takot.

Nanginig na rin iyon.

ANG LIHIM NA LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon