Kaira's POVHindi ko ito ginusto pero wala akong choice. Hawak nila yung pamilya ko. Mga traydor sila wala sa usapan na idadamay nila dito ang pamilya ko.
At isa sa mga pagkakamaling pinaka pinagsisisihan ko ngayon at kung bakit minahal ko siya kaya naging sunud sunuran ako sakanya.
Yung mission ko ngayon ang nagpapahirap sa akin. Bakit kailangan ko silang isunod Kay Jaydee. Nakakainis! At oo ako yung may pakana nung pagkamatay ni Jaydee.
Ako yung nagsuggest kay Jaydee ng pintong iyon ng palihim at nung makita kong hahawakan na nya yung doorknob ay agad kong pinidot yung secret remote na nakatago sa bulsa ko para mag unlock yung pinto at pag binuksan nya ay magbubukas ito.
Maliit na remote lang yun na inabot nya ng palihim sa akin. Kagabi lang namin sinet up yung nasa loob ng kwartong iyon. Palihim lang kaming magkasunod na lumabas nun para walang makahalata.
Nung time na binuksan na nya yung pinto at lumabas yung inilagay na zombie ay nakita ko yung palihim na pag ngiti nya habang yakap si Jane na umiiyak matapos pugutan ng ulo ni Sam si Jaydee.
I really adore Samantha for being brave in everything that she do and even in fighting that's why I can't really understand him why he's so obsess in killing her.
Ang nailantad lang sa akin nung nagpaplano ay kung paano mahuhuli ang ama ni Sam at yung paglolock down dito sa mall na mismong pag aari nya. Pero hindi kuna alam ang mga sumunod nilang plano bukod doon dahil binibigyan na nya ako ng mga ibang mission tulad ng pagpatay sa mga itinuturing ko nang kaibigan ngayon.
Bumalik ako sa OR ng tinext nya ako na andun si Jane para isatupad yung mission ko na patayin ito.
Pagkapasok ay nagulat pa ito ng makita ako.
"O kai bat andito kapa? Diba kasama kang umalis nina Alex?"
"A-ahh... May kukunin lang ako pwede bang sabay na tayong lumabas? Hintayin muna ako ha. Wait lang."
"Ah baka kasi hinihintay na ako....."
Hindi kuna sya pinatapos pa at agad akong pumunta sa isang kwarto para kunin kuno yung kukunin ko pero ang totoo ay kumukuha lang ako ng tyempo para isagawa ang mission.
Kaya lang naisip ko na hindi ko pwedeng patayin si Jane dito kaya naman napag pasyahan ko nalang na sa labas sya patayin.
Tinext ko muna si Yna isa sa mga tao namin sa laboratory na sabihan yung mga alalay na maglabas ng madaming zombies sa may tabi ng elevator sa Second Floor.
Ayoko na gamitin ang sarili Kong mga kamay para pumatay ng isang itinuring kuna na kaibigan kaya zombies nalang ang bahala sa kanya.
Ang plano ko ay kapag nag umpisa na ang laban at iiwan ko muna sya sa isang tabi at haayaang makipaglaban dun sa mga zombies ng sya lang. At pay katapos ay dun ko tatawagan sina Pierre para mapuntahan kami. And the show will start as soon as we reach 2nd floor.
Jane's POV
Nang makababa at makalabas kami sa 2nd floor ni Kaira sakay ng elevator ay agad bumungad sa akin ang napakaraming zombies isasara kuna sana ulit ang pinto kaya lang ay bigla akong tinulak ni Kaira.
Agad akong inatake ng mga ito pero nalalabanan ko naman kahit papaano gamit ang baril kaya lang masyado silang madami.
Agad hinanap ng mata ko si Kaira pero hindi ko sya makita. At sa paghahanap Kong iyon at bigla akong kinagat ng isang zombie ng hindi ko namamalayan kasi nga hinahanap ko so Kaira.
At nang makagat ako ay syang paglitaw ng taong kanina ko pa hinahanap na pinapatay yung mga zombie.
Ng ilang sandali pa at nakita ko ang pagdating nina Sam pero hindi ko na makontrol pa yung sarili ko dahil nilalamon na ako ng pagiging zombie.
Pero bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman ay nakita ko ang pagsilay ng ngiti sakanyang labi.
Bakit? Ang tanong na gusto ko sanang bigkasin ngunit hindi kuna nagawa pa.
Traydor's POV
Bumalantay ang ngiti sa aking labi bago pinalitan ang expresyon ng aking mukha na ngayon ay nalulungkot.
Malapit na ....
*\****
Vote and Comment po. Salamat :)