Not Once But Twice∞
"INAAAAAAANGGG! ANDITO NA KAMI!"
Sabi ni Mang Carpio malapit lang daw ang talon mula bahay nila eh tila buong araw kaming palibot-libot sa masukal na daan para makaabot dito. Sana naliwala na lang ako kay BH na wag ng sumama.
Pero hindi naman alintana ang pagod kasi napawi rin naman ng magandang view ng falls. Tama nga si Manong Carpio ang lamig sa lugar na 'to at napaka peaceful ang sarap magtampisaw sa malinaw at malamig na tubig mula sa falls.
Ang sarap din pala sa probinsya. Kahit walang beach o swimming pool meron namang falls. Malimit lang naman ang nandito. May mga taong nagtatampisaw at meron din namang naglalaba.
Sa kabilang dako nandun ang asawa yata ni Manong Carpio yun. Kumakaway sa amin. Panay naman ang kaway ni Pidong na nakakapit pa din sa kamay ko.
"Tara Ate Kuys maligo na tayo." Tumalon si Pidong doon sa tubig na siyang ikinagulat ko.
"Day masanay ka na diyan kay Pidong lagi yang nagtutungo rito kahit hindi kami kasama. Matigas talaga ulo ng batang iyan puros lakwatsa."
"Pero hindi po ba nakakatakot Manong kasi malalaki po ang bato rito." Pero nagulat ako may tumulak sa likod ko kaya nahulog ako sa tubig.
"PUCHAAAA! MUNTIK KO NG IKINAMATAY YUN BLONDENG HILAW!" Mabuti na lang at marunong akong lumangoy dahil kung hindi baka nadala na ako ng kuryente ng tubig.
Tumawa naman siya. "Quits na tayo. Buti nga di ka naospital." Saka niya hinubad yung top niya at tumalon na rin. Pero bakit ako lang ang umahon? Nasaan na si Pidong at BH? Hinanap ko si Manong Carpio pero parang magic at nakatawid na siya sa asawa niya. Malayo-layo pa ako mula sa kanina kaya imposibleng marinig nila akong sumigaw.
"Hindi naman ako nag-aalala sa BH na yun eh nag-alala ako kay Pidong." Sumisid ako pero mga bato lang ang meron dito. Saan na sila?! Umahon ulit ako para kumuha ng hangin at bumalik. Palinga-linga ako pero wala talaga.
Nang biglang may humila sa paa ko. Kahit nasa ilalim ako ng tubig kinaya paring bumuka ng mata ko. Sinipa ko ang bagay na yun baka kasi shukoy yun na napadpad dito sa talon. Weird diba? Tss.
Aahon na sana ako hinila ulit ang paa ko. Pinilit kung tignan kung anong bagay yun at si blondeng hilaw ang nakita ko. Ngumiti siya sa akin at saka lumapit at hinawaka ang bewang ko. At dahil nasa tubig kami umaangat yung damit ko.
Pucha! Tinakot niya pa ako! Siya lang pala. Sinipa ko siya para kumalas sa pagkakahawak niya sa bewang ko. At umahon sa tubig. Hinabol ko ang hininga ko kasi muntik na akong maubusan ng hininga dun.
"Ate Kuys! Nakita mo ba? Naipakita ba ni Kuya Twain sayo?" Excited na tanong ni Pidong sa akin.
"Akala ko nandun ka sa tubig kailan ka pa umahon?"
"Nung sumisid ka ulit umahon na ako." Saka siya tumingin sa tubig. "Siguradong mamatay si Kuya Twain doon." Nalito naman ako sa sinabi niya.
"Anong sinasabi mong malulunod si blondeng este si Twain?" Wow first time kong nabanggit ang pangalan niya.
"Sabi ko kasi sa kanya saka lang siya aahon doon kapag naipakita niya na sayo yung nakaukit doon. Malamang mamaya hindi na siya aahon kasi hindi mo pala nakita."
Ganun na lang? Ganun na lang ka simple para sa kanya ang sabihin yun? Eh paano nga kapag naubusan si BH ng hangin? Kahit naman siguro ibang tao gagawin din ang gagawin ko diba.
Sumisid ako muli sa tubig para iahon si BH nang bigla siyang lumitaw sa harap ko. Ngumiti siya sa akin at pinikit ang mata niya. Nauubusan na ba siya ng hangin? I swear ito na ang last na magiging mabait ako sa blondeng 'to.
YOU ARE READING
Oh My Tibo Heart (On-going)
Genç KurguTitira ka ba sa iisang bubong kasama ang isang estrangherong lalake at magspend ng 60 days of summer vacation sa isang lugar na malayo sa kabihasnan? Pagkatapos kaya ng 60 days na yun magbabago ang takbo ng buhay mo o mismong ikaw ang magpapatakbo...