∞"Hoy blondeng hilaw buksan mo 'tong pinto! Hoy dalian mo naiinip na ako! Ano ba! Pag-iintayin mo ba ako!?"
Sinipa ko yung pinto ng kwarto niya at sumandal doon. Hindi ko maaaring suotin yung mga damit na nandoon. Hindi ako babae para suotin ang mga damit na yun. Naka bathrobe lang ako ngayon. Wala akong pakialam ang importante ay mahiram ko yung mga damit ng blondeng hilaw na yun.
"HOYYY ANO BA — AHHHH!"
Tumaas yung kilay niya sa akin at nagcross arms kagaya ng ginawa niya kanina sa main door. Tumayo naman ako mula sa pagkakasubsob ko dun sa sahig.
"Bigyan mo ako ng damit mo. Limang piraso wag kang mag-alala bibilhan kita bukas at saka samahan mo na rin ng tatlong pants at pahiram na rin ng belt mo."
Ganun pa rin yung reaksyon niya expressionless. Nakacross arms at tinitigan ako na parang baliw.
"Magtititigan na lang ba tayo dito? O ako ang papasok sa kwarto mo? Naiinip na ako! Kita mo bang naka bathrobe ako ng pink? Nakakatihan na kasi ako sa kulay na 'to kaya dalian mo na."
Strinech niya yung kamay niya sa ulo ko at pinalo yun sa ulo ko. Baliw na ba 'to? Ang sakit ng kamay niya ah!
"Hoy baliw ka ba?! Ang sabi ko damit hi —"
*boooooogggssshhh
"Aba't! Hindi pa ako tapos mag magsalita! Buksan mo 'tong kwarto mo! BUKSAN MO! Aish!" Hindi ko naman kailangang mag-asaya ng panahon para sa mga kagaya mo.
Alam ko na doon sa sampayan baka may mga damit doon. Bumaba ako pero lahat brief lang ang nandun. Anak ng ugok nga naman oh.
"Paano ba yan Kitt? Magdadamit babae ka o maghuhubad kang maglalakwatsa sa bahay na 'to?" Bakit ba kasi ako nagpauto kay momskie.
Bumalik na lang ako doon sa pink na pink kung kwarto. Hindi ko alam kung makakapagpahinga ba ako sa lugar na 'to. Sumampla na lang ako dun sa pink na pink na kama at sinubsob yung mukha ko sa fuchsia na unan.
"Ano namang klasing pamamahay 'to oh!" Bumangon ako kinuha yung phone na nasa ibabaw ng table. Cellphone huh? Kanino naman 'to.
Binuksan ko yung phone pero yung message lang ng blondeng hilaw na yun ang nandito. Tinignan ko naman yung gallery puros bulaklak lang naman ang nandito pero dun sa kinadulohan may isang picture ng babae at lalake? Kaso yung lalake nakatalikod. Chicks naman ng babaeng 'to. Saan ko kaya 'to makikita? Send ko kaya sa email ko baka pwede ko 'tong maligawan after ng summer na 'to.
Napadpad naman ako dun sa videos nagplay ako ng isang video kaso nabitawan ko yung phone. WTF! Anong klaseng video yun? Tumindig bigla yung balahibo ko!
MAKEUP TUTORIAL?!
At talagang nilagyan pa nila ng makeup tutorial ang phone na 'to!?? Pinatay ko na lang yung phone baka kasi maitapon ko pa sa labas.
"Urgh! Nakakainip na 'tong bathrobe na 'to! Kailangan ko ng magbihis." Binuksan ko ulit yung pink na pink na pink na closet. Sinarado ko ulit kasi hindi ko talaga kayang magsuot ng mga floral, sleeveless, lingerie at kung anu-ano pa. Jusko! Day 1 ko pa lang dito pero parang isang taon na akong nagtitiis dito.
YOU ARE READING
Oh My Tibo Heart (On-going)
Teen FictionTitira ka ba sa iisang bubong kasama ang isang estrangherong lalake at magspend ng 60 days of summer vacation sa isang lugar na malayo sa kabihasnan? Pagkatapos kaya ng 60 days na yun magbabago ang takbo ng buhay mo o mismong ikaw ang magpapatakbo...