Sorry Sorry
∞
Dalawang araw nang hindi ko nakikita at nakakausap si blondeng hilaw. Isang araw din kasi silang nandun sa hospital at kinaumagahan pinadismiss na rin si BH kasi okay na daw siya. May allergy pala siya sa snail kaya pala ganun na lang siya makapagreact. Di sana kung alam kong allergy siya edi sana di na ako tumawa ng malakas pa dun sa park.
Si Shay lang lagi ang nakikita ko sa loob ng bahay tinatanong ko naman kung okay lang ba siya. Sabi naman ni Shay okay lang daw at humanda raw ako kapag magaling na siya. Hindi naman ako natatakot mabuti nga yun at least okay na siya.
"Miss madam! Lungkot natin ngayon ahh." Maaga akong nagising kasi basta maaga lang. Nandito ako sa dining room at kinakain yung binili kong icecream.
"Anong malungkot? Pwede ba Shay tigilan mo ako! Tss. Palibhasa day off mo ngayon." Oo day off niya ngayon ibig sabihin every saturday at sunday uuwi siya sa kanina at maiiwan kami ni BH mag-isa dito.
"Asuuus si miss madam kunyare pa! Hayy nako miss madam kung ako sayo ipagluluto ko si sir pogi! Alam muna peace offering sa nagawa mo. Bwahahahahaahaha."
"Umalis ka na nga lang." Pinapamukha pa talaga sa akin na kasalan ko yun.
"Teka lang miss madam ihahanda ko muna breakfast niyo alam mo namang trabaho ko pa din yun at saka mahal ko kayong magkasintahan este magkabubong." Ikikiss niya na sana yung pisnge ko pero nilagay ko yung kutsara sa labi niya. "Yuck ewwww laway niyo miss madam!" Ngumisi naman ako.
"Arte mo!" Inirapan niya naman ako at pinagpatuloy ang pagluluto niya. Sumandok naman ako ng icecream saka sinubo sa bibig ko. Paano naman ako magsosorry ngayon kung hindi siya nagpapakita sa akin.
"Shay paano ba magsorry sa isang lalake?" Biglang huminto ang daloy ng dugo ko nang tinutok ni Shay ang matalim na kutsilyo sa leeg ko. Napapigil hininga ako sa mga sandaling yun habang nakatitig lang sa kanya.
"Dapat ganun miss madam INTENSE!" Binawi niya yung kutsilyo at pinapatuloy ang paghihiwa. What the! Para san naman yun? PAANO KAPAG TOTOONG NATULUYAN NIYANG PASLANGIN AKO?
Sinipa ko naman siya sa likod niya.
"Baliw ka ba Shay? Kutsilyo yun! Paano kapag natuluyan mo? Edi mumultuhin kita! Tss." Tumawa siya at nagpeace sign. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ng icecream.
"Paanong intense? Ano ba dapat ang sasabihin ko?" Hinarap niya ako saka nagcross arms. "Yung pasweet ba o masimple lang o pakorne o suabe lang?" Kinurot naman ni Shay ang tagiliran ko. "ANO BA SHAY NAKAKARAMI KA NA AHH!" Ngumiti lang naman siya saka ako inakbayan.
"Alam mo miss madam kahit tibo kayo may pusong babae din pala kayo kahit papaano." Binatukan ko naman siya. "Tutulungan mo ba ako o hindi?" Binatukan niya naman ako.
"Miss madam ang paghingi ng sorry dapat mula sa puso bukal sa puso. Dahil kapag sincere ang sorry mo tiyak mapapatawad ka ng tao. Ako kasi kapag nagsorry ako kay Cleo ito nilalambing ko siya at yun okay na kami."
"Shay hindi ko naman boyfriend ang blondeng hilaw na yun! Housemate na pagsosorry Shay!"
"Okay sige ganito na lang miss madam. Kunyare ako si sir pogi tapos hihinge ka ng sorry sa akin. Ipikit mo yang mga mata mo at ifeel na sising-sisi ka at kailangan mong makuha ang kapatawaran niya. Game?"
"Sige." Pinikit ko yung mata ko. Saka ako huminga ng malalim.
"Blondeng hilaw, nakakatawa ka pero sorry."
"Yung with feeling naman miss... miss madam." Bakit nauutal si Shay? Sige uulitin ko.
"Blondeng hilaw mapapatawad mo pa ba ako? Kasi kapag hindi maaari na akong makaalis dito. Sorry. Nakakatawa lang kasing isipin na takot ka sa snail pft hahaha. Peace."
YOU ARE READING
Oh My Tibo Heart (On-going)
Teen FictionTitira ka ba sa iisang bubong kasama ang isang estrangherong lalake at magspend ng 60 days of summer vacation sa isang lugar na malayo sa kabihasnan? Pagkatapos kaya ng 60 days na yun magbabago ang takbo ng buhay mo o mismong ikaw ang magpapatakbo...