KATANUNGAN

102 33 28
                                    

Bakit mag-isa siya? Bakit wala siyang kasama? Ano ba ang nararamdaman nya? Saan sya nakatingin? Baliw ba sya? 

Ilan lang yan sa mga katanungan na naririnig ko tuwing dumadaan sila. Mga matang mapanghusga na wala ng ginawa kundi kwestyunin ang buhay ko. Gugstong gusto ko ng sumagot at bungangaan sila, ang kaso di ko rin alam ang sagot sa mga tanong nila. Higit sa lahat, marami pang katanungan ang bumabagabag sakin na hindi pa rin nasasagot.






Tiffany Aquino nga pala, isang rebelde, masama ang tabas ng dila, malandi at party hard na babae. Marami akong Kaibigan daw at mga naging ka-IBIGAN. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako ganito, siguro nasa lahi narin namin yon. Madalang akong pumasok sa eskwela, dahil parati akong may gana para magsaya sa mas marami pang bagay, at ayokong magpakabulok sa paaralan. 

Isang araw wala akong mapuntahan kaya nanatili ako school. Nakakaumay pero wala akong magagawa, kesa sa bahay, mas toxic. Habang nakikipagchikahan sa mga kaklase ko bigla nalang akong nakaramdam ng hilo at pagsuka. Dali dali akong tumakbo sa labas at nagsuka. Sh*t! 

"Hala ka Tiff! Baka buntang ka! hhahahahah Ayan kasi ang landi mo!" si Bobby, bakla kong kaibigan. "Ano ka ba Bob! Bat may baka pa dun sa sinabi mo, haha magtataka ka pa eh halos magkandapokpok na yang si Tiff araw araw hahah malamang buntis nga yan!" sabi ni Anna. Sh*t kabadong kabado na ako... Dali dali akong tumakbo papasok sa room at kinuha ang mga gamit ko at dumiretso na ako sa isang drug store. 

Nang nabili ko na ang kailangan ko dumiretso na ako sa bahay at nagkulong sa kwarto. Nilock ko ang kwarto ko gayun na din ang banyo ko pagkapasok ko don. Kabadong Kabado na ako, di ko na alam ang gagawin ko! Hindi ko alam kung saya, takot, lungkot o galit ang naramdaman ko ng lumabas ang dalawang guhit sa pregnancy test na ginamit ako. Sumubok pa ako ng lima pang ibang brand at Sh*t! Confirmed!!!! 

Unti unting tumulo ang luha sa aking mga  mata, agad akong naglakad palabas ng banyo at nagtalakbong sa kama ko. Masaya akong buntis ako dahil magkakaroon na ako ng isang taong tunay na magmamahal sa akin, ngunit natatakot rin ako sa mga posibleng mangyari, lalo na pag nalaman na ng mga magulang ko ang tungkol dito. Hindi man sila yung magulang na "magulang", pero may karapatan parin silang malaman ang totoo. 

"Ma, Pa, pwede ko po ba kayong makausap" 

"Oh Tiffany, Kakausapin rin talaga kita dahil tumakas ka nanaman daw sa school nyo! San ka nanaman nanggaling hah! wala ka talagang kwenta!" Oo na papa, alam ko naman na yan."Oo nga tiffany! ano bang problema mo! Sinasagot namin lahat ng pangangailangan mo pero napaka walang kwenta mo pa rin!" Gatong ni mama

"Buntis ak--" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko pero sumabat na si papa. "Pupunta na tayo sa probinsya, ngayon na" hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta sa probinsya gayung wala naman kaming kamaganak o kakilala man lang dun, sa halip ay naghanda na lamang ako at inisip na baka tanggap na nila na may anak na ako at magkakaapo na sila. 

Limang oras akong tulog sa byahe ng ginising ako ni Mama. Tumigil ang sasakyan namin sa tapat ng isang lumang bahay na may isang matandang babae na nagwawalis sa harapan nito. Pinababa nila ako ng sasakyan at pumasok na kami sa loob ng bahay ng matanda at aaminin ko medjo creepy talaga dito. Hindi ko alam kung anong sadya namin dito pero hinayaan ko nalang. Inabutan ako ng tubig ng matanda kaya ininom ko yon, pero lumipas lang ang ilang minuto ay nahihilo na ako at nakatulog. 

Nagising ako at nasa kwarto ko na ako, at naramdaman ko nalang ang napakaraming sakit. Sakit sa katawan at sa puso. Sunod na sunod na pumapatak ang luha sa aking mga mata at kahit pilitin kong tumayo ay hindi rin ako makatayo dahil sa kirot na nararamdaman ko doon sa baba. Sinubukan kong sumigaw, pero wala na akong lakas hanggang sa nakatulog na akong muli. 

Lumipas ang ilang buwan at eto ako ngayon, mas pinipiling mapagisa sa lahat ng bagay. "Bakit mag-isa siya? Bakit wala siyang kasama? Ano ba ang nararamdaman nya? Saan sya nakatingin? Baliw ba sya?"  tanong nanaman nila. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas, tumayo ako at tiningnan sila isa isa "Bakit nila kinuha ang anak ko! Bakit nila pinatay ang anak ko!?" Nangingilid na ang aking mga luha, sana ayos na sila dahil nasagot ko na ang napakarami nilang KATANUNGAN. 

One Shot Collection (By LovemeLovelies)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon