can you be?

47 2 0
                                    

" bili mo ko ng inumin " utos ni Luigi 

" hayay, captain!"

Break namin kaya inutusan ako ni Luigi na pumunta sa badminton court para may mautusan daw siya ..,naglalaro kasi siya ngayon ng badminton..^___^

Ang bilis ng panahon, 2 weeks na rin pala mula nung pumunta kami sa amusement park.. hindi rin nagtagal si Sara dito sa Pilipinas at bumalik na siya sa Amerika.. Mula rin nung araw na iyon.., mas naging malapit na magkaibigan na kami ni Zero.... mas madalas na kaming magtawanan, magbiruan tapos nakakapagopenup na kami sa isa't-isa..pero hindi ko pa rin nasasabi na gusto ko siya..( nahihiya ako eh... hehe) Samantalang si Luigi naman ..todo kung makautos.(~_~メ)

Pumunta ako sa canteen para ibili ng inumin si Luigi.. Malayo rin yung distansya ng court sa canteen kaya nakakapagod..

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + 

" Oh" sabay abot kay Luigi ng mineral water na binili ko.... hanggang ngayon kasi hindi pa natatapos yung slave-master thing kaya alalay pa rin niya ko..

" Ano to?!" tanong ni Luigi

" Mineral water, obviously"

" Bakit binili mo ko ng mineral water? Ayoko to!.. palitan mo.. Bilis"

" TSK, ang layo kaya ng canteen mula dito.. pagtiyagaan mo na lang yan.."

" Hindi ! ako ang masusunod .. Kilos na.. bilis.."

Wala na rin akong nagawa kundi sundin yung inuutos niya.. bumalik ako sa canteen tapos bumili ako ng Nestea..

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + 

" Nestea?! nananadya ka ba? hindi ako umiinom ng nestea" reklamo ulit ni Luigi..

" Eh hindi ko naman alam "( ̄□ ̄;)

" Oh ngayon alam mo na.. bilis palitan mo na to.. softdrinks ang gusto ko.. okay?.." 

 Tcchh, for the third time.. naglakad ulit ako mula sa court hanggang sa canteen..

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + 

" ito? ayoko nito! Sprite yung gusto ko.. palitan mo ulit.. Bilis."

So for the fourth time bumalik ulit ako.. At sure na ko ngayon sa Sprite..

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + 

" Bakit di masyadong malamig? padagdag mo ng yelo.."

" Pwede ba! inumin mo na lang yan.. apat na beses na kong nagpabalik-balik mula dito hanggang sa canteen! try mo kayang gawin yun para malaman mo kung gano kahirap..!" pagkasabi ko nun.., umalis na ko para hindi na siya makapagreklamo.... maglalakad-lakad na lang ako.., baka sakaling makita ko pa si Zero.. (*´▽`*)hehehe.. or pwede na rin si Sandy.. asan na kaya si Sandy..?"

SANDY'S POV

" aaaaching!!" wooh.. anu ba yan..! mukhang may nakaalala sakin ah.. sana gwapo.. hehehe..

Ai oo nga pala, papunta ako ngayon sa library.. pero hindi para magbasa ng libro,, hindi naman ako ganun kasipag... gusto ko lang tumambay sa library..... wala naman akong mapuntahan eh.. tutal malamig naman dun kasi naka-aircon.. (^▽^) 

* TOINKS*

" Aray!" dahil sa katangahan ko,.. hindi ko namalayan na may nabunggo na pala ako.. tumatakbo kasi siya kaya naman hindi na ko nakaiwas..  napaupo tuloy ako..

" Pwede ba sa su--------" <'ヘ´>

" Okay ka lang ba Miss?" magsusungit sana ako kaso nakita ko na si Gino pala yung nakabunggo sakin.. Sino si Gino? well, isa lang naman siya sa mga pinakaguwapo dito sa campus..

Sorry, because I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon