Kabanata 11

11 0 0
                                    

Three of Hearts

Sinamahan ako ni englisherong palaka para maghanap ng chicks pero syempre biro lang yun. Nagpasama ako sa kanya sa men's wear. Nasa mall kami at gusto kung bumili ng damit ko.

"Bibili ka ba ng damit?" Tanong niya.

"Oo." Tipid kong sagot at pumili na ng bagay sa akin.

"Sino namang magsusuot?" Nagsimula naman siyang pumili katabi ko. Hindi ba talaga niya nahahalatang may iba sa akin? Slow din ang isang to.

"Sa akin." Napahinto siya sa sagot ko. "Bakit?" Sabi ko habang patuloy lang sa pagpipili. Hinila niya naman ako. Teka san ba niya ako dadalhin.

"Maling section yata ng damit ang napuntahan mo let's go the second fl —"

"KITT!!!" Ngayong, isang boses ng babae naman ang nagrinig ko. Alam ko ang boses na yun dahil isang tao lang ang nagmamay-ari nun.

"Summer?" Kumaway siya sa akin at tumakbo papalapit sa amin. Anong ginagawa niya dito? Umasim naman ang mukha ni englisherong palaka ng makita si Summer.

"Hey it's you again! Alam mo bang may kasalanan ka pa —"

"Kitt! Nandito ka lang pala hinanap kita kay Twain kaso sabi niya wala ka raw. Nandito nga pala ako kasi bibili ako ng books sinamahan pa nga ako ni Twain eh." Wait? Nandito si Twain?

Bigla siyang lumabas habang nasa bulsa niya yung mga kamay niya. Alam kung badoy pakinggan pero ang hot este iba ang dating niya sa suot niyang jogging pants na itim at puting shirt printed with XXIV. Magpapaturo nga ako minsan sa kanya kong paano magdamit. Teka nga pala may date ba sila ni Summer?

Nagtama na naman ang mga mata naming dalawa pero imbes na ngitian niya ako si Summer nga nginitian niya. Teka ang unfair naman ako yung — hoyy Kitt ano na naman bang iniisip mo! Hindi siya hot at wala siyang dating isaksa mo yan sa isip mo kasi isang pwet ng pot oo yun yun! At kahit magdamit pa siya ng kasing desente pwet pa rin siya ng pot.

"H-Hi." Shit! Did I just greeted him? "Hay nako masasayang oras natin kapag magtitinginan lang tayo." Aish! Ano bang pumasok sa kukuti ko't yun ang nailabas ko sa bibig ko. At talagang hi pa?

"Yeah right le —" Magsasalita pa sana si englisherong palaka kaso pinutol siya ni Summer. Kanina pa niya ginagawa yun ah.

"Tama ka nga Kitt. Tara punta tayo sa girl's section nandun sa second floor." Hinawakan ni Summer yung wrist ko shit natatae ako ano ba Sum pinapakilig mo mga bulate ko eh. Hinila niya ako papunta sa escalator.

Sumunod naman si BH at EP sa amin. Hindi ko alam kung ano ba ang trip ni tadhana at pinagsama kaming apat sa iisang mall. Eh ang dami ngang mall — yun nakalimutan ko probinsya pala 'to kaya nga maswerte ako na kahit papano may mall naman na mapapasyalan ko. Ang weird lang talaga kasi may mall dito tss.

"Sinundo ka ba ni blo — ni Twain sa inyo?" Para akong kinilabutan sa tanong ko. Napaisip tuloy ako bakit yun ang tanong ko.

"Nako Kitt hindi nagkita lang kami dun sa bookstore at sinamahan niya lang ako." Nakarating na kami sa second floor at nilibot ko ang mga mata ko. Bukod kasi sa hindi ko type ang nandito ayaw ko magpunta ng fitting room para sukatin ang kunyari ang ipamimili kong mga damit.

Nakasunod naman ang dalawa sa likod na halatang tahimik lang. Hindi ba nila feel ang mag-usap man lang. Aish! Iniisip ko tuloy na sila yung mga jowa namin kasi sunod lang sila ng sunod. Kung pwede ko nga lang sanang itakas si Summer dito kanina ko pa ginawa kaso wala naman akong takas kay BH eh sa pagmumukha yun halatang bantay sarado ako.

Oh My Tibo Heart (On-going)Where stories live. Discover now