Dieciséis

854 50 8
                                    

"Ang problema--- Pa'no tayo makakapasok sa loob? Mukang walang tao." Sambit ni Shannen nung makarating sila sa bahay nila Angel.

"Wala talagang tao. Pumasok na kasi ang mga kapatid ko sa school. Si mama naman pumasok na rin sa trabaho. Pero don't worry we have a spare key." Sagot ni Angel.

At ayun, matapos nyang lumakad sa halamanan ay yumukod na sya.

Isang paso ang nilapitan nya then iniangat nya ang artipisyal na halaman.

Sa loob ng paso naroon ang susi. Nakalagay iyon sa isang maliit at gawa sa plastic na lalagyan.

Binuksan nya iyon at kinuha nya ang susi.

"Tadaaaaaaa..." Nakangiting sambit nya habang ipinapakita sa mga kasama ang spare key nila.

"Bilisan mo na. Buksan mo na yung pinto nyo para makapasok na tayo. Nakakahiya yung mga itsura naten--- Para tayong mga pulubi. Ahahaaaa..." Natatawang sambit ni Jhoy.

Butas-butas kasi ang suot nilang mga damit.

Para iyong nginatngat ng napakaraming daga.

At ayun, nung mabuksan ni Angel ang pinto ng bahay ay nagsipasukan na rin sila sa loob.

"Pahiramin mo kami ng damit ha? Tutal magkakasukat naman tayo ng katawan eh." Sabi ni Rona.

"Don't worry ate marami kami non. Nagtitinda kasi si mama ng mga damit eh. Meron ding mga underwear." Sagot nya.

"Luh! Wala kaming pambayad." Sabi agad ni Shannen.

"Ba't ko naman kayo pagbabayarin? Kung tutuusin kahit lahatin ko pa ang paninda ni mama--- Kulang pa iyon sa ginawa nyong pagliligtas sa buhay ko." Sabi nya.

Totoo naman yon.

Kung hindi dahil sa mga ito, baka noong unang araw pa lang nya sa teritoryo ng mga aswang eh baka na-captured na sya.

And worst, baka nakain na rin sya at tsugi na sya ngayon.

..........

Minutes later...

Pagkatapos maligo at makapagpalit ng mga damit ay kumain naman sila.

After non ay lumabas sila ng bahay bitbit ang dalawang baldeng walang laman.

Then pumunta sila sa isang hardware. Namili sila don ng mga pala, buhangin at semento.

Pagkatapos non ay nagtungo na sila sa kasukalan, sa lihim na lagusan.

...........

Sa waiting shed...

"Dito na lang tayo maghalo. Malupa at madamo sa loob eh." Sabi ni Angel.

At ayun, pinagtulung-tulungan nilang ibuhos ang semento sa lapag.

Pagkatapos non ay isinunod na nila ang buhangin.

"San tayo kukuha ng tubig?" Tanong ni Rona.

"Dun sa may gilid, may poso don. Ewan ko lang kung may lumalabas pa don. Pero kung wala, no choice--- Uuwi tayo sa amin para kumuha ng tubig." Sagot ni Angel.

"Check naten." Sabi ni Shannen.

Bitbit ang dalawang balde ay naglakad na ito papunta sa direksyong itinuro ni Angel.

Nakasunod naman sa likod nya si Rona.

Maya-maya...

"Ang tagal nila. Sundan na naten." Sabi ni Jhoy.

At lumakad na nga sila patungong poso.

"May tubig?" Tanong agad ni Angel hindi pa man sila tuluyang nakakalapit dun sa dalawa.

ANG LIHIM NA LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon