HIERARCHY

58 26 7
                                    

Mag-isa. Sa aking murang edad ay namuhay na akong mag-isa. Walang taong gulang ako ng nawala ang mga magulang ko at mga kapatid. Pakiramdam ko wala ng saysay ang buhay ko pero hindi ako nagpatalo at mula sa ilalim patungo sa pinakamataas na bahagi ng hierarchy. 


20 years ago.

Tunay ba ang Diyos? Meron ba talagang langit? Saan ang langit, pwede ba ako don? 

Nakaupo ako dito sa isang semento sa parke hawak hawak ang isang lata sa isang kamay, at bungkos naman ng sampagita sa kabila. Kabag naubos na ang tinitinda kong sampagita, manlilimos naman ako hanggang sumapit ang gabi. 

Natapos ang buong araw at meron na akong pangkain at konting itatabing barya. "Ayos ka na ba jan Anna?" sabi ni tatang Rodel, siya yung nagbibigay sakin ng tutulugan dito sa tabi ng isang bangko sa kabayanan. "Ah opo tatang Rodel, salamat po." 

Kinabukasan gayun parin ang naging takbo ng araw ko. Magtitinda sa maghapon at manglilimos pagkatapos. Sa kalagitnaan ng pagtitinda ko ng mga sampagita ay may narinig akong napaka pamilyar na boses. Hinding hindi ako nagkakamali! Ang boses na iyon! Ang boses na sumira sa buhay ng buong pamilya ko! Agad agad akong tumakbo mula roon at unti unting bumabagsak ang aking mga luha sa aking mata kasabay ng pagbalik ng mga memoryang araw araw bumabagabag sa akin sa mga nakalipas na taon. 

"Nay!  Tay! may tao po!" sigaw ng kapatid kong si Juan habang naririto kami sa palayan namin. Agad na tumakbo palapit sa amin ang mga magulang namin at itinago kami sa likod nila. Hinarap kami ni Nanay at Tatay. " Anna, Juan... Tumakbo kayo hah. Wag kayong titigil sa pagtakbo, hahabulin namin kayo ng Nanay mo hah. Wag kayong magpapahuli sa amin hah." malumanay na sabi ni Tatay. "Juan! Juan! tara naaa!! takbo na tayo!" Galak at tuwang tuwang sabi ko.  

Agad kaming tumakbo sa gubatan ni Juan. Nakakalayo na kami ni Juan ng narinig ko ang magkakasunod na putok ng baril sa gawi ng kubo namin. Agad akong natigil sa pagtakbo at paglingon ko sa aming likuran ay may mga lalaking malalaki ang katawan na humahabol sa amin. Naabutan nila kami ni Juan. Agad hinarangan ni Juan yung mga lalaki at pilit akong tinatago sa likuran nya. 

" Wag na kayong magpilit tumakbo! Maaabutan at maaabutan namin kayo." Sabi nung isang lalaki. Binunot nya ang kaniyang baril at agad na tinutok sa harap ni Juan. Tatakbo na sana ako palikod, ngunit pagharap ko sa likuran ay  bangin na pala ang matatahak ko na may mga matitinik sa halaman at sanga ng mga puno. Tiningnan ko si Juan na patuloy ang pag atras, habang nakatutok sa amin ang baril ng mama. 

Narinig ko na bumubulong si Juan, nagbibilang siya. "Isa...Dalawa...tatlo!"  At tinulak ako ni Juan sa bangin at pagkatapos non narinig ko ang isang malakas na putok at nawalan na ako ng malay. 

Takbo lang ako ng takbo at patuloy na pumapatak ang luha sa aking mga mata. Hindi ko na alam ang kung nasaang bahagi na ako ng lugar na ito. Napakasama ng mga nakakataas. Kahit pa nakakaangat sila sa buhay ay wala silang karpatang sumira ng mga pamilya at pumatay ng mga tao. Hinding hindi ko sila mapapatawad. 

Lumipas ang ilang taon at lubos akong nagsikap. Nagpatulong ako kay Tatang Rodel sa maraming bagay hanggang sa may isang dalaga ang nagsalita sa harapan ko. "Hello Iha, kumusta ka? Pwede ba kitang makausap?" Hindi ko makilala ang boses nya. "Ah sino po kayo? " usad ko. "Ah matagal ka na naming nakikita dito sa simbahan at parati kaming bumubili ng sampagita mo. Naaawa na kami sayo ng asawa ko kaya napagdesisyunan namin na idaan sa proseso at kupkupin ka" Hindi ako nakasagot. Natulala lang ako hanggang sa lumuha nanaman ako. 


Ngayon, ipinamana na sa akin ng mga kumupkop sa akin ang lahat ng kanilang kayamanan. Ako lang ang naging anak nila, dahil hindi sila binibiyayaan ng mga anak. Ngayong nasa taas ng ako ng hierarchy, tuloy tuloy akong tumutulong sa mga taong nangangailangan. Madalas kaming magbigay sa mga ampunan, street children, mga charity at tumulong sa mga mahihirap. Pero kahit marami ng nagbago sa buhay ko, nananatili pa rin sa akin ang mga tanong ko noong nasa simbahan pa ako ng maynila. 

"Tunay ba ang Diyos? Meron ba talagang langit? Maibabalik ba sa langit ang mga paningin ko?" 

One Shot Collection (By LovemeLovelies)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon