My panyo ?

45 2 0
                                    

San ka na? Andito na ko... antagal mo naman! ------  White Rabbit!

Pagkatapos kong basahin yung text ni Luigi, tumingin tingin ako sa paligid ko.. " Ayun!" nakita ko na siya kaya nilapitan ko na siya..

" Antagal mo naman! Late ka na! " reklamo ni Luigi

" OA mo naman... kung makatext ka naman kanina.... parang talagang feel na feel mo  yung unli mo ah.. bawat galaw ko ata nagtetext ka eh.. tsaka wala pa namang 8:00 eh.. 7:45 palang kaya hindi pa ako late..!"

" Kahit anong oras pa..., basta nauna ako sa'yo.., ibig sabihin late ka.."

" Ok fine.., oh san ba tayo pupunta?"

" Teka lang.., hindi pa tayo kumpleto.."

" ha? sino pa bang ku-----" napatigil ako sa pagsasalita dahil nakita ko si Zero.. yehey! yehey! nakita ko siya ngayon... ^___^... pero nawala yung ngiti ko nung makita kong may kasama siyang ibang babae..

" Oh Zero, Sara.., andito na pala kayo" bati ni Luigi

" Long time no see, ah Luigi" sabi nung babae.. Sara ata yung name..

" Oo nga eh.. gano na nga ba katagal? 8 years? " sabi ni Luigi

" Oo" sagot nung babae.. Maganda siya, maputi, mahaba ang buhok, matangos ang ilong, at mukhang mahinhin talaga.. di tulad ko na feeler lang..

" Ah oo nga pala.. Sara meet Miyu.. Miyu meet Sara.... Si Sara nga pala ang childhood friend namin ni Zero, Miyu.. pero 8 years ago, pumunta sila sa Amerika ng family niya at dun na sila tumira... Then Sara, Si Miyu nga pala ang slave ko.." pagpapakilala ni Luigi.. Talagang hindi na nahiya tong lalaking to.. Ipinakilala talaga ako as slave!

" Ow, Nice to meet you, Miyu.. akala ko girlfriend ka ni Luigi.." mahinhing sabi ni Sara..

" ah hindi.. hindi pa naman ako nasisiraan ng bait" sabi ko

"Oh! balak niyo  na lang bang dalawa na magdaldalan diyan hanggang mamaya? " reklamo ni Luigi..

Wala na rin kaming nagawa kundi sundan si Luigi.. nauunang naglalakad sina Sara at Zero.. tapos nasa likod kami ni Luigi..

" San ba talaga tayo pupunta?" tanong ko kay Luigi

" Sa puso ko"

" so wala tayong pupuntahan?" tanong ko kay Luigi

" Basta tumahimik ka nalang.. alalay ka lang naman eh.." 

So, tumahimik na nga lang ako.. hanggang sa makarating kami sa isang amusement park..

" Wow amusement park! sasakay tayo sa mga rides?" excited kong sabi (*´▽`*).. mahilig kasi ako sa mga rides..

" hindi.... tititigan lang natin sila hanggang mamaya..." papilosopong sabi ni Luigi.. " Malamang! amusement park to eh! ano to? titigan session?"

" oh sorry naman... masyado lang akong naexcite!.. kaw naman kung makapagreact .., para akong nakapatay!" ( ̄□ ̄;) .. TSK! sabi ko na nga ba.. hindi talaga ako dapat nakikipag-usap sa taong to... wala akong mapapala,...

Una naming pinuntahan yung horror hauz or kung ano mang tawag dun basta may nakakatakot..

" Kung natatakot ka Miyu, andito lang ako ah.." sabi ni Zero.. ang bait talaga ni Zero (≧∇≦)/ ..

hmmm... hmmm... may naisip ako! pano kaya kung magpanggap akong natatakot para makalapit ako kay Zero.. ay hindi! hindi! .. parang inaabuso ko naman nun yung kabaitan ni Zero.. Pero! wala namang masama dun diba?

Kaya naman.., nung pagpasok namin... may nakita kaming mga white ladies at zombies..

" waaah~ !" patiling sabi ko tapos hinawakan ako ni Zero..

Sorry, because I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon