Naglalakad lakad ako dito sa mall ngayon, kasama ang bagong babae ko. Hays, nakakaumay na rin sya, siguro bukas papaltan ko na to. Wala na siyang ibang ginawa kundi dumadada dito sa tabi ko, puro kaartehan lang naman mga pinagsasasabi nya. Dinala nya ako sa bilihan ng mga make up at talagang dun na ako napuno.
"Sinabi ko naman sayo diba na ayaw ko dito! Ang sabi mo sa akin kakain lang tayo kaya ako pumayag! " Ang dami ng tumitingin sa amin pero wala akong pakielam. Nagbibigay lakas sakin to pag naipapahiya ko ang babae.
"A-aah Sorry, a-ah d-di ko naman napans-sin na nandito na pala tayo" Yan, gusto ko yang ganyang nauutal sa hiya.
" Ah di mo napansin? Pasensya na pero di ko rin napansin na chinicks pala kita. Sa pangit mong yan! Bahala ka na jan!" Sagot ko at naglakad na palayo doon. Hays, siguradong maya maya lang eh lalapit na ulit sa akin ang ibang babae dahil wala na akong kasama.
Patuloy akong naglakad sa mall ng napansin ko si Angelica. Siya yung matagal ko ng gustong mapasaakin kaso sobrang arte nya. Maarte sya pero hindi sya yung konting kalabit lang eh bibigay na. Dahil sa kaartehan nya maraming hirap na kunin sya, at ako, kahit na gusto ko yung itsura nya eh hindi ako magsasayang ng oras ko para lang makuha sya. Ano sya sinuswerte.
May dala dala syang basket na punong puno ng make up, mga lapis, ballpen, notebook, at kung ano ano pang mukang pang kaartehan lang. Napakaarte talaga nya, bahala na sya sa buhay nya, marami pa namang iba jan na magkakandarapa para sa akin.
Umalis na ako doon at maya maya lang ay nakahanap na ako ng bagong pasasayahin... alam nyo na kung panong pagpapasaya yon.
Kinabukasan ay pumunta na ako sa school, hindi para mag aral o ano, pero para ipahiya itong bagong babae ko. Actually wala namang problema sa kanya pero hindi sya yung babaeng dapat seryosohin, dahil wala pa nga akong ginagawa kahapon ay bumigay na agad sya.
Dinala ko sya sa canteen, ang nasa isip nya ay isasama ko sya sa pagkain ng lunch, pero nagkakamali sya. Sa canteen ko napiling ipahiya sya para mas maraming makakita.
Ng nakapasok kami sa canteen ay nakuha ko kaagad ang gusto ko, ang atensyon ng mga tao. Ilang hakbang pa ng nasa gitna na kami ng canteen ay nagsimula na ako. Hinawakan ko ang kamay nya sa braso ko at ibinaba iyo. Nagulat sya sa ginawa ko pero wala akong pakielam.
"Magandang umaga schoolmates! Gusto ko lang malaman nyo na ang babaeng ito ay isang Slut at ayoko sa kanya. Yun lang." Pagkatapos kong sabihin yon ay nagbulung bulungan ang mga tao. HInarap ko sya. "Tapos na tayo." at naglakad na ako palabas ng canteen na iyon at palabas ng school.
Tinatamad na ako sa mga babae, at sa paulit ulit lang na nangyayari. Tinatamad rin ako na magbar ngayon sa di mawaring kadahilanan, kaya pumunta nalang ako sa mall at puntahan yung shop ng kaibigan ko.
Habang nakatambay dito sa shop ay nakita kong dumaan si Angelica, at di malamang pangyayari ay sinundan ko sya papasok sa mga pinupuntahan nya. May dala na syang basket ngayon at pumunta sa make up section at kumuha ng pagkarami raming make up. Sunod naman syang kumuha ng mga ballpen, notebook, at iba pang school supplies. Pagkatapos non ay bumili rin sya ng maraming damit, pangbabae at panglalaki. Hindi ko alam kung ano pang masasabi ko kundi ang "napakaarte nya" talaga. Araw nya bang tinatapon ang mga gamit nya at kailangan nya lagi ng bago?
Lumipas pa ang ilang araw at parati kong nakikita si Angelica na ganun ang ginagawa. Nakakalito pero parang nakakasanayan ko na. Ilang araw na rin akong walang babae at panay lang ang tambay dito sa shop ng tropa ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bat bigla akong nawalan ng gana sa mga babae.
Ngayon nakatunganga lang ako dito sa harap ng shop at hindi pinapansin ang mga babaeng lumalapit sa akin. Ng nakita ko ng dumaan si Angelica ay sinundan ko ulit sya, at nakitang ganun nanaman ang mga pinagbibili nya. At dahil sagad na ang kyuryosidad ko ay susundan ko na sya mamaya hanggang sa paguwi nya.
Pagkatapos nyang mamili ay may mga tagabitbit na sya ng mga ito. Sinundan ko sila hanggang sa parking. Habang hinahakot ng mga tauhan yung mga pinamili nya ay tumakbo na agad ako sa sasakyan ko at binantayan ang pag alis nila.
Umandar na ang sasakyan nila at sinundan ko iyon. Pamilyar pa ako sa dinadaanan nila, pero di kalaunan ay hindi ko na alam kung nasaan na kami. Huminto ang sasakyan nila kaya huminto na rin ako sa kabilang kanto para hindi nila mapansin. Tiningnan ko ang paligid ng hinintuan nila at napansing nasa squatter area pala kami. Pumasok sila sa iasang eskinita bitbit lahat ng pinamili ni Angelica.
Sinundan ko sila hanggang tumigil sila sa kumpol ng mga tao na mukhang inaabangan talaga ang pagdating ni Angelica. Agad syang ngumiti sa mga ito, at binigay na ang mga pinamili nya isa isa sa mga tao sa lugar na iyon.
Natulala ako sa nakita ko at hindi makapaniwala sa katauhan ni Angelica. Sa kabila ng maskara nya bilang isang maarte, naroon parin ang kabutihan sa kanyang puso at pagtulong sa kapwa. Doon ko rin napagtanto ang konklusyon ko kung bakit hindi na ako nambababae. Kasi kahit maarte ang imahe ni Angelica, naramdaman ng puso kong iba sya.

BINABASA MO ANG
One Shot Collection (By LovemeLovelies)
Narrativa generaleHINDI ITO PURO KILIG NA ONE SHOT HEHE SOME ARE ABOUT SERIOUS MATTERS SA BUHAY, BASTA ENJOY NYO NALANG DAMING ARTE! AHAHHAHA MAG NEXT PART NA KAYO BAVUSH!