Kabanata 14

17 0 0
                                    

Curiosity Kills A Cat

"Eyebags, messy hair at kulang sa tulog isa lang ibig sabihin niyan miss madam IN LOVE KA."

Nailuwa ko yung mainit na kanin na sinubo ko. Dali-dali ko nang ininom yung tubig na nasa tabi ng plato ko. I took a deep sigh muntik ng lumabas 'yung kanin sa ilong ko.

"Hala miss madam alam mo ba anong ibig sabihin ng mabilaokan it means that someone remember you hahahaha eeeeeeeyyyy neelele shegere ke ne sher pege ehh ebe beyeeen keneleg eke shepeeer! Hahahahaha!"

"Pede telegelen me yeng kehebengen me tss!"

Tinutok ko naman yung tinidor na nasa kamay ko sa mukha niya na ikinanguwi niya.

"Miss mo lang si sir pogi eh! Asus! Dalawang oras pa nga lang siyang nawawala! Hahahaha."

Nasa dining table kami ngayon at kumakain ni Shay. Maaga kasing umalis si blondeng hilaw hindi ko alam kasi maaga siyang umalis. Hindi rin daw alam ni Shay basta ang sabi niya raw eh important matter kaya wala kaming alam kung nasan siya.

Nung nangyari kagabi akala ko panaginip lang yun pero isang malaking nightmare yata na naging realistic. Pagkapasok ko sa kwarto kagabi nagbihis ako saka sinampa ang sarili ko sa kama akala ko makakatulog ako pero shit parang sumapi yata ang kaluluwa ni Maria Clara sa akin millennial version nga lang tss.

Nakita ko na lang ang sarili ko na nakaharap sa salamin habang tinitignan ang sarili ko. Alam mo yung babaeng gandang-ganda sa sarili sa salamin yun! Iyon ang nangyari sa akin kagabi sinuklay-suklay ko ang buhok ko tapos kunyari may date ako't nagsusukat ng damit na bagay sa akin kahit yung nakakakilabot na video sa phone ko ehh tinignan ko kung paano magmake-up pucha ang hirap siguro natural beauty lang okay na.

Wala ang ganda mo kasi kapag namumula ka.

Sinampal ko naman ang sarili ko kasi narealize ko na nababaliw na talaga ako hanggang nakalimutan ko na 1:00am na madaling araw na pala. Pinilit kong matulog pero parang VTR yung utak ko't paulit-ulit na nag play yung nangyari sa fountain. At kapag naalala ko yun feeling ko sasabog ako o ano basta hindi ko maintindihan! Shit! Ganito ba nararamdaman ng mga babae kapag may nagustuhan sila? Tss.

Pero kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata mismong yung utak ko ay gising na gising. Kinuha ko yung gitara na pink na pink saka ako nagpatugtog pero hindi naman umepekto kasi gising pa rin ang diwa ko. At mga around 3:56am nakatanggap ako ng text mula sa kanya.

Blondeng Hilaw
Matulog ka na papanget ka niyan.

Hindi ko alam kong maiinis ba ako o magiging masaya kasi nagtext siya. Ito yung pangalawang pagkakataon na nagtext siya ang unang beses kasi eh nung unang tira ko sa bahay na 'to.

Bigla namang sumagi sa isip ko kung paano kami nagkasundo and vice versa - yung mga panahong sinalo niya ako mula sa pagkakatapilok ko sa heels, nung nagtulog kami sa couch, yung very first kiss ko sa court kahit accidental yun tss. Nung nasa falls kami't nasa ilalim ng tubig. Nung naging Dr. Wakwak siya for a day, yung may dala siyang banner habang rumarampa ako sa intablado. Yung nasa fast food chain kami. Lahat yun nagreplay sa utak ko.

"Ayyyy! Iba na yan miss madam ha! May pa lip bite ka na tapos tulo laway! Hahahahaha nagdedaydream ka miss madam ano! Oh myy pretty me miss madam umamin ka tumitibok na ba si titibo-tibo na heart?"

Nagulat ako kasi ang lapit-lapit na pala ng mukha ni Shay sa akin. Nilagay ko naman ang kamay ko sa mukha niya.

"Baliw! Gutom lang 'to saka kulang sa tulog."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Oh My Tibo Heart (On-going)Where stories live. Discover now