"Ayoko pong maging alay. Huhuhuu... Gusto ko pa pong mabuhay. Gusto ko pa pong makauwi sa amin--- Sa mama ko, sa mga kapatid ko. Huhuhuu..." Sabi ni Angel sabay yakap sa sarili.
Para syang batang nag-iiyak ngayon.
Ilang oras pa lang syang nawawala pero bigla nyang namiss ang kanyang pamilya.
At dahil sa sitwasyong meron sya ngayon---
Nag-aalala sya na baka hindi na nya makita pa ang mga mahal nya sa buhay.
Si Shannen?
Ayun tahimik lang na umiiyak.
Pero sa loob-loob nya, takut na takot na rin sya.
Naawa naman si Bebs sa dalawang dalaga.
Hindi nya gusto na naroon ang mga ito sa teritoryo nila.
"Wag kayong mag-alala--- (Pause) Walang mamamatay sa inyo at walang magiging alay." Desisyon nya.
Nagulat naman ang dalawa sa tinuran ng babae.
"P-papaano po mangyayari yon?" Naguguluhang tanong ni Shannen.
Pero sa loob-loob nya, bigla syang nagkaron ng munting pag-asa na mabubuhay pa sya at makakaalis pa sa lugar na iyon.
"Wait. Aswang rin kayo diba? Pero bakit nyo po sinasabi sa amin ang mga sikreto ng lahi ninyo? (Pause) Dahil ba ang totoo--- Hindi na kami talaga makakalabas dito sa mundo nyo? Ganun po ba? At yung sinasabi nyong walang magiging alay sa amin at wala ring mamamatay--- Hindi rin yun totoo diba? Sinasabi nyo lang yon para kumalma kame. Tama po ba?" Sunud-sunod na tanong ni Angel.
Dahil sa samu't saring alalahanin ay hindi na nya napigilan pa ang sariling magduda sa kaharap.
Wala na eh. Hopeless na kasi talaga sya.
At para sa kanya, kung dun na nga sya mamamatay sa lugar na iyon---
Gusto nyang malaman ang totoo.
YUNG TOTOO!
Pero hindi naman sumagot si Beblita.
Para sa kanya ay nasabi na nya ang gusto nyang sabihin.
Nasa dalawa na yon kung maniniwala ang mga ito sa kanya o hinde.
At ayun, pagkatapos nga nyang magsalita ay tumayo na sya at nagpaalam.
"Maiwan ko na kayo at ako'y magbu-beauty rest muna." Nakangiting sambit nya.
Nung tingnan nya si Angel, kitang-kita at basang-basa nya ang tumatakbo sa isipan nito.
Pero wala syang planong mag-explain pa. Oras na kasi ng pamamahinga nya.
Ayun, walang nagawa ang dalawa kundi ang tingnan na lamang ang may-ari ng bahay na palabas na ngayon ng secret room na iyon.
"Sa tingin ko kailangan na rin nating magpahinga. Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sa atin dito. Di natin hawak ang oras. Anumang sandali ay kakailanganin natin ang lakas ng ating katawan at isip para sa pagtakas. Tayo na sa kwarto." Yaya ni Shannen.
Tumalima naman si Angel.
Paglabas nila ng secret room ay syang dating ni Rona.
"Kumain muna tayo." Sabi nito sa kanila.
Pagkatapos non ay tumungo na ito sa kusina.
Atubili namang sumunod si Angel.
Oo nagugutom na sya.
Pero hindi nya kasi alam kung kakayanin ba ng sikmura nya ang kumain ng mga pagkain doon.
Ayun, hindi sya kumilos sa kinatatayuan nya. Nakatingin lang sya sa dalawa.
BINABASA MO ANG
ANG LIHIM NA LAGUSAN
HorrorPagkatapos madiskubre ni Angel ang isang lihim na lagusan ay dinalaw na sya ng mga nakakatakot na panaginip, na malapit nang mauwi sa bangungot. ... Isang araw ay nagising na lang sya sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. ... Anong kapalaran an...