Prologue

30 1 0
                                    

Isa lang naman akong tibo. Simula pa nung bata ako mahilig na ako sa panlalaki. Mula sa laruhan hanggang sa mga kalaro ko at lalo na sa pananamit ko. Akala ng magulang ko trip ko lang pero nung Grade 5 umamin akong may crush akong babae biglang gumuho yung mundo nila.

Lima kaming mangkakapatid at mayroon akong apat na kuya at ako ang bunso. Nag-iisang prinsesa ako ng pamilya pero mukhang prinsipe yata ang kinalabasan. Lagi akong pinapagalitan ni Momskie kasi nga raw kahit sa pananamit na lang magmukha akong babae kaso matigas talaga ako. Si Dadskie naman ayun minsan ng inatake dahil nalamang nagkagirlfriend ako.

I have my very first girlfriend nung nasa 3rd year high school ako. Tumagal lang naman kami ng one year at naghiwalay rin narealize kasi niyang mas gusto niya yung lalake. Nung 4th year naman ako syempre nagtwo time ako. Ang gwapo ko naman kasi. Kaso nalaman nilang pinagsabay ko sila ayun hiniwalayan ako. Ganun naman talaga eh. Live life to the fullest.

Criminology naman yung kinuha ko nung nagcollege ako pero ininsist ni momskie na fashion designer. Eh pananamit nga wala akong kataste-taste. Kasi yan yung gusto niyang kunin noong kapanahunan niya kaya lang doctor ang pinakuha sa kanya. Sabi ko naman na bakit hindi na lang siya ang mag-aral. So nakagalit si momskie at pinalayas ako at tumira ako sa friend kung babae for a week. Oo for a week lang hindi rin ako nagtagal dun kasi mas malala pa siya kay momskie laging naninirmon sa akin. Na dapat maging babae na ako kasi ang ganda-ganda ko raw.

Tumira naman ako sa barkada kung lalaki dun sa boarding house niya. Nagulat nga siya eh kasi bawal daw ang mga babae dun. Babae ba yung nagdadamit panlalaki? Nakasuot ng khaki pants na white at pulang long sleeve? Mukha bang babae yun? Isang linggo lang din ako dun kasi hindi siya sanay na may katabing babae. Ugok! Hindi kami talo at hindi ako nagkainterest sa kanya! Ayaw niya kasing matulog sa sahig at ayaw ko ring matulog dun kaya ayun dalawa kami sa kama niya.

Kaso narealize ni momskie ang ginawa niya kaya pinauwi niya na ako. Sumang-ayon na siya na Criminology yung kukunin ko pero sa isang kondisyon raw. Bigla namang tumindig yung mga balahibo ko dun. Hindi pa kasi humingi ng favor si momskie sa akin ngayon lang.

"Pagkatapos ng whole semester class mo doon ka magsusummer sa Tita Evangeline mo."

"What?! Alam mo namang punong-puno ng kolorete yung mukha niya at kung makapagsuot ng damit akala mo sumasayaw sa bar. Hindi ako magbabaksyon doon."

"Sige. Doon ka mag-aaral sa Canada! Doon sa mga kuya mo at fashion designer ang kukunin mo at wala lang urungan 'to. Matagal na akong nagtitimpi sa ugali mong yan. That's final!"

So kumuha nga ako ng Criminology at hindi ko na tinanggihan ang offer ni momskie. Ayaw kong nandun ako sa mgq kuya ko 'no. Sigurado akong papasusuotin nila ako palagi ng palda at sleeveless. Lagi ko kasing sinusuot yung mga damit nila nung dito pa sila sa bahay ang gwapo kasing manamit ng mga kuya ko kasing pogi ko.

Dalawang summer na ang lumipas pero laging busy si Tita Evangeline. Masaya naman ako kasi hindi ko naman talaga gustong nandun ako. Nagkagirlfriend ulit ako kaya lang nalaman kong may-iba siyang lalaki ayun naghiwalay ulit kami. At ngayong hiwalay na sila nagpapapansin na naman. May nagugustuhan naman akong babae mula doon sa Education Department ng institution namin kaya lang mukhang busy sa academics. Di ako makaporma eh kasi aaligid-aligid yung nerd na lalaking kasama niya.

"Paano ba yan pre? Naunahan ka na yata ng Mr. Nerd na yun? Hahahaha."

"Makukuha ko rin ang babaeng yan! Hindi man ngayon pero dadating din ang araw."

"Tagal mo kasing dumamoves pre! Tularan mo kami habulin ng mga chicks hahaha."

"Magpagupit ka na kasi ang haba na naman kasi ng buhok mo pre hahahaha."

Oh My Tibo Heart (On-going)Where stories live. Discover now