GRAND EXIT

48 2 0
                                    

LUIGI'S POV

Okay. So sa katirikan ng araw, heto ako at nakatayo kasama ang Section A.... kakatapos lang kasi ng parade..

" Oh Luigi, ayaw mo bang sumama saming pumunta sa university canteen?" tanong ni Eihron habang may kasamang babae

" Tara, malayo-layo din yung nilakad natin kanina" sabi naman ni Gino

" Okay" tapos pumunta na kami sa canteen.. umorder kami ng inumin at ng pagkain tutal one hour pa bago mag-start ang mind games kaya may time pa kami para kumain... Pero habang kumakain kami sa isang table.... nabobore ako kasi puro babae ang kasama nina Eirhon at Gino.. Well, lahat naman ng mga estudyante, alam na playboy ang dalawang yan... pero hindi ko trip ang mga babae dahil sakit lang sila sa ulo... kaya saming apat na magkakaibigan ay pinakakasundo ko si Zero.. pero wala naman siya ngayon dahil siya ang organizer ng event..

Bored na bored ako sa kinauupuan ko ng may makita akong tao sa malayong table... Hmmm.. may bigla akong naisip... haha, aasarin ko na lang siya..

" Eirhon, Gino, Alis muna ko! " tapos tumayo na ko... tapos lumapit ako sa kanya.. syempre ang taong yun ay walang iba kundi si Miyu.. Nung palapit na ko, nakita kong sumimangot siya..

" Good morning" bati ko tapos umupo ako sa katapat niyang upuan.. Siya lang mag-isang kumakain..

" Anong maganda sa morning kung andito ka?!"

" Well, Marami.... ang makita ang isang gwapong nilalang na gaya ko ay dapat mo ng ipagpasalamat."

"whatever"

"So? ano ba ang kinakain ng mga....... ah----- creatures na kagaya mo.." tapos tinignan ko yung pagkain niya...

" Pwede Ba! wag kang feeling close diyan! umalis ka na nga, nakakasira ka ng araw!" sabi niya bago isubo yung kinakain niya..

" Ok, aalis na ko" tapos tumayo na ko pero syempre iinisin ko muna siya.. kaya sinubo ko yung kinakain niya na nasa hawak niyang kutsara... tapos ngumiti ako sa kanya then babye! umalis na ko..

MIYU'S POV

Nabigla na lang ako ng biglang sinubo ni Luigi yung kutsara ko.. tapos umalis na siya.. " Ihh, may RABIES na tong kutsara ko!" tumayo na ko.. tapos lumapit sakin yung waitress ng canteen..

" Ano po'ng problema, Ma'am?" tanong niya

" Pakibabad po ng tatlong araw sa alcohol tong kutsarang to para matanggal yung Rabies.." tapos umalis na ko.. Nakakainis!

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +

" Yehey! "

Tapos na ang mind games at nagthird place kami.. Ofcourse, first place ang Section A na parang hindi man lang pinagpawisan... tapos second place ang Section B.. Sulit ang paggroupstudy namin dahil napunta kami sa third place..

" congratulations" bati nina KC at Ella.. well, sila lang naman ang kasabwat ko para sa sports bukas... Sila ang mga Class Presidents Ng Section F at G.. Kung sa mind games ay lamang ng DALAWA ang Section A samin.. pwes sa sports kailangang maging TATLO ang lamang namin sa kanila para matalo namin sila.. At kilala ang SECTION F at G sa galing nila sa sports kaya naisip kong gawin silang kasabwat..bale kailangan mapunta ang Section F at G sa 2nd and 3rd place .. tapos sisiguraduhin naming kami ang nasa 1st place at ang section A ang nasa 4th place sa Sports bukas.. Dabest ako sa sports kaya hindi imposible yon..(^▽^) hahahaha,, nakikita ko na ang aking tagumpay..

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +

" GO REI!! " malapit na sa goal si Rei habang nakikipaglaban siya sa Track and Field.. malapit na ... malapit na! "YEHEY!" panalo siya...!

Pumunta kami ni Sandy dun sa harap ng LCD screen kung saan pinapakita yung mga standing ng bawat year and section.. tinignan namin yung bandang dulo kasi andun yung sa year namin..

1. SECTION F - 11pts

2.5 SECTION E - 10pts

2.5 SECTION G- 10pts

3. SECTION A- 9pts

4. SECTION D- 7pts

5. SECTION B- 6pts

6. SECTION C- 4pts

hmmm,,, umaayon ang lahat sa plano... tennis at swimming na lang yung natitirang sports.. at yun ang specialty ko kaya sure win na kami... hahahaha ( evil laugh ) In no time, mananalo na kami sa Section A..

" OKAY, mag-ready na ang lahat ng mga participants para sa tennis" 

Okay , magreready na ko.. pumunta ako dun sa bandang stage kasi andun yung raketa ko... ano ba to! ang daming wires.., dun siguro sa speaker  at LCD screen to..

ai , oo nga pala.. andito si Zero.. ehemm... (mahinhin mode).. lakad ng maayos..smile... kunin ang raketa.. lakad ng maayos pabalik....ayos na sana ang lahat kaso bago ako makaalis.., nagkaroon pa ko ng grand exit, hindi ko napansin na may natisod pala ako kaya nagkaroon kami ng kissing scene ng floor.. nakakahiya! (>_<)>.. ... nakaswimming position ako kaya bumaliktad ako at humiga.. ang sakit ng paa ko.. 

" MIYU! UMIWAS KA!' hindi ko na masyadong narinig yung sinabi nila.. pero nakita ko nalang na pabagsak sakin yung isang malaking speaker.. AYOKO PANG MAMATAY!.. hindi na ko makatayo kaya pumikit nalang ako.. GOODBYE WORLD.. Sandy- sorry kung naging masama akong kaibigan.. ZERO- sorry kung hindi ko pa nasasabi sa'yo yung nararamdaman ko.. goodbye..

matagal na kong nakapikit pero wala pa rin akong nararamdamang bumabagsak sa kin kaya dinilat ko yung mata ko.. .. pagdilat ko,.. nakakita ako ng dugo.. ang daming dugo... pero hindi sakin... 

kay ZERO?!

Sorry, because I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon