Ocho

417 24 1
                                    

Samantala...

Sa loob ng isang tindahan, may pagmamadali sa kilos ni Guido---

Ang lalaking may mahabang pilat sa mukha.

Late na kasi sya sa pagpupulong kaya halos madaliin na nya ang pagliligpit at pagsasara ng kanyang tindahan.

Wala na kasi syang pamilya.

Wala syang katuwang kaya naman lahat ng kilos ay sa kanya.

"Teka--- (Pause) Parang may mga tao sa labas ah." Sambit nya nung makarinig sya ng boses ng mga babaeng tumatawa.

Dala ng kuryusidad ay sumilip sya sa may siwang.

At ayun, kitang-kita nya ang tatlong babaeng nagyayakapan ngayon.

"Ang mga dayo." Bulong nya.

Lalong nanlaki ang mga mata nyang dati ng malaki nung mamukhaan nya si Angel---

Ang babaeng unang kita pa lang ay natakam na kaagad sya.

Ang bango kasi nito para sa kanya.

Hindi bangong may halong pagnanasa---

Kundi yung bangong parang bagong lutong putahe.

Samantala...

"Tayo na habang abala pa sila." Biglang sabi ni Rona.

Sya na ang unang kumalas mula sa pagyayakapan nilang tatlo.

Nanghihinayang kasi sya sa oras.

Para sa kanya---

Hangga't abala pa ang mga kalahi ni Beblita ay kailangang samantalahin nila iyon.

"Huh?! Nakikita nila ang lagusan?!" Takang tanong naman ni Guido.

Kung paano iyon nangyare, isa lang ang naiisip nya---

Meron sa kalahi nila ang nag-traydor sa kanila.

"Tatakas na sila! Hindi ito maaari!" Nanlalaki ang mga mata at may pag-aalalang sambit nya nung makitang nakapasok na sa lihim na lagusan yung tatlong babae.

Dali-dali syang lumabas ng kanyang tindahan.

Hindi na mahalaga kung maiwan man nya iyong nakabukas.

Ang importante ay masabihan nya ang kanyang mga kalahi tungkol sa kanyang natuklasan.

At ayun, mabilis syang tumakbo kung saan nagaganap ngayon ang mahalagang pagpupulong.

..........

Samantala sa loob ng tunnel...

"Dito na tayo matatagalan." Sambit ni Angel.

"Huh?! Baket?" Tanong ni Shannen.

At ayun, ikuwento nya sa dalawa ang karanasan nya sa loob ng tunnel na iyon.

Kung paanong halos himatayin na sya sa sobrang pagod kakalakad, sa kakahanap sa tamang daan.

"Wag tayong mawalan ng pag-asa. Naniniwala akong makakalabas tayo ng buhay dito." Buo ang loob na sabi ni Rona.

Pagkatapos non ay tinapik nya sa balikat yung dalawa.

Sya ang nakatatanda kaya sa kanya dapat humugot ng lakas ng loob ang mga ito.

"Okay. GAME!" Sambit ni Angel matapos nyang huminga ng malalim.

"GAME!" Panggagaya din ni Shannen.

Tumango naman si Rona.

At pagkatapos non ay sabay-sabay na nilang binuksan ang dala-dala nilang mga flashlight.

ANG LIHIM NA LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon