feeling close

75 4 0
                                    

"Cream and Strawberries with Vanilla IceCream, dark choco moist cake, rocky road ice cream and 10 choco brownies" order ko sa babae sa counter

Andito ako ngayon sa Ichigo's restaurant... maraming masasarap na pagkain dito pero pinakadabest yung sweets nila....  At dahil sobrang hilig ko sa sweets, eh ginawa ko nang tambayan ang restaurant na'to. Hindi naman mahal yung mga pagkain dito, afford kahit estudaynte ka lang tapos may free wi-fi pa... kaya-------

Ako then sweets na afford na afford then laptop with free internet then a nice and peaceful place... equals paradise ^_____^

After kong bayaran yung inorder ko,.. naglakad na ko papunta dun sa teritoryo ko.... yung table sa dulo ng right side ng restaurant na'to..( di mo maintindihan? bahala ka xD) tutal ihahatid naman nila yung inorder ko..

Papunta na ko dun sa table ko ng biglang may umakbay sa kin... awtomatikong napatingin ako dun sa feeling close na stranger na yun.. In fairness, gwapo siya, maputi , matangkad at kasing age ko siguro..

"Oo baby, miss na miss na rin kita" sabi nung lalaki.. Nagpalingon-lingon ako sa paligid ko pero wala naman akong nakitang ibang tao.. Aalisin ko na sana yung pagkakaakbay niya sakin kaso bigla niya kong niyakap at ang pinakaikinagulat ko ay nung hinalikan niya ko.. O_O

"What is the meaning of this?" sigaw nung kararating na babae                      

"I'm sorry Shayne, let me explain" sabi nung lalaki                                                                                       

" No! break na tayo! magsama kayo ng babae mo!" tapos sinampal ako ng sobrang lakas nung babae..--- Shayne ata yung pangalan.. Tapos lumabas na si Shayne ng restaurant.. habang ako ay naiwang kasama ang lalaking to.. Ah? Ano'ng nangyari? Sobrang bilis ng mga nangyari at hindi pa nagsisink-in sa utak ko.. Ang alam ko lang, pumunta ako sa restaurant para kumain... umorder ako... papunta na sana ako sa mesa ko ng biglang may umakbay, yumakap at humalik sa kin.. Then sinampal ako ng sobrang lakas ng isang babae.. hanggang maiwan akong nakatulala ngayon..

" haay, mga babae talaga" sabi nung lalaki na parang masaya pa "thank you nga pala ah... ang totoo kasi matagal ko ng gustong makipagbreak sa girlfriend kong si Shayne pero ayaw niya akong pakawalan.... because she thinks that I'm her perfect boyfriend... kaya kinailangan ko pang magpanggap na nambababae ako para lang pakawalan niya ako.. Pero kahit anong gawin ko, ayaw niyang maniwala.., gusto kasi niya na ma-witness niya mismo para lang maniwala siya.. kaya ka nadamay... kaya sinadya kong halikan ka sa harap niya..pero may napansin akong iba, napansin ko na first kiss mo yon.. pero okay lang yun kasi gwapo naman yung first kiss mo.. Sige mauna na ko.. bye " nagsmile yung lalaki sakin tapos umalis na siya... Teka ,naguguluhan talaga ako.... Panaginip ba to? parang hindi naman kasi ang sakit nung pagkakasampal sakin kanina.. Ano daw? Ginamit ako para mag-break sila ng girlfriend niya?.... Sorry naman kung turtle ako,... hindi ko pa talaga gets.... 50% loading........ 60%.......................70%..................... 80%.......................... 90%................... 100%.......... Done..

Yung first kiss ko! yung first kiss ko! yung first ko ay napunta sa isang stranger! well, gwapong stranger pero yung first kiss ko na iniingatan ko! Tsaka bakit ako yung dinamay nila? ni hindi ko man sila kilala! Aargh! feeling ko makakapatay ako ngayon! Bakit ako ang nadamay? Bakit?! 

Feel ko rin, namumula yung pisngi ko.. hindi ko alam kung dahil sa halik o dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kin.. hindi ko alam! Tsaka bakit ako yung sinampal at hindi yung lalaki? Lumingon-lingon ako sa paligid ko... wala namang camera... kaya hindi naman siguro iyon part ng isang laughtrip show na may biglang susulpot at sasabihing "WOW mali"

Basta huwag lang papakita sakin yung lalaking yon.. kundi mapapatay ko siya!

Sorry, because I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon