Kabanata 10

9 0 0
                                    

Pay The Piper

"Good morning Queen Therese or should I say Queen Madam!"

"Gusto mo gitgitin ko yang leeg mo gamit ang kutsilyong hawak mo?"

"Joke lang naman miss madam eh ikaw naman di mabiro pero totoo naman ahh ikaw ang Queen, si sir pogi ang King at ako ang beautiful maid niyo."

Binigyan ko siya ng death glare. "Syempre sa mansyon na 'to. Pikon ka agad miss madam eh may dalaw yata ka."

Kumuha na lang ako ng mansanas sa fridge. Tatlong araw na ang nakalipas simula nung nakuha ko ang korona at tatlong araw na rin akong inaasar ni Shay na Queen Therese/Madam minsan napapaisip ako kung bakit ba ako pumayag na sumali sa pageant na yun kung hindi lang dahil sa pera.

Speaking of pera ngayong araw ko pala kukunin ang 10,000 pesos. Siguro naman makakabili na ako ng damit na gusto ko diba? At pera ko naman yun walang makakapagdikta sa akin kung saan ko gagamitin yun.

"Miss madam may binabalak kayo nu? Sama kasi ng ngiti mo." Kinagat niya yung apple na kinuha ko saka nagpeace sign. Ito talagang babae 'to feeling niya close na close kami sarap niyang ipag-untog sa ulo ni kuya Theodore. Mahilig mang-asar kasi.

"Oo ipapalapa kita kay Great Theo!"

"Ayy nako miss madam wag niyo ng ipaalala sa akin ang lalaking yan! Kalokohan lang ang nasa isip at puso niya palibhasa pogi siya! OMPM! Di mas hamak na maganda ako sa girlfriend niya!"

Teka kilala niya si kuya Theodore? Paano sila nagkakilala at saan? Oo gwapo ang kuya ko kasi nga pogi ako pero sa pagkakaalam ko loyal na loyal yun kay Natalia kahit may pagkachick boy yun. Maganda naman si Natalia at mabait.

"Teka lang paano kayo nagkakilala ni —" Tinutok niya sa akin ang kutsilyo saka binawi at nagbalat ng sibuyas.

"Miss madam wag na wag niyo ng babanggitin ang pangalang kinamumuhian ko na! Binigay ko na ang lahat sa kanya mapasapatos but never my bataan kasi ganun ko siya ka mahal. But it wasn't enough! I was not enough! Damn!"

Pinagtatadtad niya yung sibuyas ng pinung-pino habang umiiyak. Hindi naman nanghihingi ng sapatos ang kuya ko eh kasi laging branded ang gusto nun at kilala ko ang mga naging jowa ni kuya saka ang layo niya para maging jowa si Shay.

"Tinago niya ako! Tinago niya ang pag-iibigan namin ng dalawang buwan! Oo sa dalawang buwan na yun minahal ko siya kasi MAHAL ko siya. Akala ko ako na talaga pero nalaman kong may long time girlfriend na siya at si Natalia yun! Kahit masakit kinaya ko pero pinili niya pa rin ang babaeng yun kasi LOYAL kuno siya!"

Tinusok niya yung dulo ng kutsilyo sa chopping board at bumaon ito doon. Tumindig naman ang mga balahibo ko sa ginawa niya. Baka masaksak ako nito. Umatras ako ng kaunti para naman makatakbo ako kung sakaling magtatangka siyang saksakin ako.

"Oh my! Saan ang pagiging loyal dun eh ang mukong yun pinagsabay kami! LOYAL ba kamo yun! Walang hiya talaga siya! Sana di nalang ako nagtiwala di sana ako masasaktan! Tama nga yung Newton's Third Law of Action na For every reaction there is an equal or opposite reaction. Nyemas na law bakit hindi equal ang pagmamahalan namin!"

Okay lang naman ang masaktan kasi part naman ng pag-ibig ang masaktan pero sana naman marunong tayong tumanggap sa pagkadefeat natin kasi kapag pinilit natin ang mga ideyang hindi naman dapat eh mas lalo lang tayong masasaktan. Katulad ng sitwasyon ko pinipilit nila akong maging babae with in fact lalake ang dumadaloy na dugo sa katawan ko. Kaya nasasaktan sila momskie at dadskie kasi iniinsist nila na magbabago pa ako. Ewan ko lang.

"Miss madam alam ko na ang babaw ng rason ko para umiyak but soon you'll realize na kapag puno ng hinanakit ang dibdib mo tutulo at tutulo talaga ang luha mo. Tears are inevitable evidence of pure heart — of pure love. Charooot! Pero seryoso miss madam choose wisely kaya kung ako sayo si sir pogi na lang talaga ako."

Oh My Tibo Heart (On-going)Where stories live. Discover now