CHAPTER TWELVE

16 1 0
                                    

Sam's POV

Bakit ang unfair ng life. First time kong magmamahal pero bakit sa maling pagkakataon at sitwasyon pa?

Bakit kung kailan ako nakakilala ng mga bagong kaibigan dito sa Pilipinas tska naman kami maghihiwalay at Hindi na maaaring magkita muli.

Bakit ba kasi pati dito sa bansa natin nauso ang zombies. Hindi ba pwedeng sa ibang bansa nalang?

Mahirap para sakin ang magduda na isa sa mga itinuring kong kaibigan ang syang papatay sa amin.

Lumabas muna ako ng O.R para makapag isip isip at makapaglibot na din.

Nakaka panghinayang na yung mundo natin medyo payapa noon ay naging mala impyerno ngayon.

Hmm. Kamusta na kaya si Mama? Nasa ligtas na lugar na kaya siya?

Sa sobrang lalim ng aking iniisip ay hindi ko namalayan na andito nanaman pala ako sa pinto na pinuntahan ko kahapon.

Pinihit ko ang doorknob at pumasok sa nasabing silid. Napakadilim talaga dito buti nalang at nasa bulsa ko lagi yung maliit na flashlight na nakita ko sa super market noon.

Time check 12:20 am. Siguro naman mga nagpapahinga na yung mga tao dito? Una kong tinapatan ang pintong kulay puti upang malaman kung ano ang nasa loob nito.

Itinapat ko yung black card na nakita ko sa sahig kahapon at biglang bumukas yung pintuan. Sumilip ako ng bahagya at liwanag at usok ang unang bumungad sa akin. Pinatay ko muna ang flashlight na hawak ko at inilagay sa bulsa ng pantalon ko ang card at flashlight.

Pumasok na ako sa loob at naramdaman ang lamig dito sa loob ng kwartong puti.

May mga malalaking capsule na naglalaman ng mga tao tapos para silang nalulunod sa kulay berdeng likido at mayroon ding mga kung ano anong wires.

Naglakad lakad pa ako hanggang sa mapahinto ako sa isang capsule na kakaiba.

Kakaiba dahil imbes na green ang likido na pumupunto dito at kulay asul. At sa likod ng capsule na iyon ay ang aking ama.

Bigla akong nanlambot sa making nakita. Ibig sabihin totoo yung sinabi ni Pierre noon na nakita nga nya si Papa dito.

Lalapitan kuna sana sya ng marinig ko ang pagbukas ng pinto kaya agad akong nagtago. Agad along napatingin sa wrist watch ko para malaman kung anong oras na.

2:30 am na pala kailangan ko ng bumalik doon baka hanapin ako Nina Jane lalo na si Pierre. As soon as lumagpas sa akin yung taong pumasok ay dahan dahan akong naglakad papuntang pinto para lumabas.

Binukaan ko ang pinto ng sahan dahan at sinilip kung may iba pang tao nung matiyak kong wala ay lumabas na ako. Sa susunod na araw nalang ulit ako pupunta dito.

Paakyat na sana ako ng may marinig akong tunog ng paa na pababa dito. Agad agad akong nagtago sa gilid ng hagdan buti nalang naka all black ako kaya di ako masyadong kita.

Nang makababa yung taong yun ay aaninagin ko na sana yung mukha nya kaya lang biglang may tumawag sakanya mula sa puting pinto.

"Boss kelangan po kayo sa loob."

"Sige susunod ako."

Nagulat ako ng malamang ito na pala ang boss nila. At ang mas nakakagulat ay parang pamilyar sakin ang boses na yun.

Sana Mali ang hinala ko. Sana.

Zombies At The Mall #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon