Childhood. Big deal sa mga tao ang childhood, dapat masaya yon, maraming experiences at pangyayari na nakakatawa nalang pagtanda mo. Pero ako tumanda na at lahat, wala akong matawanan na issue ko about my childhood days, isa lang naaalala ko sa childhood ko, yun yung nag pabago sa lahat lahat sa buhay at yun yung nagtungo sa akin sa napakalaking desisyon, ang acceptance.
"Keifer! Bangon na kakain na!" sigaw ng mama ko. Bumangon ako sa higaan, nag ayos lang sandali at pumunta na sa kusina para kumain. Walong taong gulang pa lang ako ngayon pero gusto ko ng tumayo sa sarili kong paa...Ah ibig kong sabihin ay maging independent.
Pagkarating ko sa hapag ay sinimulan na naming kumain. Binibilisan kong kumain para masabi ko na yung pakay ko. Uminom ako ng juice at tiningnan si mama, "Ma, pwede ba akong maglaro sa labas?"... ilang segundo katahimikan bago nagsalita si mama, "Anak, pang ilang beses mo na iyang itinanong at alam mo na ang sagot ko parin ay hindi" Hays, di na naman nila ako pinayagan, eh ang hirap hirap nga dito sa bahay, solo ko lang lahat ng laruan ko, wala man lang akong makausap, kaso wala rin naman akong magagawa sa desisyon ni mama hays.
Kinabukasan ganun pa rin ang takbo ng buhay ko, babangon kakain, mangungumbinsi at hindi nila papayagan kaya tutunganga nalang sa bintana. Ngunit habang nakatulala ako sa bintana may biglang ideya akong naisip, kung parati nila akong hindi pinapayagan, ako ang gagawa ng paraan para makasama man lang yung mga bata dun sa labas. Pinagplanuhan ko ang lahat ng gagawin ko at natulog rin agad.
Pagkagising ko agad kong tiningnan ang plano at pinagaralan lahat ng gagawin ko, para makapaglaro na ako sa labas. Mula sa pagligo hanggang sa pagbaba ko galing sa binta sa baba. Habang nagplaplano ako narinig ko ang mga yabag ng paa paakyat dito sa kwarto, malamang si mama yon, kaya agad akong nahiga sa kama ko at nagtalakbong para magpanggap na natutulog. Habang nagtutulog-tulugan ako naalala kong di ko pala naitabi yung secret plan ko. Agad akong bumangon at tiningnan kung saan nakapwesto yung secret plan ko, kaso huli na ang lahat kasi nakita na ni mama. Masama na yung tingin nya sakin at baka mamaya ay mapalo pa ako, pero sana naman ay huwag.
Nakita ko sa mga kilos at mata ni mama na pinapakalma nya yung sarili nya. "Mama--" ... magsisimula pa lang akong magpaliwanag di na nya ako pinatapos kasi nagsalita agad sya. "Keifer anak, alam mo na ang sitwasyon at hindi ko na uulitin pa, sana maintindihan mo anak, kahit bata ka pa, sana maintindihan mo". Alam ko yung sitwasyon, mula noon pa ay alam ko na naman talaga, hindi naman nawawala sa isip ko yon. " Mama, later nalang po ako kakain, please dito nalang po muna ako sa kwarto ko" Lumakad na si mama pababa ulit at hindi na ako inimikan pa. Ang daming tumatakbo sa isip ko pero nangingibabaw don yung katotohanan.
Bumababa na ako pagkatapos kong maligo at ayusin ang sarili ko. Kumain ako at nag toothbrush, at naupo na ulit sa bintana at panoorin yung mga batang naglalaro. Habang naglalaro sila nakita ko yung isang bata na nasira yung tsinelas, tinawag ko sya palapit sa akin at kinuha yung sapatos na bigay sa akin ng ate ko. "Oh eto sayo na yang sapatos ko, di ko naman yan ginagamit, masyadong malaki sa akin, sa puntong wala naman akong ilalagay jan."
BINABASA MO ANG
One Shot Collection (By LovemeLovelies)
Fiction généraleHINDI ITO PURO KILIG NA ONE SHOT HEHE SOME ARE ABOUT SERIOUS MATTERS SA BUHAY, BASTA ENJOY NYO NALANG DAMING ARTE! AHAHHAHA MAG NEXT PART NA KAYO BAVUSH!