Miss K's (Author) POVSa underground ng mall sa may black door nagpatawag ng meeting ang kanang kamay ng pinaka traydor sa mga kaibigan ni Sam na si Jaydee.
Yes readers! Clone lang ang ginamit noon ni Jaydee para mapalabas na patay na talaga ito at para mapag bintangan ni Sam ang ibang kaibigan.
"Nais ipasabi ni boss na kailangan na nating tapusin ang lahat ngayon dahil masyadong mahaba na ang panahon na ating ginugugol sa naturang proyekto. " Humarap si Yna sa isang lalaki na makalab gown.
"Pakawalan lahat ng zombies at habang nangyayari ang labanan nais ni boss na tapusin niyo ang pagpapalakas sa alas na meron siya." Pagkatapos ay humarap naman ito Kay Dr. James at sinabing,
"Kailangang matapos ang gamot na pinapagawa sayo ni boss ngayon. Masyado na siyang naiinip." At huli ay humarap ito sa mga tauhan nila.
"Gusto kong dalhin niyo sa akin si Pierre. Maliwanag ba?" May gusto si Yna kay Pierre noon pa. Lagi niya itong sinusundan nagiging stalker na siya ng binata. Mula college may lihim na itong pagtingin sa binata at mas lalo pang lumalim ang nararamdaman nito ng maging magkaibigan sila. Pero kahit anong gawin ni Yna ay hindi siya magawang tignan ng binata sa paraang nais niya.
Kaya hindi siya nagdalawang isip na pumayag sa gusto ng step brother niyang si Jaydee dahil ang kapalit ng pagsang ayon nito sa kapatid ay pinangako ni Jaydee na mapupunta Kay Yna si Pierre.
Pero hindi na siya makapaghintay at gusto na niyang makuha ang binata lalo na't nalaman nito na may relasyon na sila ng babaeng kasama nito.
Kung kinakailangan niyang siya ang pumatay sa dalaga ay gagawin niya mapa sakanya lang ang lalaking kinababaliwan niya.
"Masusunod po." Sagot ng tauhan nito.
Itinaas niya ang kanyang kanang kamay pahiwatig na kailangan ng umpisahan ang iniutos sa kanila.
Sa isang banda habang nagkanya kanyang libot ang magbabarkadang SVT ay hindi inaasahang makikita nila Jeonghan, Woozi at DK na nasa may second floor ang nangyayari sa ground floor kung saan nagkalat ang mga zombies.
Agad na kinuha ni Woozi ang kanyang cellphone at tinawagan ang iba upang ipaalam ang nangyayari.
Ilang saglit pa ay nainform ba din ni Wonwoo sina Sam na maghanda.
Nagkita kita ang magkakaibigan sa second floor. Mag memeeting sana ang mga ito ng may mga nagsikalat na zombies sa kanilang lugar.
Agad na nagkanya kanya ang magkakaibigan upang tapusin ang mga kalaban.
Sa lugar kung nasaan magkasamang nakikipaglaban sina Sam at Pierre ay may mga sumugod na ilang kalalakihan na base sa kilos hindi zombies ang pumalibot sakanila.
Nakaitim ang mga ito ay may hawak na samurai.
Pinalibutan ng mga ito ang magkasintahan."Babe please wag kang hihiwalay sa akin, okay?" Pagbabala ni Pierre Kay Sam na tinanguan lang ng dalaga.
Hindi na nagpatumpik tumpik pa ang mga naka itim at agad na sinugod ang dalawa.
Agad na inilabas ni Sam ang kanyang katana mula sa likod at sumugod na din sa mga kalaban habang si Pierre ay nakipagmano mano. Nag aalalang sinulyapan ng dalaga ang binata ng makitang wala itong dalang sandata. Kaya agad niyang tinawagan si Vernon para maibigay ang isa pa nitong hawak na samurai kay Pierre.
Agad namang lumapit si Vernon at ibigay ang isa sa dalawang samurai na hawak nito atsaka tinapik sa balikat at binalikan ang mga kaibigan na nakikipag laban sa mga zombies.
Habang nakikipag laban si Sam sa mga kalalakihang naka itim ay hindi niya napansing nakalayo na pala siya kay Pierre.
Nang matapos nito ang laban at balak sanang puntahan ni Sam ang lugar kung saan naroon ang sinisinta at may mga sumusugod na zombies sa kanya.
******
Lumipas ang kalahating oras ay mapapansin na ang kapaguran sa mga magkakaibigan ng dahil sa hindi maubos ubos na zombies.
Naisip ni S.Coups kausapin si Jun na malapit sakanya.
"Hindi natin ito matatapos ng ganito lang. Kelangan natin ng pampasabog."Sabi ni S.Coups habang nakikipaglaban pa din.
"Ah! Naalala ko na sina Seungkwan at Dino ay nagtanim ng mga bomba dito sa iba't ibang sulok ng mall in case of emergency daw." Sabi naman ni Jun.
"Ayos! Tapusin natin ito at pumunta tayong dalawa sa may parking lot maghanap tayo ng sasakyan na magagamit natin sa pag takas dito pag pinasabog na natin itong mall." Si S.Coups at tumango naman ang kausap nito.
*****
Sa isang silid sa black door sa may underground prenteng nakaupo si Jaydee at pinapanood ang nangyayaring kaguluhan sa labas ng may nakakainis na ngisi sa labi.