"O! Asan na sila?!" Kunot-noong tanong ni Jhoy nung mapansing wala na sa likuran nila sila Shannen at Rona.
"Huh?!" Sambit naman ni Angel.
Maging ito ay nagtaka at kinabahan din sa pagkawala nung dalawa.
"May masamang mangyayari Gel. Nararamdaman ko." May pag-aalalang sambit nya habang nakasapo ang kamay sa kanyang diddib.
"Asan na ba kasi yung mga yon?" Halos maiyak na tanong nito habang palingon-lingon sa likuran.
"Halika na..." Sabi nya sabay hila sa kamay ng kaibigan.
Hindi nya na kasi nagugustuhan ang pakiramdam nya.
Sobrang sikip na ng dibdib nya at nihihirapan na syang huminga.
At ayun, halos madapa na ito sa paraan ng pagkaladkad nya.
"Wait... Wait lang Bessy..." Awat nito sa kanya.
Pagkatapos non ay pinigilan sya nito sa paglalakad.
Nagtaka tuloy sya...
Napahinto...
"Hindi ko sila maaring iwanan dito Bessy. Utang ko sa kanila ang buhay ko. Balikan natin sila pleeeease... Please balikan na natin sila..." Pagmamakaawa nito sa kanya.
"Pero Bes---" Pagtutol nya.
Hindi na nya nadugtungan pa ang sasabihin dahil sumingit agad ito sa kanyang pagsasalita.
Yun nga, nagdesisyon si Angel---
"Mauna ka na lang Bessy. Susunod ako pangako." Sabi nya sa kaibigan.
Hindi na nya hinintay pa ang sagot nito.
Pagkatapos nyang bitawan ang kamay nito ay tumalikod na sya at nagtatakbo.
"Angel wait laaaaaang!" Narinig nyang sigaw nito.
Pero hindi sya huminto...
Hindi sya nagpapigil pa...
Desidido na kasi talaga syang balikan sila Shannen at Rona.
One for all. All for one kasi sila.
Hindi sya makapapayag na sya lang ang makakalabas...
Kailangan kasama din nya ang dalawa...
At ayun, pagliko nya sa kanto ay natanaw na nya sila Shannen at Rona.
Nakahinga sya ng maluwag nung malamang ligtas ang mga ito.
"Ate Ronaaaa... Shanneeeen..." Pagtawag-pansin nya.
Napalingon naman ang dalawa sa kanya.
"Ano pa bang ginagawa nyo dyan? Tara naaaaa!" Sigaw ulit nya habang tumatakbo sya papalapit sa mga ito.
"Hinihintay namin si mamang." Ganting-sigaw naman ni Shannen.
"Si mamang?! Baket si mamang ba talaga yon? Sigurado ba kayo? (Pause) Ikaw ate, sigurado ka ba? Kinausap ka ba nya? Sinabi ba nyang sya nga iyon? (Pause) Eh pa'no kung ibang aswang yon? Tiyak mapapahamak tayo. Kaya tara na please? Tara na!" Sunud-sunod na pagsasalita nya nung tuluyan na syang makalapit sa mga ito.
May pagmamadali rin sa kilos nya sapagkat natatakot sya sa pangitain ng kaibigang si Jhoy.
At ayun, hinawakan na nya ang kamay ng mga ito upang mahila paalis sa lugar na iyon.
Bigla namang nagkatinginan sila Shannen at Rona sa mga sinabing iyon ni Angel.
Paano nga kung iba?
BINABASA MO ANG
ANG LIHIM NA LAGUSAN
HorrorPagkatapos madiskubre ni Angel ang isang lihim na lagusan ay dinalaw na sya ng mga nakakatakot na panaginip, na malapit nang mauwi sa bangungot. ... Isang araw ay nagising na lang sya sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. ... Anong kapalaran an...